^

PSN Showbiz

Masarap balikan ang nakaraan kahit nakakatakot ang ibinabadya ng bukas

- Veronica R. Samio -
Bago ang lahat, gusto kong batiin ang lahat ng katrabaho ko rito sa PSN ng "Happy Anniversary". Parang kailan lamang nung magsimula akong mag-trabaho rito. Tandang-tanda ko pa na ang kumausap sa akin at tumanggap sa trabaho ay ang napaka-bait na si Gng. Betty Go Belmonte. Walang masyadong rekisitos, tinanong lang niya ako kung ano ang alam kong gawin. Kung ilang taon ko nang ginagawa ito at kung aktibo pa ako sa unyon. Meron yatang nakapagsabi sa kanya na sa dalawang pinanggalingan kong trabaho ay naging mataas na opisyal (presidente pa ako sa isa) ako ng unyon. Nang sabihin kong retirado na ako sa ganung gawain ay agad siyang naniwala at pinagsimula na agad ako sa trabaho bilang assistant ng namayapa nang si Oscar Miranda. Kahit araw pa ng Linggo yun.

Nineteen years ago na yun, isang masarap na trabaho na tinimplahan ng maraming kudeta at mga rally dahil katatapos lamang ng Edsa Revolution, yung pinaka-una. Minsan nga, hindi kami pinauwi dahil may nagbantang gigiyerahin ang opisina. Kinabukasan na kami nakalabas ng opisina.

Dumami na ang tao sa opisina na kung natatandaan ko pa ay parang aapat na babae lamang kami sa opisina sa bunton ng mga lalaking empleyado. Pero masaya na kami nun, may araw na sama-sama kaming nagdarasal bago mananghali. Ilang Pasko na ba akong nag-uwi ng mga mahahalagang papremyo sa raffle? Di ko na mabilang.

Masaya pa rin naman ngayon ang atmosphere sa opisina. Umasenso na kami, nasa ika-tatlong palapag na kami, dati ay nasa unang palapag lamang, sa tabi ng orihinal na pintuan sa Railroad St. Nagkaro’n pa ng pagkakataon na nagkaro’n kami ng sarili naming kuwarto ni Mang Oscar. Nakasama namin dun ang isa sa naging editor ng PSN na si Edna Constancia at ang kolumnista namin ngayong si Emy Abuan na ngayon ay Bautista na.

Napaka-sarap alalahanin ang nakaraan pero mas challenging harapin ang bukas, lalo’t may krisis sa ekonomiya at mas dumarami ang mga corrupt sa gobyerno at maging sa pribadong sektor. Nasa ikalawang pwesto na tayo sa pinaka-corrupt na bansa sa buong mundo. Sa kabila nito, maganda ang bukas na tinatanaw natin sa mahusay na pamamalakad ng PSN at mga sister companies nito ng mga anak ni Ma’m Betty, lalo na ni Boss Miguel. Mayro’n talagang dahilan para magdiwang. Kaya mabuhay kaming lahat!
* * *
Paano nga ba pinipili ang Reyna ng Kagandahan? Sa Sabado ay gaganapin na ang Bb. Pilipinas Beauty Pageant at, for sure, pagtutuunan na naman ito ng pansin ng maraming mahiligin sa ganitong pakontes, babae man o lalaki. At tulad ng dati, pipili rin tayo ng ating mga bets. Pero, paano nga ba pumili ng isang beauty queen? Ako na nag-aakalang marunong mag-spot ng isang potential beauty contest winner dahil madalas kong makasama ang mga itinuturing na beautiful people, ang mga artista, ay madalas sumablay sa aking mga choices.

Kaya hanga ako sa mga people behind the Mabuhay Beauties, ang namumuno ditong si Boyet Blas, ang webmaster na si Arnold Orosa at ang mga myembrong sina Director Jeffrey Jeturian, Ces Evangelista, Jonas Gaffud, Joseph Vitug at Nad Bronce dahil marunong silang mag-spot ng posibleng maging beauty queens.

Ilan nang mga na-scout nila ang naging beauty title holder. Tulad nina Zorah Andam, Nina Ricci Alagao, Michelle Reyes, Mafae Yunon at Jhzaine Javier.

Sa gaganaping Bb. Pilipinas Beauty Pageant sa Sabado, anim ang Mabuhay Beauties pero, nag-back out ang dalawa. Ang natira ay sina Gionna Cabrera, 5’10; Mariflor Perez, 5’8"; Joanne Padilla, 5’9" at Rica Taylor, 5’7".

vuukle comment

AKO

ARNOLD OROSA

BETTY GO BELMONTE

BOSS MIGUEL

BOYET BLAS

CES EVANGELISTA

MABUHAY BEAUTIES

PILIPINAS BEAUTY PAGEANT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with