Tinatawanan ang sex video
March 11, 2005 | 12:00am
Hindi bothered si Luis Manzano sa isyu ng sex video. Cool lang si Luis sa isyu. In fact, tawa lang ito nang tawa. Nagkaroon na rin si Luis ng kopya ng alleged video. In fact, noong nakakuha siya ng kopya ng video, ipinadala niya ito sa 10 kaibigan niya.
"I asked their reaction," sabi ni Luis. "If they believe it was me. Nine out of 10 believed it wasnt me. I even asked my mom (Vilma Santos), sabi niya, Talaga bang hindi ikaw yan, anak? tawa siya nang tawa."
Ipinakita rin sa akin ni Luis ang video noong nag-guest siya sa The Buzz para linawin ang isyu.
Sa unang tingin, iisipin mong si Luis nga. Pero habang tumatagal, kitang-kita na yung features ng guy na malayo kay Luis. May pilyong comment pa nga si Luis tungkol sa video na syempre, hindi ko na isusulat pa.
At least, cleared na si Luis sa isyu ng sex video. At hindi niya aaminin na siya yun dahil hindi talaga.
Mukhang inspirado talaga si Chito Roño sa Spirits. Nakakahanga ang mga eksena sa kanyang serye. Talaga namang mapapatulala ka kapag nakatutok ka. Tulad na lamang noong Lunes, ipinalabas ang big battle sa pagitan nina Dude at Lloyd laban sa hukbo ni Tagasundo at para mailigtas si Gabby (Maja Salvador).
Marami na ang nakakapansin ng napakagandang mga eksena ng Spirits. Sabi nga ng pamangkin ko, para raw Lord of the Rings ang mga eksena. Um-agree naman ako dahil ako man ay napapahanga sa mga eksena. Bukod sa kakaibang kwento, kapansin-pansin ang magandang make up, costume at location ng Spirits. Talagang pang-world class ang kahusayan ni Chito.
Hindi talaga matatawaran ang kahusayan ni Chito Roño bilang direktor. At ang kahusayan niya sa pelikula ay dinala niya sa telebisyon. Sino ba naman ang makakalimot sa mga fantasy movie na Spirit Warrior at ang blockbuster na Feng Shui?
No wonder, mataas ang rating ng Spirits. Bigyan mo ng matinong programa ang viewers, tiyak na tututok talaga sila.
Grabe ang haba ng pila sa compound ng ABS-CBN nang mapadaan ako. Madaling araw pa lang, dagsa na ang tao para makasali sa Wowowee. Minsan nga, on my way home galing sa isang party, talagang nagsisimula nang mag-converge ang tao sa audience entrance ng ABS-CBN.
Sana lang, maayos ng barangay officials o ng ABS-CBN kung paanong hindi makakasagabal ang tao sa traffic, lalo pat one way traffic na ang paligid ng ABS-CBN building.
Tiyak na lalo pang dadagsa ang tao sa Wowowee dahil kamakailan lang, may nanalo na naman ng P1M. Halos every week ay nakukuha na ang jackpot prize. Last week, isang matandang lalaki ang nanalo. Pagkatapos ng ilang araw, isang ale naman ang nanalo.
Marami na talaga ang hooked sa Wowowee ngayon.
Bilib talaga ako kay Chokoleit. He reads the newspapers everyday. At kapag nakakabasa siya ng magandang article about him, hed find a way na mapasalamatan ang writer. Kapag wala siyang contact number ng writer, ipahahanap talaga niya.
"Hindi naman kasi obligasyon ng mga reporter na isulat ang isang artista. At kapag nasusulat ako, lalot maganda, talagang natutuwa ako. Pasasalamat lang, ano ba naman yon," sabi nito.
Sunud-sunod din kasi ang blessings ni Chokoleit.
Kaliwat kanan ang shows niya. Isa siya sa hosts ng "Wanna Buzz?" segment ng The Buzz. At ang reality-dare show na Kaya Mo Ba To? kasama sina Carlos Agassi, Ella V, JE Sison at Kitkat.
Incidentally, ang Boracay summer special ng KMBT? ay ipalalabas na bukas ng hapon.
"I asked their reaction," sabi ni Luis. "If they believe it was me. Nine out of 10 believed it wasnt me. I even asked my mom (Vilma Santos), sabi niya, Talaga bang hindi ikaw yan, anak? tawa siya nang tawa."
Ipinakita rin sa akin ni Luis ang video noong nag-guest siya sa The Buzz para linawin ang isyu.
Sa unang tingin, iisipin mong si Luis nga. Pero habang tumatagal, kitang-kita na yung features ng guy na malayo kay Luis. May pilyong comment pa nga si Luis tungkol sa video na syempre, hindi ko na isusulat pa.
At least, cleared na si Luis sa isyu ng sex video. At hindi niya aaminin na siya yun dahil hindi talaga.
Marami na ang nakakapansin ng napakagandang mga eksena ng Spirits. Sabi nga ng pamangkin ko, para raw Lord of the Rings ang mga eksena. Um-agree naman ako dahil ako man ay napapahanga sa mga eksena. Bukod sa kakaibang kwento, kapansin-pansin ang magandang make up, costume at location ng Spirits. Talagang pang-world class ang kahusayan ni Chito.
Hindi talaga matatawaran ang kahusayan ni Chito Roño bilang direktor. At ang kahusayan niya sa pelikula ay dinala niya sa telebisyon. Sino ba naman ang makakalimot sa mga fantasy movie na Spirit Warrior at ang blockbuster na Feng Shui?
No wonder, mataas ang rating ng Spirits. Bigyan mo ng matinong programa ang viewers, tiyak na tututok talaga sila.
Sana lang, maayos ng barangay officials o ng ABS-CBN kung paanong hindi makakasagabal ang tao sa traffic, lalo pat one way traffic na ang paligid ng ABS-CBN building.
Tiyak na lalo pang dadagsa ang tao sa Wowowee dahil kamakailan lang, may nanalo na naman ng P1M. Halos every week ay nakukuha na ang jackpot prize. Last week, isang matandang lalaki ang nanalo. Pagkatapos ng ilang araw, isang ale naman ang nanalo.
Marami na talaga ang hooked sa Wowowee ngayon.
"Hindi naman kasi obligasyon ng mga reporter na isulat ang isang artista. At kapag nasusulat ako, lalot maganda, talagang natutuwa ako. Pasasalamat lang, ano ba naman yon," sabi nito.
Sunud-sunod din kasi ang blessings ni Chokoleit.
Kaliwat kanan ang shows niya. Isa siya sa hosts ng "Wanna Buzz?" segment ng The Buzz. At ang reality-dare show na Kaya Mo Ba To? kasama sina Carlos Agassi, Ella V, JE Sison at Kitkat.
Incidentally, ang Boracay summer special ng KMBT? ay ipalalabas na bukas ng hapon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended