^

PSN Showbiz

Stepfather ni Charlene Gonzales semplang sa annulment case

-
Mas pinanigan ng Court of Appeals (CA) ang maybahay ni dating Konsehal Jose Vera Perez Jr. sa ginawang pagbasura sa kahilingan ng huli na ipawalang-bisa ang kanyang kasal.

Sa ipinalabas na kautusan ng CA 15th Division, hindi napatunayan ni Vera Perez na walang lunas ang psychological incapa-city ng asawang si Bernadette Marquez Perez kaya’t ibinasura ang petition for annulment of marriage na kanyang inihain.

Sa halip, mas pinagtibay pa ng appellate court ang naging hatol ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 89 na nagpawalang-saysay sa inihaing annulment.

Naniniwala ang CA na mapagmahal at naging mabuting ina at asawa si Bernadette sa kabila ng pagkakaroon ng dalawang kalaguyo ng kanyang asawa. Napalaki rin ni Bernadette ang tatlong anak sa kabila ng pagpapabaya ng ama.

Pinatunayan din ng aktor na si Lander Vera Perez, na silang magkakapatid kabilang sina Manuel at Jose Ramon ay kinalinga at pinagtiyagaang palakihin ng ina sa kanilang tahanan sa Valencia St., New Manila, Quezon City.

Umalis lamang sa tahanan si Bernadette nang iuwi sa kanilang bahay ni Vera Perez si Elvie Gonzales, ina ng aktres na si Charlene Gonzales. Nabatid pa na sapilitang pinagmamano ni Vera Perez ang mga anak sa madrasta at ipinatatawag itong "Tita Elvie".

Hindi sumang-ayon ang CA sa pagpapatunay ng psychiatric test na isinagawa ni Dr. Cecilia Albaran kay Bernadette, isa lamang umanong self-serving ang ebidensiya dahil hindi binigyan ng pagkakataon na kausapin o kunan ng panig ang mga anak upang mabatid ang tunay na ugali ng mga magulang.

Mas malaki ang naging pagkukulang ni Vera Perez sa may- bahay dahil nagawa nitong makipag-relasyon ng dalawang beses sa iba.

Dahil dito, inatasang magbigay ng buwa-nang allowance na P20,000, si Vera Perez sa kanyang tunay na pamilya sapul noong Mayo 1998 hanggang sa kasalukuyan at sa darating na panahon. (Ulat ni Ludy Bermudo)

vuukle comment

BERNADETTE

BERNADETTE MARQUEZ PEREZ

CHARLENE GONZALES

COURT OF APPEALS

DR. CECILIA ALBARAN

ELVIE GONZALES

JOSE RAMON

JOSE VERA PEREZ JR.

PEREZ

VERA PEREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with