^

PSN Showbiz

Jopay, insecure kay Rochelle

-
Panay papuri ang naririnig ngayon ni Rochelle Pangilinan na nagdadrama sa Season 7 ng Daisy Siete bilang isang mahirap na api-apihan na anak sa una ni Tirso Cruz III. Kung lait-laitin si Rochelle ay ganun na lang dahil sa kahirapan nito, na para bang isang malaking kasalanan na maging mahirap?

Nang-iintriga naman ang iba, hindi ba raw nai-insecure si Jopay sa ipinakikitang acting ng kanyang kaibigan sa naturang drama?

"Bakit naman ako kailangang ma-insecure? May acting din naman ako," sabi ni Jopay sa isang interbyu. Hindi raw biro ang gumanap na kontrabida dahil kailangang pagalitin mo ang mga tao.

Ayon kay Jopay, itinapon na niya sa kanyang sarili ang insecurity. Pinalakpakan na nga naman siya noon sa Daisy Siete, bilang kaaway ni Luz Fernandez, ngayon pa bang ikalawang yugto na ito? Pareho silang tapos ng workshop ng mga kasamahang Sexbomb sa pagtu-tutor ni Ann Villegas na dating actress sa pelikula.

Minsan nga, napapangiti na lang si Jopay. Minsan daw kapag namamasyal sila sa mall, palagi siyang pinariringgang suplada ng mga fans ni Rochelle. Di naman galit si Jopay, kasi ibig sabihin nito, epektibo ang acting niyang ipinakikita. Subalit minsan man kapag may time, ipinaliliwanag niya sa mga tagahanga, acting lang ‘yun.

"Baka naman kasi makabawas sa mga fans ko," kwento ni Jopay. Alam din ni Rochelle, umaarte lang sila at kailangang ibigay ang hinihiling ni Direk Pat Perez para huwag masigawan. Kung sabagay, cool na cool na director naman si Tita Pat. Huwag lang naman yung binabalewala ang taping nila. At gusto niya ay palaging propesyonal sa taping, syempre, nirerenta lang yung location at kung magpapa-late, doble gastos ito.

Talagang ginastusan ng producer, Focus E Inc. ang kanilang setting. Magagandang bahay ang ipinahahanap para mabagay kay Tirso at Beth Oropesa na Mayor ng isang lugar ang role. Ngayon lang daw nakakaharap ng mga premyadong stars ang Sexbomb at kailangang huwag magpapatalbog sa mga ito.

Ngayong Semana Santa, magsisimba ang grupo sa kani-kanilang probinsya. Saka na muna sila magsasayaw.

Excited ang grupo dahil napupuri sila ng MTRCB sa pagdadala ng kasuotan habang sumasayaw. — VIR GONZALES

vuukle comment

ANN VILLEGAS

BETH OROPESA

DAISY SIETE

FOCUS E INC

JOPAY

LANG

LUZ FERNANDEZ

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with