^

PSN Showbiz

Si Nyoy Volante ang bagong total performer

- Veronica R. Samio -
Indi naman siguro magagalit sila Gary Valenciano at Rico Puno sa pagbibigay ko ng titulong Bagong Total Performer kay Nyoy Volante. Katulad nila, nagpapamalas na rin ito ng husay sa pagkanta at nagbabadya ng isang mahabang career. Versatile ito, pwedeng acoustic, RNB, Rock & Roll at maski na jazz.

Saw his opening act at the Captain’s Bar at The Oriental Mandarin Hotel at talaga namang kahanga-hanga ang kanyang husay bilang singer at pagiging musician. It was my first time to see him play the piano. Ang kaalaman niya rito ay hindi basta-basta at kung tugtugin niya ang acoustic na gitara niya, para siyang tumutugtog ng electric guitar.

Sa buong buwan ng Abril (1, 8, 15, 22 & 29) magiging bahagi si Nyoy at ang grupo niyang Mannos (Cocoy Aranas, bassist; Glenn Dalit, percussionist Jerome Nuñez, violinist at Meinard Albis, drummer) sa serye ng Kuh Ledesma Presents. Tatakbo ito ng isang taon bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-25th anniversary ni Kuh sa showbiz. Hanggang June of 2006, maglalabas si Kuh ng mga shows sa Captain’s Bar na magtatampok sa mga talino, bukod sa kanya kina Monique Wilson, Noel Cabangon, Ogie Alcasid at marami pang iba.

Ang galing ng tribute na ginawa ni Nyoy sa The Beatles. Dalawampu’t-limang awit ng grupong Beatles ang kinanta niya at binibigyan ng makabagong areglo. Tatatlo lamang ang kinanta niya sa orihinal na bersyon ng Beatles. The rest were done in his inimitable style. Gusto ko lahat ng versions niya ng mga Beatles song, except dun sa mga parts na isinisigaw niya. Maganda ang kabuuan ng palabas. I felt nostalgic dahil talagang panahon ko ang Beatles. Ang maganda kay Nyoy, hindi siya madamot sa Mannos. Sa "Yesterday", nagsolo sa violin si Jerome Nuñez, ang "I Love Her", ni-rap ni Meinard Albis, sa "Hey Jude" nagsolo rin si Cocoy Arenas. May special guest din si Nyoy, si Rebekah, who dueted with him in "In My Life", and went solo na "Something".

May mga areglo si Nyoy na reminiscent of Jose Feliciano tulad ng "You’ve Got To Hide Your Love Away".

Kung nagsimula sa awiting "Here Comes the Sun", tinapos niya ang palabas sa pamamagitan ng "A Long And Winding Road". Pero naka-tatlong kanta pa siya, "Ticket to Ride", "Twist & Shout", and "Imagine". The audience was asking for more, pero pagod na si Nyoy Volante and the The Mannos.
* * *
May bagong tandem na aabangan ang mga manonood ng GMA News & Public Affairs. Ito ay sina Ivan Mayrina at Rhea Santos na hinuhulaang magiging matagumpay na tulad nina Jiggy Manicad at Maki Pulido ng Reporter’s Notebook, sa kanilang bagong programang Pinoy Abroad, na magsisimula na sa Abril 6 at mapapanood simula ngayong gabi pagkatapos ng Saksi, kapalit ito ng Jessica Soho Reports. Ito ay tungkol sa mga OFW’s, mga nangangarap na maging OFW, at ng pamilya niyang naiwanan sa Pilipinas. Tutuklasin ng programa ng mga bayang tungkol sa binibisita nilang bansa tulad ng pagkain, sasakyan, tourist spots, salita at maging kultura ng naturang bansa". Ihahatid din nila ang mahahalagang detalye sa pangingibang bansa tulad ng kung saan matatagpuan ang Philippine Embassy, mga karapatan ng OFW at mga batas ng bansang kinalalagyan. Bibigyan ng pagkakataon ay mga OFW na maibahagi ang kanilang karanasan sa ibang bansa at makausap ang kanilang mga kamag-anak sa Pilipinas.

A LONG AND WINDING ROAD

ABRIL

JEROME NU

MANNOS

MEINARD ALBIS

NIYA

NYOY

NYOY VOLANTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with