^

PSN Showbiz

Marissa, gustung-gusto nang magka-anak!

- Veronica R. Samio -
Gustung-gusto na palang magkaanak ni Marissa Sanchez. Sabi nga ni Marissa, ginagawa na nila ang lahat para magkaanak na sila ng asawa niyang si Ian.

Kaya lang sinabi ng kanyang OB Gyne, kailangan niyang magbawas ng timbang dahil nakabalot sa taba ang kanyang uterus kaya mahihirapan pa siyang magbuntis.

Sinunod naman ni Marissa ang payo ng kanyang doctor. Nagpipilit siyang magbawas ng timbang sa pamamagitan ng pagi-gym. Kasama niyang nagwo-work out ang matalik niyang kaibigang si Jessa Zaragoza. "Pero grabe naman ‘yan si Jessa parang hindi tao pag nagbuhat. Talagang grabe," kuwento ni Marissa.

Matagal na rin palang magkaibigan sina Marissa at Jessa. At pare-pareho na rin silang Christian. Pero una raw naging magkaibigan sina Dingdong Avanzado na asawa ni Jessa at si Ian na asawa ni Marissa.

Kaya nga madalas silang magkakasama. At ngayon sa concert nga na pinamagatang The Soul Sisters Act sila magkakasama-sama. Pero kasama na nila sa concert na ‘yun si Ara Mina na ididirek naman ni Dingdong.

Gaganapin ang nasabing concert sa June 2 (Thurs) sa Metro Comedy Bar at May 20 (Friday) sa Cafe Lupe sa Guadalupe, Makati.

Siguradong bukod sa magpapatalbugan sila sa pagkanta, magpapatalbugan din sila sa pagpapa-sexy.

Kahit naman medyo mataba si Marissa, sexy pa rin ang hitsura niya di ba?

O siya magkita-kita na lang tayo sa concert nila. Excited na rin akong mapanood silang kumakanta.
* * *
Sa darating na 13th anniversary celebration ng ABS-CBN Star Magic, isang engrande at star-studded na Flores de Mayo ang gaganapin sa May 1, 2005! Ang nasabing Flores de Mayo ay taunang proyekto ng Siyudad ng Maynila, Department of Tourism, Unilever, Fashion Designers Association of the Philippines (FDAP) at ng Congregacion de Santisimo Nombre del Niño Jesus. Ngayong taon na ito, ang nasabing Flores de Mayo ay tatampukan ng mga magaganda at gwapong bagets ng ABS-CBN Star Magic. Excited ang ABS-CBN na makasama sa proyektong ito at hangad na sana maging simula ng isang magandang pagsasama na tatagal sa darating na mga taon. Kamakailan, isang simpleng merienda ang naganap sa ABS-CBN para magkakilala ang mga artista ng ABS-CBN Star Magic at ng 30 FDAP designers, na pinangunahan ng kanilang president na si Edgar San Diego. Kasama rin noong hapon na iyon si Direk Laurenti Dyogi, Vice President ng ABS-CBN na siyang namahala sa Flores de Mayo para sa side ng network.

April 1992 nang unang maisip ng dating ABS-CBN President and Chief Operating Officer Freddie Garcia at ni Johnny Manahan ang mag-buo ng stable of new stars na magiging exclusive talents ng ABS-CBN. October noong taon ding yon inilunsad ang show na Ang TV at dito nakilala ang mga batang Claudine Barretto, Jolina Magdangal, Camille Prats, Victor Neri, Paolo Contis at marami pang iba. November 1995 naman ni-launch ang Star Circle Batch 1 na pinangunahan ng namayapang aktor na si Rico Yan. Ngayon, thirteen years later, marami ng napatunayan ang ABS-CBN Talent Management and Development Center na may bago ng pangalan na ABS-CBN Star Magic! Major celebration ang magaganap simula ngayong Mayo dahil hindi kukulangin sa thirteen treats ang ihahandog ng Star Magic. Eto na ang number one treat… isang dosena pa ang ating aantabayanan!

ABS

ARA MINA

CAFE LUPE

CAMILLE PRATS

CBN

JESSA

MARISSA

PERO

STAR MAGIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with