Pinay na abogada, kakampi ni Nora
April 9, 2005 | 12:00am
May ipinadalang official statement ang manager ng superstar na si Nora Aunor tungkol sa gusot na kinasasangkutan nito sa Amerika na may kinalaman sa droga. Ani Norie Sayo, sana naman daw ay huwag maging negative ang media kay Ms. Aunor dahil as of presstime ay hindi pa naman tiyak na shabu nga yong nakita sa bag nito. Katunayan ngay may hearing sa ika-21 ng Abril.
Tuloy pa rin daw ang mga show na naka-schedule ng superstar.
Isang Pinay ang humahawak sa kaso ni Ms. Aunor, si Atty. Claire Espina na noon pang 1983 naninirahan sa Los Angeles. Journalism graduate ng UP si Espina at nagtapos ng abogasya sa University of La Verne sa California. Hindi raw siya tagahanga ni Aunor at kaya niya lang tinutulungan ito dahil sa naniniwala siyang malaki ang naiambag ng superstar sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas.
"Si Nora Aunor ang mukha ng Pilipino sa buong mundo!" sabi pa ni Atty. Espina.
Hindi raw nakakitaan ng pagkataranta si Nora habang tinatanong ng mga pulis. "Alerto at dignified siya sa kanyang mga sagot sa pulis na kagulat-gulat at kahanga-hanga at hindi mo mai-expect sa isang taong may matinding problema!" ani Espina. Dennis Adobas

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended