Makabalik kaya si Sandara?
March 19, 2005 | 12:00am
Next week aalis na si Sandara Park. Babalik na siya ng Korea para makapag-aral pero, babalik muli siya para mag-promote ng kanilang first big movie ni Hero Angeles, ang Can This Be Love na magsisimulang mapanood sa mga sinehan sa Abril 27, 2005. Second movie nila ito matapos na agawan nila ng eksena sa Bcuz of U sina Diether Ocampo/Kristine Hermosa at Heart Evangelista/Geoff Eigenmann. They made quite an impact as a tandem in the film kung kaya pinarangalan sila ng PMPC bilang New Movie Actor/Actress sa napaka-kontrobersyal nitong Awards Night hindi pa nalalaunan.
Sayang nga lamang at pagkatapos ng Can This Be Love, ay matagal bago muling makita ang Korean actress na lubhang nakakatawa sa tuwi ko siyang makikita at makakausap. At ni hindi siya nahihiyang umamin na "krung-krung" siya na kung bibigyan ko ng kahulugan ay parang ang ibig sabihin ay sira-sira.
Im sure mami-miss siya ng marami niyang tagahanga, at maging ng mga tagasubaybay ng lokal na pelikula. At sana totoo rin ang sinabi ni Direk Joey Javier Reyes, na lalo siyang mami-miss ng mga manonood. Lalot sa kaso ni Sandara ay parang nao-over-expose na ito. Maikli kasi ang memorya ng maraming Pinoy, mayron ding kasing posibilidad na kasabay ng pagka-miss nila sa Korean actress ay makalimutan na rin nila ito sa katagalan. Yun ang risk na gagawin ni Sandara. Baka in a few months time, limot na nila siya. Sa kasong ito, baka ang talagang maapektuhan ay si Hero na nagsabing hihintayin niya ang pagbabalik ni Sandara.
Kaya, siguro, their fans and the moviegoers ay dapat samantalahin ang pelikula ng dalawa, ang Can This Be Love. Dahil baka huli na nila ito.
Kasama sa pelikulang ito ng Star Cinema sina Joross Gamboa, Roxanne Guinoo, Paw Diaz, Aaron Villaflor, Roderick Paulate, Eugene Domingo at Tirso Cruz lll.
Napaka-saya ng 20th year anniversary sa public service ni Vice Mayor Herbert Bautista. "Akala ko magi-speech lang ako at photo exhibit lang, ang dami palang activities," anang 36 years old na ka-tandem ni Mayor Sonny Belmonte sa pagpapatakbo ng Lungsod ng Quezon.
Bukod sa isang Misa ng pasasalamat, nagkaron din ng parade, military honors, libreng gupit, medical and dental mission at isang parada ng lechon na tulad nang ginagawa sa isang probinsya sa Batangas. Nagsagawa rin ng paligsahan sa poster making at essay writing and drawing.
Sa kanyang edad, nasa height na ng kanyang buhay si Vice. Unbeatable ang tandem nila ni Mayor Belmonte. This early ay may plano silang muling mag-seek ng reelection. Para sa isang nagsimula bilang isang Kabataang Barangay, una sa local level at pagkatapos ay national. Nag-konsehal siya at nasa ikatlong term na bilang vice mayor.
Sayang nga lamang at pagkatapos ng Can This Be Love, ay matagal bago muling makita ang Korean actress na lubhang nakakatawa sa tuwi ko siyang makikita at makakausap. At ni hindi siya nahihiyang umamin na "krung-krung" siya na kung bibigyan ko ng kahulugan ay parang ang ibig sabihin ay sira-sira.
Im sure mami-miss siya ng marami niyang tagahanga, at maging ng mga tagasubaybay ng lokal na pelikula. At sana totoo rin ang sinabi ni Direk Joey Javier Reyes, na lalo siyang mami-miss ng mga manonood. Lalot sa kaso ni Sandara ay parang nao-over-expose na ito. Maikli kasi ang memorya ng maraming Pinoy, mayron ding kasing posibilidad na kasabay ng pagka-miss nila sa Korean actress ay makalimutan na rin nila ito sa katagalan. Yun ang risk na gagawin ni Sandara. Baka in a few months time, limot na nila siya. Sa kasong ito, baka ang talagang maapektuhan ay si Hero na nagsabing hihintayin niya ang pagbabalik ni Sandara.
Kaya, siguro, their fans and the moviegoers ay dapat samantalahin ang pelikula ng dalawa, ang Can This Be Love. Dahil baka huli na nila ito.
Kasama sa pelikulang ito ng Star Cinema sina Joross Gamboa, Roxanne Guinoo, Paw Diaz, Aaron Villaflor, Roderick Paulate, Eugene Domingo at Tirso Cruz lll.
Bukod sa isang Misa ng pasasalamat, nagkaron din ng parade, military honors, libreng gupit, medical and dental mission at isang parada ng lechon na tulad nang ginagawa sa isang probinsya sa Batangas. Nagsagawa rin ng paligsahan sa poster making at essay writing and drawing.
Sa kanyang edad, nasa height na ng kanyang buhay si Vice. Unbeatable ang tandem nila ni Mayor Belmonte. This early ay may plano silang muling mag-seek ng reelection. Para sa isang nagsimula bilang isang Kabataang Barangay, una sa local level at pagkatapos ay national. Nag-konsehal siya at nasa ikatlong term na bilang vice mayor.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
34 minutes ago
By Salve V. Asis | 34 minutes ago
34 minutes ago
By Boy Abunda | 34 minutes ago
Recommended