May nagtangkang mandaya hindi lamang nakalusot!
March 18, 2005 | 12:00am
Bakit yata bigla ay nanahimik ang mga umaakusa sa PMPC na dinaya nito ang resulta ng ginawang botohan ng mga myembro sa katatapos na Star Awards For Movies?
Ako ang galit na galit nung mga unang dalawang araw makaraang ihayag ang resulta ng mga nanalo sa isang bonggang affair na kung saan ay gumastos pa ako ng pera at panahon para lamang makatulong na mapaganda ang Awards Night na niyurakan lamang ng ilang mga myembro na hindi ko masasabing nangangailangan lamang ng pera kundi hindi lamang nakaiwas sa utos, hindi yun pakiusap, ng isa nilang tinatawag na kaibigan. Nung huli kaming magkita-kita sa isang emergency meeting, naawa ako sa kanila sapagkat halos hindi sila makapagsalita sa hiya, at marahil ay sa malaking disappointment sapagkat ang inaasahan nilang kaibigan na tutulong sa kanila sa gitna ng panganib ay siya pang naglagay sa kanila sa panganib at malaking kahihiyan.
Totoo, lumabas na ang katotohan na isang malaking bilang ng PMPC ang napakiusapan na lakaring manalo ang ilang mga nominado kapalit ng hindi masasabing malaking halaga (P3,000 at P5,000). Pwedeng nangyari ang gusto ng mga nag-utos sa kanila kundi lamang bumaligtad ang isang myembro (si Allan Diones) during our deliberation. Hindi nakayanan ng konsensya nito na muling madungisan ang karangalan ng organisasyon na kinabibilangan niya na ginawa na ng ilang walang konsyensyang mga opisyales ng Club nung nakaraang taon. Sa kanyang pag-amin, nakonsyensya rin ang ilan niyang mga kasamahan kung kaya sa final voting ay nagbago sila ng isip. Ang pagbabagong ito ang naging dahilan kung kaya nanalo si Denis Trillo, hindi dinaya, na siyang gustong palabasin ng mga nagpakana, na nagturo ng mga daliri sa buong Club at nagsabing mandaraya ito. Malaki ang kalamangan niya sa kalaban. Muntik nang ang tama ay magawang mali. Muntik na, kundi lamang nakonsyensya ang mga nabayaran na itama ang gagawin sana nilang mali.
Tama yung sinabi ng aming pangulo sa PMPC na si Joe M. Barrameda na tinatayuan namin ang mga napili naming mga winners sa isang official statement na ipinalabas niya kahapon.
Hindi ko sinasabing lahat ng nanalo ay walang bahid dungis, dahil kasama pa rin namin sa Club ang ilang mga unscrupulous members? At hanggat hindi sila napapaalis sa Club, palagi na lang kaming magkakaron ng agam-agam at takot at maging ang mga tagasubaybay ng mga awards night ay palagi na lamang magtatanong kung nagkaron ba ng lagayan. Pero, hindi kami magpapabaya.
Aaminin kong totoong napaka-hirap magbantay, maging vigilant pero, ngayong alam na namin kung sino ang mga babantayan namin, magiging mas madali na ang trabaho namin.
At saka hindi pa naman tapos ang laban. May napatunayan at may mga umaming myembro nang nabayaran, pero sa proteksyon nila ay hindi ko pa pwedeng sabihin ang mga pangalan nila. They are still presumed innocent until proven guilty. Ibibigay ko ang konsiderasyon na ito sa kanila bilang isang mabuting Kristiyano. Matatanggal ba sila? Depende na ito sa gagawing imbestigasyon pero, magkakaron at magkakaron ng imbestigasyon, para sa ikalilinis ng pangalan ng PMPC at kakaunting myembro na nabatikan ang pangalan, di ba Ka Billy (Balbastro?), isang dating pangulo ng PMPC at patuloy na sumusuporta sa Club.
Muling magkakasama ang mga myembro ng Juan dela Cruz Band at mga Pinoy rock legend na sina Joey Pepe Smith at Wally Gonzales sa Himig Natin, isang gabi ng di malilimutang Pinoy rock & rhythm sa Hard Rock Cafe, ngayong 9:30 NG.
Maririnig muli ang mga pinasikat nilang "Rock en Roll Sa Ulan", "Beep Beep", "Balong Malalim" at ang phenomenal na "Himig Natin". Makakasama rin ang Wally Gonzales Band na kinabibilangan nina Dondi Ledesma (bass), Wowee Posadas at Boy Santos (keyboards), Chris Messer (drums), Joonie Centeno (vocals & harmonica) at Kat Agarrado (vocals).
Ang pagtatanghal ay simula lamang ng malaking kaganapan sa Juan dela Cruz Band sa Hunyo 11 sa World Trade Center. Pinamagatang Juan dela Cruz Band: Ang Pagpapalakas, isang non-stop Pinoy rock music ang ibibigay nina Mike Hanopol, Joey Pepe Smith, Wally Gonzales at mga special guests nila.
Makikita na ang kagalingan ng mga Pilipino sa paggawa at pagpapalipad ng mga saranggola sa buwan ng Abril sa 1st Philippine Kite Festival na magaganap sa Lot 2, City Center, Bonifacio Global City, Taguig.
Sa pamumuno ni Orly Ongkingco ng Kite Association of the Philippines, ang event ay maaring pagsimulan ng pagkakasali ng bansa sa Asean kitefest map at ang posibleng paghu-host natin ng ganitong event in the future.
Sa halagang P100, maaring magpa-rehistro. Tumawag lamang sa secretariat sa 9136404, 9129989 o 9129924 at hanapin sina Abby o Roma. May gen. assembly o briefing sa Abril 2 at 3 bago magsimula ang paligsahan sa Abril 9. Malalaking premyo ang nakalaan sa mga mananalo.
Ako ang galit na galit nung mga unang dalawang araw makaraang ihayag ang resulta ng mga nanalo sa isang bonggang affair na kung saan ay gumastos pa ako ng pera at panahon para lamang makatulong na mapaganda ang Awards Night na niyurakan lamang ng ilang mga myembro na hindi ko masasabing nangangailangan lamang ng pera kundi hindi lamang nakaiwas sa utos, hindi yun pakiusap, ng isa nilang tinatawag na kaibigan. Nung huli kaming magkita-kita sa isang emergency meeting, naawa ako sa kanila sapagkat halos hindi sila makapagsalita sa hiya, at marahil ay sa malaking disappointment sapagkat ang inaasahan nilang kaibigan na tutulong sa kanila sa gitna ng panganib ay siya pang naglagay sa kanila sa panganib at malaking kahihiyan.
Totoo, lumabas na ang katotohan na isang malaking bilang ng PMPC ang napakiusapan na lakaring manalo ang ilang mga nominado kapalit ng hindi masasabing malaking halaga (P3,000 at P5,000). Pwedeng nangyari ang gusto ng mga nag-utos sa kanila kundi lamang bumaligtad ang isang myembro (si Allan Diones) during our deliberation. Hindi nakayanan ng konsensya nito na muling madungisan ang karangalan ng organisasyon na kinabibilangan niya na ginawa na ng ilang walang konsyensyang mga opisyales ng Club nung nakaraang taon. Sa kanyang pag-amin, nakonsyensya rin ang ilan niyang mga kasamahan kung kaya sa final voting ay nagbago sila ng isip. Ang pagbabagong ito ang naging dahilan kung kaya nanalo si Denis Trillo, hindi dinaya, na siyang gustong palabasin ng mga nagpakana, na nagturo ng mga daliri sa buong Club at nagsabing mandaraya ito. Malaki ang kalamangan niya sa kalaban. Muntik nang ang tama ay magawang mali. Muntik na, kundi lamang nakonsyensya ang mga nabayaran na itama ang gagawin sana nilang mali.
Tama yung sinabi ng aming pangulo sa PMPC na si Joe M. Barrameda na tinatayuan namin ang mga napili naming mga winners sa isang official statement na ipinalabas niya kahapon.
Hindi ko sinasabing lahat ng nanalo ay walang bahid dungis, dahil kasama pa rin namin sa Club ang ilang mga unscrupulous members? At hanggat hindi sila napapaalis sa Club, palagi na lang kaming magkakaron ng agam-agam at takot at maging ang mga tagasubaybay ng mga awards night ay palagi na lamang magtatanong kung nagkaron ba ng lagayan. Pero, hindi kami magpapabaya.
Aaminin kong totoong napaka-hirap magbantay, maging vigilant pero, ngayong alam na namin kung sino ang mga babantayan namin, magiging mas madali na ang trabaho namin.
At saka hindi pa naman tapos ang laban. May napatunayan at may mga umaming myembro nang nabayaran, pero sa proteksyon nila ay hindi ko pa pwedeng sabihin ang mga pangalan nila. They are still presumed innocent until proven guilty. Ibibigay ko ang konsiderasyon na ito sa kanila bilang isang mabuting Kristiyano. Matatanggal ba sila? Depende na ito sa gagawing imbestigasyon pero, magkakaron at magkakaron ng imbestigasyon, para sa ikalilinis ng pangalan ng PMPC at kakaunting myembro na nabatikan ang pangalan, di ba Ka Billy (Balbastro?), isang dating pangulo ng PMPC at patuloy na sumusuporta sa Club.
Maririnig muli ang mga pinasikat nilang "Rock en Roll Sa Ulan", "Beep Beep", "Balong Malalim" at ang phenomenal na "Himig Natin". Makakasama rin ang Wally Gonzales Band na kinabibilangan nina Dondi Ledesma (bass), Wowee Posadas at Boy Santos (keyboards), Chris Messer (drums), Joonie Centeno (vocals & harmonica) at Kat Agarrado (vocals).
Ang pagtatanghal ay simula lamang ng malaking kaganapan sa Juan dela Cruz Band sa Hunyo 11 sa World Trade Center. Pinamagatang Juan dela Cruz Band: Ang Pagpapalakas, isang non-stop Pinoy rock music ang ibibigay nina Mike Hanopol, Joey Pepe Smith, Wally Gonzales at mga special guests nila.
Sa pamumuno ni Orly Ongkingco ng Kite Association of the Philippines, ang event ay maaring pagsimulan ng pagkakasali ng bansa sa Asean kitefest map at ang posibleng paghu-host natin ng ganitong event in the future.
Sa halagang P100, maaring magpa-rehistro. Tumawag lamang sa secretariat sa 9136404, 9129989 o 9129924 at hanapin sina Abby o Roma. May gen. assembly o briefing sa Abril 2 at 3 bago magsimula ang paligsahan sa Abril 9. Malalaking premyo ang nakalaan sa mga mananalo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended