^

PSN Showbiz

Joross & Roxanne: The Other Loveteam

- Veronica R. Samio -
Totoong sina Hero Angeles at Sandara Park ang ibini-benta sa pelikula ng Star Cinema na Can This Be Love. They were such a revelation sa Bcuz Of U that their movie outfit has to come up with a movie starring the both of them.

Totoo rin na sinasamantala ang nalalabing panahon bago tuluyang bumalik ng Korea si Sandara, kung bakit ay siya lamang ang nakakaalam.

Pero, totoo rin na bukod kina Hero at Sandara mayro’n pang pareha na susugalan ang Star Cinema. Ito yung kina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo. Kung makapasa sila sa panlasa ng manonood, solved na ang problema ng Star Cinema sa pagkawala ng tambalang Hero/Sandara, kahit sinasabing pansamantala lamang until such time na bumalik ang Koreanang aktres.

Pagkakataon na nina Joross at Roxanne to make their tandem felt. After all, hindi naman sila baguhan sa paningin ng mga manonood. Naririyan ang cute na komersyal nila at ang malalaking mga billboards courtesy ng produktong ini-endorso nila. Kailangan lamang na mag-click sila sa Can This Be Love na hindi na mahirap dahil nakapagsimula na sila.
* * *
Kasama rin sa Can This Be Love si Paw Diaz, ang popular na third placer sa Star Circle National Teen Quest. Kaibigan ni Sandara ang role niya sa movie.

Regular si Paw sa Yes Yes Show at ASAP Fanatic. At 18 years of age, Paw is on top of the world, awaiting a major clothing endorsement at show. Kapag di busy, mahilig itong makipag-text sa friends, matulog at mag-gantsilyo.
* * *
Marami nang nagawang pelikula si Debra Messing, ang lead star ng popular na TV sitcom na Will & Grace, tulad ng Along Came Polly kasama si Jennifer Aniston, The Mothman Prophesies kasama si Richard Gere at A Walk In The Cloud with Keanu Reeves pero, dito sa pelikula ng Universal Pictures at Gold Circle Films na The Wedding Date, mas makikita ang kanyang talino na naging dahilan para kilalanin siya ng TV Guide bilang 04’s TV Performer of the Year.

Ang The Wedding Date ay isang nakatutuwang pelikula na katulad ng Four Weddings and A Funeral, My Best Friend’s Wedding tungkol sa isang babae, si Kat na ginagampanan ni Messing, isang single girl sa New York na naimbita sa kasalang pampamilya na hindi niya mapahihindian.

Ang ikakasal ay ang napaka-spoiled niyang half-sister pero, ang best man sa kasal ang pinoproblema niya dahil ex boyfriend niya ito. Alam niyang paguusapan siya at tatanungin nila kung ano na ang nangyari sa kanya matapos silang magkasira ng boyfriend niya. Ito ang ayaw niyang mangyari.

Dahil wala na siyang panahon para makahanap pa ng boyfriend, umupa siya ng isang lalaking magpapanggap na ka-relasyon niya. Sa halagang $6000 nakakita siya ng lalaking guwapo, may social skills, maganda mag-damit at pananaghilian ng lahat ng babaeng makakakita rito, Ito si Nick (Dermot Mulroney, best friend ni Julia Roberts sa My Best Friend’s Wedding). Nawala nga ang problema ni Kat dahil lahat ng babae, at maging mga lalaki, nabihag ng charm ni Nick pero, ang pagpapanggap nila ay nauwi sa the real thing.

May Theater Arts degree si Messing mula sa Brandels University at isang Masters in Fine Arts sa NYU.

Ang The Wedding Date ay ipinamamahagi ng Viva International Pictures at palabas na sa Abril 13.

A WALK IN THE CLOUD

ALONG CAME POLLY

BCUZ OF U

CAN THIS BE LOVE

MY BEST FRIEND

SANDARA

STAR CINEMA

WEDDING DATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with