Kasalang Aya Medel at Mayor Aguas, hindi na matutuloy?
March 10, 2005 | 12:00am
Legazpi City Tinatayang di umano matutuloy ang kinasasabikan na kasalan nina sexy star Aya Medel at Sto. Domingo Mayor Hermie Aguas na nakatakdang maganap sa darating na Mayo 20 taong kasalukuyan.
Ayon sa impormasyon, nagkalabuan umano ang relasyon ng dalawa dahil sa isang problema na hindi malaman at tanging si Mayor Aguas ang nakakaalam at para kumpirmahin ang naturang isyu.
Sinikap ko na nakausap si Mayor Aguas sa kanyang cellphone, subalit palaging busy ang kanyang linya.
Nauna na rito ay namanhikan na umano ang pamilya ng alkalde noong nakaraang Disyembre at itinakda ang kasal sa darating na Mayo 20 kasabay ng Sarong Banggui Festival ng naturang bayan.
Naging matunog sa ngayon na ang alkalde umanoy may bagong nililigawan na isa ring sexy actress na ang pangalan ay Darling Lavina na kasama sa isang sitcom ng isang programa sa telebisyon.
Maging ang mga malalapit na mga kaibigan ng dalawa ay ayaw magsalita hinggil sa isyu ng paghihiwalay ng dalawa na tinatayang isang malaking problema upang hindi umano matuloy ang nakatakdang kasalan. Ed Casulla

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am