Kris, happy na si Vi ang tumalo sa kanya
March 16, 2005 | 12:00am
Noong Linggo, ni-launch ng ABS-CBN ang bagong summer station ID nila. Simultaneous itong ipinalabas sa ibat ibang channels tulad ng ABS-CBN 2, Studio 23, Cinema One, MYX, Lifestyle Channel, ABS-CBN News Channel, The Filipino Channel at maging sa WRR at DZMM at iba pang regional stations ng ABS-CBN.
Pinag-uusapan ang ganda ng naturang summer station ID na tinawag na "Iba Ka-Summer Ang Kapamilya", take off sa general station ID na "Iba Magmahal Ang Kapamilya". A total of 180 stars/celebrities/hosts took part in the summer special.
Hindi syempre, mawawala ang mga big stars ng network tulad nina Dolphy, Maricel Soriano, Kris Aquino, Aga Muhlach, Charo Santos, Piolo Pascual, Kristine Hermosa, Korina Sanchez, Boy Abunda at iba pang young stars at TV personalities ng News & Current Affairs department.
Ang balita ko, ilang milyon ang ginastos para mapaganda nang husto ang summer station ID ng ABS-CBN.
Taun-taon ay kaabang-abang ang station ID na ipinalalabas ng ABS-CBN. Karamihan sa mga nauna nang ipinalabas ay nanalo na ng international awards like New York TV Awards at Promax.
Proud ako dahil kilala ko ang mga nasa likod ng naturang summer station ID. Mula sa concept nina Robert Labayen (vice president for creative communications management) at Zita Aragon (director for creative communications management) at dinirek nina Onat Diaz (direktor ng The Buzz) at Arnel Natividad.
Tinext agad ni Kris Aquino si Vilma Santos nang manalo ito ng Best Actress award sa nakaraang 21st Star Awards for Movies noong Sabado. Nominado rin si Kris para sa nasabing award. Happy si Kris na si Vilma ang tumalo sa kanya.
"Vilmanian din kasi ako," sabi nito. "Kaya masaya ako sa victory ni Mayor Vi."
After the awards night, umuwi na si Kris. Kailangan niyang matulog ng sapat dahil may commercial shoot siya kinabukasan. Hindi rin nakarating si Kris sa The Buzz last Sunday dahil naipit sa nasabing commercial shoot.
Halos every week, may commercial shoot si Kris. Tatlong malalaking produkto ang nakatakda niyang iendorso. Nakatakda naman simulan ni Kris ang movieng pagsasamahan nila ni Claudine Barretto under Star Cinema. Si Chito Roño ang magdidirek nito.
Hindi man siya pinalad na manalo sa Star Awards, mayroon pa namang ibang award-giving body. Kris believes (at kahit ang karamihan) na ang performance niya sa Feng Shui ang so far ang pinakamahusay niya bilang aktres.
Ngayong April, igagawad kay Kris ang Box-Office Queen award ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc.
Speaking of Feng Shui, nasa third week of showing na ito sa Malaysia at Singapore. Box-office hit ang movie sa dalawang Asian countries.
Biglaan ang imbitasyon ni Ahron Villena sa kanyang birthday party na ginanap sa poolside ng El Hardin Condominium noong Sunday. But just the same, nakarating pa rin ako.
"Pasensya na po, biglaan kasi naging busy po ako," bungad ni Ahron nang dumating ako kasama ang manager na si Freddie Bautista.
Sa isang table, nakita ko ang pamilya ni Ahron.
Pinag-uusapan ang ganda ng naturang summer station ID na tinawag na "Iba Ka-Summer Ang Kapamilya", take off sa general station ID na "Iba Magmahal Ang Kapamilya". A total of 180 stars/celebrities/hosts took part in the summer special.
Hindi syempre, mawawala ang mga big stars ng network tulad nina Dolphy, Maricel Soriano, Kris Aquino, Aga Muhlach, Charo Santos, Piolo Pascual, Kristine Hermosa, Korina Sanchez, Boy Abunda at iba pang young stars at TV personalities ng News & Current Affairs department.
Ang balita ko, ilang milyon ang ginastos para mapaganda nang husto ang summer station ID ng ABS-CBN.
Taun-taon ay kaabang-abang ang station ID na ipinalalabas ng ABS-CBN. Karamihan sa mga nauna nang ipinalabas ay nanalo na ng international awards like New York TV Awards at Promax.
Proud ako dahil kilala ko ang mga nasa likod ng naturang summer station ID. Mula sa concept nina Robert Labayen (vice president for creative communications management) at Zita Aragon (director for creative communications management) at dinirek nina Onat Diaz (direktor ng The Buzz) at Arnel Natividad.
"Vilmanian din kasi ako," sabi nito. "Kaya masaya ako sa victory ni Mayor Vi."
After the awards night, umuwi na si Kris. Kailangan niyang matulog ng sapat dahil may commercial shoot siya kinabukasan. Hindi rin nakarating si Kris sa The Buzz last Sunday dahil naipit sa nasabing commercial shoot.
Halos every week, may commercial shoot si Kris. Tatlong malalaking produkto ang nakatakda niyang iendorso. Nakatakda naman simulan ni Kris ang movieng pagsasamahan nila ni Claudine Barretto under Star Cinema. Si Chito Roño ang magdidirek nito.
Hindi man siya pinalad na manalo sa Star Awards, mayroon pa namang ibang award-giving body. Kris believes (at kahit ang karamihan) na ang performance niya sa Feng Shui ang so far ang pinakamahusay niya bilang aktres.
Ngayong April, igagawad kay Kris ang Box-Office Queen award ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc.
"Pasensya na po, biglaan kasi naging busy po ako," bungad ni Ahron nang dumating ako kasama ang manager na si Freddie Bautista.
Sa isang table, nakita ko ang pamilya ni Ahron.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended