Pa-benepisyo ni Cesar para sa mga batang nalason
March 24, 2005 | 12:00am
Nang mangyari ang food poisoning ng mga bata sa Mabini, Bohol ay kaagad na nagpunta si Cesar Montano para tingnan kung ano ang magagawa niya para matulungan ang pamilya ng mga biktima.
"Umiyak ang puso ko nang makita ko sila!" ani Cesar.
Taga-Bohol ang pamilya ni Cesar. Sa Bohol niya rin sinyuting ang award-winning film niyang Panaghoy Sa Suba kayat ganun na lang ang concern niya sa mga batang nalason. Dinalaw niya rin ang mga schools ng mga ito at nakita niyang maraming kulang na facilities ang mga ito.
Magpapa-concert for a cause si Cesar sa Merks Bar Bistro sa ika-2 ng Abril. Pinamagatang Panaghoy Ng Mga Bata, ito ay maglalayong makalikom ng pondo para sa mga pamilya ng mga batang biktima at para pambili ng mga basic facilities ng schools nila.
Kasama ni Cesar na mag-perform sina Luke Mejares (isa pang taga-Bohol), Jenine Desiderio, Richard Merk, Rico J. Puno, Marco Sison, Rey Valera, Hajji Alejandro, Christopher de Leon, Edgar Mortiz, Willie Revillame at marami pang iba. Tawag sa 7574720 para sa ibang detalye. Dennis Adobas

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended