Pitong taon bago nakilala
April 5, 2005 | 12:00am
Sino ba ang hindi nakakakilala sa grupong Session Road lalo na kapag narinig na ang kantang "Suntok Sa Buwan." Iisa lang ang naiisip ng lahat, na ang banda ay galing sa Baguio dahil kilalang pangalan ng kalye doon ang Session Road.
Pero alam nyo bang magpipitong taon na pala ang Session Road at natutuwa silang ngayon ay unti-unti na nilang inaani ang kanilang pinaghirapan?
Katunayan, bukod sa malapit nang mag-gold ang kanilang album na "Suntok Sa Buwan", apat ang naging nominasyon nila sa Awit Awards.
Ang tatlong miyembro ng grupo ay magkakapatid sa Session Road na sina Chabi (drummer), JV (percussionist), at ang nag-iisang babae sa grupo na si Hannah Romawac (rhythm guitarist). Galing naman sa ibat ibang banda ang mga kasama nilang sina Coy Placido (lead guitarist) at Richard Carandang (bassist).
Nagpaalam sila (magkakapatid) sa mga magulang nila na magbubuo ng sarili nilang banda. Pinayagan naman sila. Bilang suporta, ang mother pa ng magkakapatid ang tumayong manager.
Lahat ng miyembro ng grupo ay kumakanta. Sina Hannah at Coy ang sumulat ng mga kanta sa kanilang latest album. Alam nyo bang sampung taon na on and off silang mag-on na dalawa. Kaya pawang mga personal nilang experiences ang tema ng kanta sa album nila.
Pero ngayon ay may kanya-kanya na silang buhay. Si Coy ay girlfriend ngayon si Tuesday Vargas na lagi nilang kasama sa mga gigs.
Samantalang si Hannah naman ay hatid sundo ng gwapo niyang boyfriend.
At bakit nga ba Session Road ang pangalan ng kanilang banda?
"Pagkatapos kasi ng school, doon kami nagkikita, nagja-jamming kumanta at nagba-bonding," paliwanag ni Hannah.
"Hindi pa kasi uso noon ang text kaya paborito naming tambayan ang lugar na iyon. Literally tulad ng kalyeng yun, kaming magkakaibigan ay marami ring pinagdadaan sa buhay ," dagdag ni Coy.
Isa sa passion ni Hannah ang pagsusulat na nagsimula lang sa kanyang diary. AB English ang napasukan niyang kurso dahil iyon lang ang open noon sa pinasukan niyang eskuwelahan sa Baguio.
Sa edad na 17 naman natutong humawak ng gitara si Hannah. "Kasi sa school namin, astig ka kapag marunong kang tumugtog ng gitara. Mga basic lang ang alam ko noon, hanggang sa nahasa na rin sa kaka-practice," inform ni Hannah.
Hindi rin natapos ni Hannah ang kanyang kurso dahil kumakanta na rin siya noon. Tuluyan na siyang huminto noong magsimulang mabuo ang Session Road.
"Palagay ko kasi singing ang calling ko, na hindi ko pwedeng pigilan. Hindi dadaan ang araw na hindi ako pwedeng hindi kumanta," sabi ni Hannah.
Marami namang curious sa buhok ni Coy na mahigit anim na taon niyang pinaghirapang gawing dreadlocks. Ito yung klase ng buhok na madalas ma-identify sa mga black people at musicians. Umabot na hanggang bewang ang haba ng buhok ni Coy, kaya pinaputulan na niya ito.
Maging si JV (percussionist) ay naakit na ring mag-dreadlocks na ngayon ay nasa apat na buwan na ng proseso nito. Nagsimula naman si JV na kumanta sa pagka-carolling nung bata siya at tambol na lata pa noon ang tinutugtog niya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended