Janna, balik-tv
March 16, 2005 | 12:00am
Maganda ngayon si Janna Victoria na nagbabalik-TV, napanood namin siya sa Sis. Higit na sexy ngayon ang aktres at desidido ito sa kanyang pagbabalik-showbiz.
Hindi kaya lilipat na ito sa Siete? Noon kasi ay sa Dos namin ito napapanood pero visible ngayon sa mga TV guesting ng GMA.
Kapag hindi abala sa mga taping ay pinamamahalaan nito ang kanyang negosyong nauukol sa sabon ang Janna soap na nasa market na.
Masayang ibinalita ni Dingdong Dantes nang makausap namin sa presscon ng Bahay ni Lola 2 na mayroon siyang youth organization na binubuo ng 1,500 na myembro. Katulong nito ang ilang barkada kung saan nagbibiyahe sila ng ibat ibang probinsiya. Itoy sa pakikipagtulungan nila sa NGO na pinamagatang Gabay Bayan kung saan ang kanilang layunin ay tungkol sa youth empowerment at youth development.
"Sinimulan namin ito noong Agosto ng nakaraang taon. I feel I had a role to play lalo na para sa mga kabataan. Ibinabahagi ko ang aking kaalaman sa kanila gaya ng paghihikayat sa mga out-of-school youth na bumalik sa pag-aaral," anang aktor.
Mayroon din silang fund raising projects na tutulong sa mga may problemang mga kabataan.
Nakawala na sa anino ng kanyang mommy na si Zsazsa Padilla si Karylle kung saan may sarili na siyang identity. Nakatulong sa kasikatan nito ang loveteam nila ni Dingdong. Kahit si Mother Lily ay nagsasabing perfect match ang dalawa.
Sa dami ng commitment ngayon ni Angel Locsin ay halos wala na itong panahong matulog. Katunayan, sa van na lang niya idinadaan ang pagtulog kahit sandali lang.
Halos araw-araw ay nagti-taping ito ng Mulawin at Darna. Yung natitirang oras ay inilalaan naman nito sa mga commercial shoot ng ibat ibang produkto.
Kahit puyat sa magdamagang taping ay natutuwa naman ito dahil nakakaipon siya para sa negosyong itatayo nito.
Naiintindihan namin ang sentimiento ng mga prodyuser lalo na si Mother Lily dahil nabawasan ang incentive na tinanggap nila sa launching/appreciation party ng Metro Manila Film Festival 2005. Kaso may pinaiiral na ruling ang executive committee na kapag hindi nakadalo ang mga leading stars sa parada sa Davao at Cebu ay makakaltasan ang kanilang incentive.
Mahalaga rin siguro na dumalo ang mga prodyuser kapag may pulong na ipinatatawag ang MMFF execom at hindi ang mga representative nila para higit na maunawaan ang mga napag-uusapan sa meeting gaya ng ruling sa mga nasabing insentibo.
May show sa Japan ang sikat na seksing actress na ito. Ang tawag sa kanya ay flawless beauty dahil maputi ito.
Minsan ay nasilipan ito sa dressing room ng ilang male performers na naglalagay ng body make-up bago kumanta.
Nagulat sila dahil akala nila ay superkinis ng binti nito, ang hita, kamay at leeg. Pero hindi nila sukat akalain na natatakpan pala ito ng body make-up. Kaya pala nag-request ito na magsolo sa dressing room.
Ang sikat na sexy star ay kontrobersyal din lalo na sa kanyang lovelife. May regular show ito sa isang istasyon at siya ang pambatong mainstay dun.
Hindi kaya lilipat na ito sa Siete? Noon kasi ay sa Dos namin ito napapanood pero visible ngayon sa mga TV guesting ng GMA.
Kapag hindi abala sa mga taping ay pinamamahalaan nito ang kanyang negosyong nauukol sa sabon ang Janna soap na nasa market na.
"Sinimulan namin ito noong Agosto ng nakaraang taon. I feel I had a role to play lalo na para sa mga kabataan. Ibinabahagi ko ang aking kaalaman sa kanila gaya ng paghihikayat sa mga out-of-school youth na bumalik sa pag-aaral," anang aktor.
Mayroon din silang fund raising projects na tutulong sa mga may problemang mga kabataan.
Halos araw-araw ay nagti-taping ito ng Mulawin at Darna. Yung natitirang oras ay inilalaan naman nito sa mga commercial shoot ng ibat ibang produkto.
Kahit puyat sa magdamagang taping ay natutuwa naman ito dahil nakakaipon siya para sa negosyong itatayo nito.
Mahalaga rin siguro na dumalo ang mga prodyuser kapag may pulong na ipinatatawag ang MMFF execom at hindi ang mga representative nila para higit na maunawaan ang mga napag-uusapan sa meeting gaya ng ruling sa mga nasabing insentibo.
Minsan ay nasilipan ito sa dressing room ng ilang male performers na naglalagay ng body make-up bago kumanta.
Nagulat sila dahil akala nila ay superkinis ng binti nito, ang hita, kamay at leeg. Pero hindi nila sukat akalain na natatakpan pala ito ng body make-up. Kaya pala nag-request ito na magsolo sa dressing room.
Ang sikat na sexy star ay kontrobersyal din lalo na sa kanyang lovelife. May regular show ito sa isang istasyon at siya ang pambatong mainstay dun.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
December 23, 2024 - 12:00am