^

PSN Showbiz

Artistang Pinoy patok sa Amerika

- Veronica R. Samio -
Sabik at talagang nagkakagulo sa mga lokal na artista ang mga Pilipinong nasa Amerika. Mismong ang veteran TV-film writer/director na si Willie Schneider na kararating lamang mula sa kanyang pleasure trip sa USA ang nagpatunay nito.

Dalawang major concerts ang nasaksihan ni Willie sa pamamagitan ng kanyang long time friend at host sa LA na si Benny Bautista, one of the Pinoys who made it big in USA. Ito ang may-ari ng Pacific Car Care Center sa LA at tumutulong din sa pagpu-promote ng shows sa US.

Unang pinanood nila sa Baldwin Park Performing Arts Center ang love concert nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, kasama ang fast rising star na si Maja Salvador.

Nagtilian ang mga fans habang kumakanta at nagpapatwitams sina John at Bea. Kumanta at sumayaw din si Maja na ayon kay Direk Willie ay malaki ang pagkakahawig kay Mina Aragon ng Viva. Kapatid ni Mina ang tatay ni Maja.

Total performer naman ang description ni Direk Willie kay Rica Peralejo na makaraan ang isang linggo makatapos ang show nina John Lloyd at Bea ay nagtanghal din sa nasabing venue sa LA, patok sa manonood ang kagalingang sumayaw, kumanta at umarte ni Rica.

Naging special guest si Direk Willie ng kanyang bestfriend na si Ms. Cielito "Mahal" del Mundo sa blessing ng magarang bahay nito sa Scottsdale, Arizona.

Itinour pa ni Mahal ang kanyang kaibigan sa Phoenix, sa world famous Grand Canyon at sa Senoda na tinaguriang the Red Rock Country, nag-casino rin sila at nanood ng maraming palabas sa Las Vegas. Napanood nila maging ang laban ni Manny Pacquiao.

Sa New York, sa Broadway, pinanood nila ang The Phantom of the Opera at pinuntahan lahat ng famous landmarks dito (Ellis Island, Statue of Liberty, Empire State Bldg.).

Hindi man ako nakakalabas ng bansa, para na rin akong nakapag-biyahe sa mga kwento ng aking kapwa Philets na talaga namang sinulit ang mahigit sa dalawang buwan niyang biyahe sa US para puntahan ang Washington DC, Delaware, Maryland, Universal Studios, Hollywood Blvd., Rodeo Drive at Beverly Hills.
* * *
Di ko man nakuha ang mga pangalan ng mga doktor, nurses at attendants na nag-asikaso sa akin nang mag-land ako nung Lunes ng gabi sa Emergency Room ng Manila Doctors Hospital dahil sa sobrang taas ng blood sugar at blood pressure nagpapasalamat ako sa maganda nilang pag-aasikaso sa akin. Bagaman at matagal ko nang alam na sweet person ako, never kong inexpect na pwede kong ikamatay ito. Kaya from now on, tama na muna ang pa-sweet sweet.

Seriously, ngayon ko lang na-realize kung gaano ka-grabe ang sakit kong diabetes. Buti na lang at hindi pa huli para tumigil ako ng kakakain. Pati stress, iiwasan ko na, kung gusto kong mabuhay ng matagal-tagal. Bah, gusto pa naming makita ni Jun na maging ganap na doktora ang bunso naming si Lian, at ma-enjoy ang napakaku-cute na mga apo naming sina MacMac, AJ at Fonzy. Di ba, Joe?!

BALDWIN PARK PERFORMING ARTS CENTER

BEA

BEA ALONZO

BENNY BAUTISTA

BEVERLY HILLS

DIREK WILLIE

ELLIS ISLAND

EMERGENCY ROOM

EMPIRE STATE BLDG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with