^

PSN Showbiz

John, Camille pinabayaan ng ABS-CBN?

RATED A - Aster Amoyo -
Mukhang settled na sa kanilang buhay sa Amerika ang Muñoz brothers na sina Leandro at Carlo na may kani-kanya na ring pamilya roon. May nagsabi sa amin na sa Chino Hills nakatira ang magkapatid at pareho silang namamasukan sa isang kumpanya na manufacturer ng plastic bottles. Paminsan-minsan ay naiimbitahan ang magkapatid para mag-host ng iba’t ibang affairs ng Pinoy community sa California. Noong isang taon ay nakita namin ang magkapatid na siyang nag-host ng Night of the Champions concert nina Sarah Geronimo, Mark Bautista, Christian Bautista at Rachelle Ann Go na ginanap sa Orpheum Theater sa Los Angeles, California.

Sina Leandro at Carlo ay parehong nagsimula sa Star Circle ng ABS-CBN Talent Center.
* * *
Mukha yatang napapabayaan na sa ABS-CBN ang magkapatid na John at Camille Prats.  Sa ASAP na lamang napapanood si John habang si Camille naman ay walang regular show matapos mawala sa ere ang Home Along Da Airport.

May nasagap kaming balita na kinukuha umano ang magkapatid ng GMA at ito’y masusing pinag-aaralan ng ama ng magkapatid na si Dondee Prats.

Kung loyalty ang pag-uusapan, nasa ABS-CBN ang puso ng magkapatid, pero ngayong wala na silang show, kinakailangan naman nilang maghanap ng ibang trabaho at nagkataon naman na may alok kay John ang Daddy Di Do Du na pinangungunahan ng TV host-comedian-producer na si Vic Sotto. Tatlong beses nang nakapag-guest si John sa nasabing sitcom bilang ka-love interest ni Maxene Magalona at mukhang may future ang tambalan ng dalawa kung magtutuluy-tuloy.

Since wala namang ibang trabaho si John sa ABS-CBN, pinapayagan siya ng Star Magic na mag-guest kahit sa kalaban nilang network, ang GMA-7.
* * *
Ang laki na talaga ng ipinayat ni Sunshine Dizon magmula nang ito’y magpa-lipo. Nakita namin si Sunshine sa Golden Screen Awards nung nakaraang Sabado nang ito’y maging presentor kasama ang StarStruck 2 avenger na si Kirby de Jesus. Nominado rin siya sa Best Supporting Actress category para sa pelikulang Sabel pero ang award ay napunta kay Ara Mina sa pelikulang Minsan Pa.
* * *
Matapos silang mapanood sa matagumpay na Let The Love Begin, may bagong pelikulang pinagkakaabalahan ngayon ang magkasintahang Jennylyn Mercado at Mark Herras sa bakuran ng Regal Films, ang Say That You Love Me na pinamamahalaan ni Mac Alejandre.

Sampung buwan nang magkasintahan sina Jennylyn at Mark na nagsimula nang magkasama sila sa StarStruck 1 kung saan sila pareho ang naging ultimate survivors.

Pero habang tumatagal ang kanilang relasyon ay saka naman may ibang taong gustong sirain ang kanilang magandang pagsasama. Nariyan ang issue na ayaw umano ng pamilya ni Mark kay Jennylyn. May dagdag pang issue na sinisiraan umano si Jennylyn ng alalay ni Mark para lang magkahiwalay ang dalawa. Pero nananatiling matibay ang pagmamahalan ng dalawa lalo na ngayon na nasa gitna sila ng maraming pagsubok.
* * *
Personal:  Belated birthday greetings kay G. Dioceldo Sy ng DSS Marketing nung nakaraang Sabado, March 5.
* * *
<[email protected]>

ARA MINA

BEST SUPPORTING ACTRESS

CAMILLE PRATS

CENTER

CHINO HILLS

CHRISTIAN BAUTISTA

DADDY DI DO DU

JENNYLYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with