^

PSN Showbiz

Andrea Bautista, ex ni Diether ikakasal na rin

- Veronica R. Samio -
Ang pinaka-paborito ko sa magkakapatid na Bautista bukod syempre kay Sen. Bong Revilla na si Andrea o Andeng Bautista ay ikakasal na rin. Sinabi kong rin dahil naniniwala ako na hindi man sila tuluyang naging mag-on ni Diether Ocampo ay naging very close sila. At si Diether ay pinaniniwalaan ng marami na nagpakasal na kay Kristine Hermosa.

Nag-propose na ng marriage si Casimiro Ynares III kay Andeng nung January 9, 2005 sa prayer room ng Word For the World Church na agad naman nitong tinanggap. Ikatlong marriage proposal na yun ng nag-iisang anak na lalaki ng Gobernador ng Rizal sa hiyas ng mga Bautista. Sampung taon na ang relasyon nilang dalawa.

Natupad ang pangako ni Andeng sa kanyang ama na si former Senator Ramon Revilla na ang ipakikilala lamang niya ritong lalaki ay ang lalaking papakasalan niya, ito ngang si Junjun na humahawak ng posisyon ng assistant ni Secretary Mike Defensor ng DENR. Humawak din ito ng mataas na posisyon sa Laguna Lake Development. Isang Doctor of Medicine ang napipintong groom, ikalawang doktor na magiging manugang ni Senator Ramon dahil doktor din ang asawa ng isa pang anak nito na si Princess Revilla.

Wala pang definite na plano pero ang siguradong tatahi ng wedding gown at pati na ang entourage ay ang kaibigan ni Andeng na si Paul Cabral.

Isa lamang tahimik na buhay may-asawa ang pangarap ni Andeng kasama ang lalaking nagsabi na si Andeng ang pinaka-matagal niyang naging girlfriend at ang pinaka-mahal niya. Kainggit naman, di ba girls?!!!
* * *
Akala ko magic lamang ang pinag-aaralan ni Bearwin Meily. Pati rin pala paggawa ng mga delikadong gawain. Gaya ng pagmomotorsiklo ng nakatakip ang mga mata. Mula Plaza Lawton hanggang Plaza Rajah Sulayman. Di kayo naniniwala? Pwes, manood ng NAKS ngayong gabi, pagkatapos ng S-Files sa GMA.
* * *
Medyo nabahiran ng kontrobersiya ang katatapos na paglulunsad ng 2005 Metro Manila Film Festival na ginanap on board Ang Pangulo na hindi na nagtatawid dagat, manapay isa na lamang itong venue para sa mga mahahalagang okasyon katulad ng launching ng 2005 MMFF na isinabay na rin ang pagbibigay ng incentives sa mga major winners, para sa producer ng pelikula at mga artista nang mag-complain ang grupo ni Mother Lily Monteverde dahil kulang daw ang natanggap nilang mga incentives. Yun pala kaya kulang ay hindi sila nakapag-participate sa ilang mga activities ng Filmfest tulad ng mga parada sa Cebu, Davao, Baguio at Lucena.

Marami ang dumalo sa twin celebration. Tulad ng mga mayor ng Metro Manila, mga haligi ng industriya ng pelikula, mga artista. Nagkaro’n din ng musical number at dalawang magagaling na baguhan ang nadiskubre rito, ang 9 na taong gulang na si Tata Fuentes at ang dating taga-That’s na si John Joven na lumabas sa Miss Saigon sa Germany at nakalabas na sa mga musicals sa ibang bansa.

Ang audience was a misture of the political and showbiz sectors. Nakita ko ang mga produ ers na sina Vic at Vincent del Rosario ng Viva, Orly Ilacad, Cesar Montano, Sarah Geronimo, Ella Guevara, Christopher de Leon, Jomari Yllana, German Moreno. Atty. Esperidion Laxa, ang bagong pangulo ng Manila Hotel na si Joey LIna, sina Mayors Toby Tiangco, Florencio Bernabe at marami pang iba. Nag-host ng affair sina Leo Martinez at Boots Anson Roa.

ANDENG

ANDENG BAUTISTA

ANG PANGULO

BAUTISTA

BEARWIN MEILY

BONG REVILLA

BOOTS ANSON ROA

CASIMIRO YNARES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with