^

PSN Showbiz

Jacky Woo, walang sawa sa 'Pinas

- Veronica R. Samio -
Siguro kung may dapat kilalanin sa pagiging masuporta niya sa ating bansa, ito ay walang iba kundi ang Japanese producer/actor na si Jacky Woo.

Ilang panahon na ring pabalik-balik ng bansa si Jacky, at nagkaro’n na siya ng co-production venture sa ilan nating mga actor/producers gaya nina Robin Padilla (Alab ng Lahi) at Cesar Montano (Panaghoy Sa Suba), hindi masasabi na naging mabunga ang kanilang pagsasama. Kung sakali baka bumalik lamang ang kanyang sosyo (sana nga!).

Sa kabila nito, hindi nagsasawa ang Hapones na bumalik dito at muling subukang magnegosyo rito. Sa kasalukuyan ay may isa siyang pelikula na ginagawa rito sa direksyon ni Edgardo Boy Vinarao, tungkol sa isang Shogun fighter.

May mga eksena na kinunan sa Japan at ang ilang araw na pagtatrabaho dun ay gumastos na ito ng mahigit na P6M. Dito tatapusin ang movie na magtatampok din ng ilang local talents sa major roles.

Samantala, malapit nang ipalabas dito ang ginawa niyang Shaolin vs. Evil Dead, isang kungfu horror comedy na nagtatampok din sa Hongkong cinema legend na si Gordon Liu (Kill Bill 1, 2, Evil Master), Kit Cheung, Louis Fan Shi Xiao-Hu, Shannon Yoh sa direksyon ni Douglas King.

Ang pelikula ay naimbitahan para maipalabas sa Brussels Int’l. Festival of Fantasy, Thriller & Science Fiction Films sa Brussels na nagsimula kahapon, Marso 11 hanggang 26.
* * *
Bagaman at bihira nang gumawa ng pelikula si Gloria Romero dahilan sa sobrang kaabalahan niya sa TV, isa sa mga producer na hindi niya mapahindian ay si Mother Lily ng Regal Entertainment.

Matapos niyang gawin ang Bahay ni Lola na sinundan ng Singsing Ni Lola, topliner na naman siya sa Bahay Ni Lola 2 na hindi naman sequel ng mga naunang movies kundi isang bagong pelikula na ni-retain lamang ang titulo ng naunang Lola dahil nag-hit ang mga ito.

Kung sa unang Bahay ay isa siyang kaluluwa na bumalik para protektahan ang kanyang mga apo, sa ikalawa ay isa siyang naniniwala sa feng shui na itinaboy sa kanyang tahanan ng mga masasamang ispiritu kaya ipinagbili niya ang bahay niya sa mag-asawa na ginagampanan nina Dingdong Dantes at Karylle. Siya ang kinokontak ni Karylle kapag ginugulo ito ng mga masasamang ispiritu.
* * *
Palabas na ang Birhen ng Manaoag, isang maagang paggunita sa Mahal na Araw na ginagampanan ng isang all-star cast at huling movie ni Joyce Jimenez bago siya nagtungo ng Australia para mag-aral.

Tampok sa pelikula ang mga milagro ng Birhen ng Manaoag sa direksyon ng Marian devotee na si Ben Yalung sa ilalim ng sarili niyang produksyon, ang Cine Suerte.
* * *
May free clinic ngayong araw na ito sa Mowelfund bilang pagdiriwang ng 31st anibersaryo nito. Lahat ng kasapi ng foundation at maging ang kanilang pamilya ay inaanyayahang makisaya. Highlight ng pagdiriwang ay ang inagurasyon ng Fred Montilla Promenade.

BAHAY NI LOLA

BEN YALUNG

BIRHEN

BRUSSELS INT

CESAR MONTANO

CINE SUERTE

DINGDONG DANTES

DOUGLAS KING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with