^

PSN Showbiz

Aga Muhlach buhay na buhay di totoong naaksidente

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Palibhasa walang iskandalo sa showbiz, kung anu-ano na lang balita ang nai-imbento.

Kahapon, humahangos na tumawag si Dindo Balares, entertainment editor of Balita. "Sis anong nangyari kay Aga (Muhlach)?"

"Bakit, may nangyari ba?" sagot ko naman.

"Oo, patay daw. May tumawag daw sa kanya. Tawagan mo naman si Manay Ethel Ramos, (Aga’s manager)."

Ok. call naman ako.

Pagsagot pa lang ni Manay Ethel ng cellphone niya: "Hindi totoo. Nagba-boxing si Aga. Do’n lang sa may village nila.

"May tumawag na sa akin na isang taga-Laguna. Saka hindi naman dumadaan ng Tagaytay si Aga. Dumadaan lang siya ro’n pag papunta siya sa farm niya sa Batangas," pagi-explain niya agad.

"Saka hindi ‘yun puwedeng mangyari, dahil kapipirma pa lang namin ng bagong kontrata," pagbibiro pa ni Manay Ethel tungkol sa bagong kontrata ng kanyang alaga para sa isang commercial. Oo nga naman, malaki ang commission niya ro’n kaya hindi pupuwede. He.He.He.

Sabi raw sa kanya (Manay Ethel) ni Aga, nagtataka raw nga siya dahil ang dami ring tumatawag sa kanya (Aga). "Wow sobrang sikat pala ako," nang sabihin pa kay Aga na pati taga-Malacañang ay nagbi-verify ng story.

Ang kumalat kasing kuwento, naaksidente si Aga sa may bandang Tagaytay at dead on the spot.

Ang bilis kumalat ng balita. After five minutes, sunud-sunod na ang nagti-text sa akin at nagtatanong kung patay na si Aga Muhlach.

Sobrang haba na ng magiging buhay ni Aga Muhlach ha! Ilang beses na siyang napabalitang namatay.

Di ba, kasabihan na ‘yun na pag nabalita kang namatay, mas lalong hahaba ang buhay mo?

Well, since maraming beses na siyang nabalitang namatay, baka uugod-ugod na tayong lahat, buhay na buhay pa si Aga.

Kaya sa mga nag-alala diyan kahapon dahil sa natanggap nilang text message tungkol kay Aga, don’t worry folks, Aga is very much alive. Maligaya sa kanyang pamilya at abala sa trabaho dahil magi-start na sila ng shooting ng Dubai.
* * *
May offer pala ang ABS-CBN sa anak nina Christopher de Leon and Sandy Andolong na si Gabriel. Pero ayaw muna ng mag-asawa na mag-showbiz ang kanilang anak (third of five children).

Si Gabriel, 15 year old ay super guwapo raw ayon kay Tita Letty Celi na nakakita na sa bagets.

Anyway, back to TV si Sandy na matagal-tagal din nating hindi napanood. Arriba Arriba pa ang last show niya sa ABS-CBN. Pero ngayon, certified Kapuso na siya dahil kasama na siya sa Darna, ang bagong tele-fantasya ng GMA 7 starring Angel Locsin.

After ng Arriba Arriba siya nakaramdam ng depression. Almost two months rin ‘yun. Basta na lang daw naramdaman niya na depressed siya at wala siyang gustong gawin.

Ang alam niya lang rason sa nangyari sa kanya a year ago ay nang mag-turn siya ng 40 years old. As if parang mid-crisis na usually ay problema ng isang tao na edad 50.

"Bigla ko na lang na-feel," she said sa presscon ng Darna.

Almost two months ang kanyang depression. "Wala lang, basta na lang nag-down ang body system ko."

No’ng time na ‘yun, wala siyang ginawa kundi ang mag-stay sa bahay. Worried ang buong pamilya niya sa nangyari especially Boyet (Christopher de Leon) at lahat ng anak nila. Maging ang mga kaibigan nila ay nag-alala sa kanya. Dumating pa sa point na si Boyet pa ang nag-encourage sa kanyang magpunta sa America para magpahinga at maiba ang environment niya. Baka raw makatulong ‘yun. "For two weeks nasa America lang ako, sa bahay ng isa kong friend. Pero hindi rin ako lumalabas ng bahay for two weeks. Nag-rest lang talaga ako," she said.

Ang eldest nilang si Sandino ang mas lalong worried sa kanya. "Lagi niya akong kinakausap kung kumusta na raw ako," she recalled.

Sa St. Benilde na nag-aaral after he graduated sa high school sa Amerika si Sandino.Third year college na ito ngayon. "Ayon abala sa kanyang girlfriend (non showbiz). Two years na sila," sabi ng actress.

Almost two months ang itinagal ng nasabing depression dahil kinailangan na niya kasing magpa-check up dahil tuluy-tuloy ang pagbaba-vomit niya. So forced to good siyang magpa-check up. At doon nila na-discover ang mga sakit niya - may polyph ang gall baldder niya, inflamed ang uterus, may problema ang kidney at may scar ang large intestines niya.

Pero hindi siya natakot dahil sa kanyang sobrang faith sa Diyos.

"Malaki talaga ang nagagawa ng may community (Oasis of Love) na naka-suporta all the time," sabi ni Ms. Sandy.

Malaki rin ang naitulong ng pagi-stay sa bahay nila for three days ng Our Lady of Miraculous Medal. Nagpunta rin siya sa Lucban Quezon, sa Healing Church with Fr. Joey Faller. At nang magpa-check up siya, laking gulat ng mga doctor na iba ang naging resulta compared sa mga naunang result ng examination sa kanya. Ang kidney niya na nauna nang sinabi ng mga doctor na ang tendency ay mas tumaas ang percentage ng damage nito ay hindi nangyari. Iba ang naging resulta. Kung dati, 63% lang ng kidney niya ang positive, nang bumalik siya 83% na.

Almost a year nang nangyari ‘yun. Now, continuos ang paghingi niya ng tulong sa Diyos. Although hindi pa siya 100% healed, "hindi na ako nagi-expect. Masaya na ako na pinagaling Niya ako."

Grabe no, pang-Kuwaresma ang buhay ni Ms. Sandy.

Right now, back to normal ang lahat. Work siya sa Darna as Prospera, ang mother ni Valentina (Alessandra de Rossi) na sobrang selfish pero mapagmahal na ina.

Anyway, during the interview, naitanong namin kung nasaan na si Ian de Leon, na dating nakatira sa compound nila. "May sarili na siyang place, pero anytime na gusto niyang mag-stay sa dati niyang place, ‘yung things niya nandoon pa rin," paliwanag ng actress.

Wala pa siyang costume sa Darna. Pero as mother of Valentina, I’m sure, kakaiba rin ang costume niya sa pagsisimula ng story.
* * *
Na-grant na pala ang annulment ni Wendell Ramos sa kanyang non-showbiz wife.

Sabi ni Wendell, hinihintay na lang nila ang schedule ng judge para sa decision.

Nasa actor ang anak nila ng dati niyang wife. Six year old na ang bagets - boy na nasa kinder II na.

Sa inclusion ni Wendell sa Darna, tatlo na ang show niya sa GMA 7 - Bubble Gang, Bahay Mo Ba ‘To at ito ngang Darna na magi-air staring Monday.

Kino-consider niyang very challenging ang role niya rito as TV reporter. "Ok lang sana, ang mahirap lang ‘yung nagsasalita ka ng straight Tagalog," sabi ni Wendell.

Three times a week ang taping niya for Darna.

Concentrated muna sa TV si Wendell. So far wala pa siyang naka-line up na movie project.
* * *
Salve V. Asis’ - [email protected]

AGA

AKO

DARNA

LANG

MANAY ETHEL

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with