^

PSN Showbiz

May nanggugulo kina Mark at Jennylyn

-
Nali-link pala si Mang Dolphy sa starlet na si Jenny Hernandez na kasama nila sa Quizon Avenue na napapanood sa Channel 2. Tawa nang tawa si Zsazsa Padilla nang makausap namin last Monday dahil hindi niya ini-expect na mali-link pa ang kanyang asawa.

"Sabi ko nga sa asawa ko, uy, congrats, nali-link ka pa, ang lakas naman ng sex appeal mo! Natawa lang ito at the following day, binilhan ako ng bagong Prada bag. Sabi ko nga kay Dolphy, sana araw-araw may bagong mali-link sa ‘yo para araw-araw may bago rin akong bag. Ganu’n kami magbiruan ni Dolphy, wala na sa kanya ang mga ganu’n," kwento ni Zsazsa.

Nang pumutok ba ang balita ay nagselos siya kay Jenny?

"Honestly, hindi, natatawa nga ako at hindi ko rin kilala si Jenny, napapanood ko lang, pero ‘yung pormal na introduction wala," esplika uli ni Divine Diva.

Tiyempo naman dahil dumating si Jenny kasama ang manager niyang si Dondon Monteverde at pinalapit siya ng TV crew at pinagtabi sila ni Zsazsa na halatang nahiya si Jenny dahil first time niyang nakaharap ang nagmamay-ari kay Mang Pidol.

"Nahihiya nga po ako, kasi hindi naman true ‘yung isyu," Sambit ni Jenny kay Zsazsa na natatawa lang sa reaksyon niya.

At payo ni Zsazsa kay Jenny, "Masasabi ko lang, mag ingat ka sa mga Quizon, lahat sila."

Ganting sagot ni Jenny "Oo nga po, ibang klase silang makiharap sa babae, swabe ang mga Quizon, no wonder ang daming babaeng nahuhumaling sa kanila, ‘yun pala ang sikreto nila."

At tinanong si Jenny kung sino sa mga Quizon ang napansin niyang medyo mabilis, "Si Epi po, kakaiba, talagang mapo-fall ka," mabilis na sagot uli ni Jenny.

"Hayan, huh, wala nang isyu and finally we meet," pahayag ni Zsazsa kay Jenny at sabay beso. 
* * *
Eleven months nang magkarelasyon sina Mark Herras at Jennylyn Mercado last March 29. Ito ang say ni Mark nang makakwentuhan namin at inamin niyang mahal na mahal niya ang dalaga kaya’t nu’ng nag-break sila ay hindi niya natiis na hindi ito balikan.

"Bale two weeks po kaming nag-break, e, hindi namin kaya pareho, kaya kami na uli. Nag-usap po kami na hindi na namin papansinin ang mga tsismis at mga nanggugulo sa text," say ni Mark.

May nanggugulo raw sa relasyon nina Mark at Jenny, ang girlfriend ng ex-boyfriend daw ni Jenny at kung anu-anong kasiraan daw ang pinagti-text kaya’t nagpalit sila ng number pero, parating nati-trace kaya’t hindi na nila mabilang kung ilang beses sila nagpapalit ng numero ng cellphone.

As of now, busy sila sa shooting ng Say That You’ll Love Me at inamin din ni Mark na wala silang time na mag-celebrate ng anibersaryo nila na silang dalawa lang.

"Parati naman pong ganu’n, may trabaho kami kapag monthsary namin, sana sa one year namin, libre kami para makapag-celebrate ng maayos," pahayag pa ng binata. — Reggee Bonoan

vuukle comment

DIVINE DIVA

DOLPHY

DONDON MONTEVERDE

JENNY

JENNY HERNANDEZ

JENNYLYN MERCADO

QUIZON

ZSAZSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with