Isang magandang kaarawan
March 10, 2005 | 12:00am
Laging tahimik ang mga nagdaan kong birthday. Maliban sa isang simpleng kainan sa opisina na ang handa ay palaging sino-solicit ni Melanie Sapitanan mula sa mga artista o kaya ay mga taong nagpapatakbo ng kanilang career, ay wala na akong matandaang gaano pang pagdiriwang. Pagkatapos ng kainan, uwian na.
Ganun din ang inaasahan kong magaganap sa aking kaarawan this year na pumatak ng Lunes (Marso 7) pero, naging Miyerkules dahil sa karamihan ng trabaho.
It was my happiest and most memorable birthday. A day after my birthday, Martes, Marso 8, naimbita ako at ilang members ng entertainment media ng ABS-CBN Workshop sa isang Mass at healing session sa Kamay Ni Hesus Healing Church na matatagpuan sa Brgy. Tinamnan, Lucban, Quezon.
Eight ng umaga nang magsimula kami nina Ethel, Chit at Belen Ramos, Nestor Cuartero, Mario Hernando, Nora Calderon, Pilar Mateo, Ernie Pecho, Letty Celi ng aming biyahe patungong Lucban, Quezon. Nakasama rin namin sina Ricky Lo at Ronald Constantino pero, sumunod na lamang silang dalawa dun, di sila nakisakay sa napaka-lamig na bus na inarkila ng ABS CBN Worshop para sa nasabing okasyon.
Ang tatlong oras na biyahe ay naging apat, may kabagalan kundi man lubhang napaka-ingat ng aming driver at siguro dahil marami ka- ming stopovers kundi man para bumili ng pagkain ay para pumunta ng restrooms.
Literally ini-spoil kami ni Beverly Vergel, ang namumuno ng ABS-CBN Workshop, at ng kanyang staff. Bukod sa pagkain, binigyan pa kami ng t-shirt at pamaypay bilang paghahanda sa napakainit na pag-akyat ng napakatarik na grotto, ang Via Dolorosa na katabi lamang ng Kamay ni Hesus Healing Church na may 296 steps na ang pinakatuktok ay nagtatampok sa isang rebulto ni Hesus.
Nagkaron ng isang Misa na kung saan ay balde-baldeng pawis ang lumabas sa aking mga mata dahil lahat ng sinasabi ng healing priest na si Fr. Joey Faller ay tumanim sa aking (aming) mga puso. Di ko nakita kung umiyak ang mga kasama ko pero marami sa kanila ang nagpapahid ng tissue sa mukha, oh eh di umiiyak!!!
It was my first time na ma-pray over. And I was slain!!!. Patunay na na-heal ako, kundi man sa aking pisikal na karamdaman ay sa aking mga emotional na sugat. Ang gaang-gaang ng pakiramdam ko. Ni hindi ako natakot na akyatin ang napaka-tarik na grotto sa aming pag-iistasyon ng krus. Ordinarily, magsusuka na ako, mahihilo dahil may sakit akong vertigo. Pero bukod sa hingal kabayo na inabot ko, wala akong naramdamang sakit habang papaakyat kami ng grotto.
Hindi kataka-taka kung dinudumog man ng mga believers si Fr. Faller. Marami siyang napapagaling. But more than the healing, ang ibinibigay ng pari sa tao ay isang malaking pag-asa, na gagaling sila, na may buhay na Diyos na laging nakaalalay sa kanila. Ang ganda di ba?
Panahon lamang ang makapagsasabi kung ano ang extent ng healing na ginawa sa akin ni Fr. Faller. Ang mahalaga ay yung emotional healing na ramdam ko, yung pakikipag-usap sa Diyos, which he made possible. Ibang klaseng komunyon yon, because, hindi lang pumasok sa katawan ko si Hesus, nakausap ko pa siya.
Indeed, it was a most memorable and beautiful celebration, salamat kay Bev at sa mga staff niya, sina Gian, Je, Jeg at Arjay, for being there with me nang makausap ko ang Diyos. Salamat din kay Fr. Joey Faller who has made it his mission to give hope to so many people. Salamat din sa Batis Aramin na siyang nagpakain sa amin at pumayag na dalhin namin yung mga pagkain na di namin maubus-ubos.
Salamat din sa napakaraming mga kaibigan who sent food para pagsaluhan namin ng mga kasamahan ko sa opisina na ang marami ay naiuwi ko pa sa aking pamilyaMayor Toby Tiangco, Candid Records, Star Malls, Boy Abunda & Backroom, GMA7, ABS CBN & Star Magic, Ram Revilla, Aster Amoyo, Gary and Angeli Valenciano, Genesis, Hanzel Villafuerte, Chit Sambile, Kuya Germs, Emy Abuan, Jun Magdangal, Warner Music, Alpha Records, Jemuel Saltero, Ed Fuentes, Babes & Shereen, Mrs. Soledad Quiazon, Ernie Pecho, Virgie Balatico, Rodel Fernando, Rajah Montero at Nica Madrid.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended