Di na uso ang singer na di maganda
April 8, 2005 | 12:00am
Tanggap na tanggap ng lahat nang pumunta sa album sa launch ni Rizza Navales sa Baga Berde ang kanyang kahusayan sa pagkanta. Mas lumampas pa nga sa kanilang inaasahan ang ipinakitang talino ng Cebuana singer na napanood kong binigyan ng make-over sa programang SIS. Maganda ang naging resulta ng maraming araw ng pagpapaganda na pinagdaanan ni Rizza sa kamay ng mag-asawang Drs. Manny and Pie Calayan. Kung sabagay, kung ikaw ay may boses na sing-ganda ng kay Rizza, walang sisisi kay Rizza kung babagayan niya ito ng sing-gandang mukha at katawan. Ngayon, wala nang hadlang para marating niya ang kinalalagyan ng isang sikat na sikat na singer who underwent a similar make-over. Kasalanan na ng kanyang manager na si Ronnie Henares kapag di siya nito napasikat. Lalot makikita ito parati ngayon dahil may self-titled album siya mula sa Universal Records na kailangang i-promote. Ang carrier single nito ay isang komposisyon ni Ogie Alcasid na pinamagatang "Kahit Na Malayo Ka." Eh, wala namang komposisyon ito na di sumikat, di ba?
Bago rito sa Maynila ay kilala na sa Cebu si Rizza. Eight years old ito nang magsimulang manalo sa mga amateur singing contest. Nahasa ito ng husto nang maging lead vocalist ng bandang Puresouls. Sure ako, bebenta ang album niya hindi lamang dahil sa anim na magagandang original compositions na laman nito hindi para makita at mapatunayan ng tao kung talaga ngang magaling siya. Worth it nga ba yong ginawa niyang pagpapaganda?
Di na ko nagtaka nang malaman kong 47.1 ang ratings na nakuha ng Darna ng GMA 7 sa pilot episode nito. Highest rating daw ito ever!
Napanood ko sa hospital ang initial episode at talaga namang interesting ito. To think na wala pa ang mga malalaking bida sa series like Darna herself, Angel Locsin pero kaabang-abang na ito. Magagaling yong mga bata, in fairness at maganda ang pagkakagawa ng simula ng serye. Susundan mo talaga.
May concert bukas sa Music Museum si Troy Montero titled Troy Monteros Special Memory. Parang family affair ito dahil sasamahan siya ng brother niyang si KC Montero at ang special girl nito na si Geneva Cruz. Another guest, Jeni Hernandez ay di rin iba sa kanila dahil alaga rin ito ng manager nitong si Dondon Monteverde.
First solo concert ito ni Troy. Sayang at mami-miss ko ito because of my confinement. Gusto ko sanang makita kung paano ang itinuturing na movie hunk bilang isang singer. Kaya ba niyang magdala ng concert?
How would you like to watch him & tell me how he is as a musical perfomer? Sabi, sumayaw din daw siya. Go na kayo!
Bago rito sa Maynila ay kilala na sa Cebu si Rizza. Eight years old ito nang magsimulang manalo sa mga amateur singing contest. Nahasa ito ng husto nang maging lead vocalist ng bandang Puresouls. Sure ako, bebenta ang album niya hindi lamang dahil sa anim na magagandang original compositions na laman nito hindi para makita at mapatunayan ng tao kung talaga ngang magaling siya. Worth it nga ba yong ginawa niyang pagpapaganda?
Napanood ko sa hospital ang initial episode at talaga namang interesting ito. To think na wala pa ang mga malalaking bida sa series like Darna herself, Angel Locsin pero kaabang-abang na ito. Magagaling yong mga bata, in fairness at maganda ang pagkakagawa ng simula ng serye. Susundan mo talaga.
First solo concert ito ni Troy. Sayang at mami-miss ko ito because of my confinement. Gusto ko sanang makita kung paano ang itinuturing na movie hunk bilang isang singer. Kaya ba niyang magdala ng concert?
How would you like to watch him & tell me how he is as a musical perfomer? Sabi, sumayaw din daw siya. Go na kayo!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 2, 2024 - 12:00am