Pangalan ni Angel, naka-tattoo sa binti ni Oyo Boy!
March 8, 2005 | 12:00am
Hindi naman yata inililihim nina Angel Locsin at Oyo Boy Sotto na silay nagkakamabutihan kaya, madali itong nabuking.
Paano naman maitatago kung totoong dumadalaw si Oyo sa taping ng Darna? Saka, pag naka-shorts siyay nakikita ang tattoo niya sa right leg ng pangalan ni Angel. Kinukumpirma namin kung totoong nagpa-tattoo rin si Angel ng name ni Oyo at kung saang parte ng kanyang katawan.
Bale bay nagkasabay mag-guest sa Nuts Entertainment sina Angel at Nadine Samonte sa Cebu episode ng gag show. Nang tanungin si Angel ng initial ng guy na pipiliin niyang mahalin, letter Y ang ibinigay nitong initial at obvious kung sino ang gusto niyang tukuyin. Letter D naman ang binanggit ni Nadine at iniisip pa namin kung sino itot di naman pwedeng Diboy Ramirez. Nagpapatawa lang kami!
Crucial ang mga darating na araw lalo na sa loveteam nina Angel at Richard Gutierrez. Mabuti na lang at patapos na ang Mulawin pero, paano ang mga gagawin nilang pelikula gaya ng I Will Always Love You ng Regal Entertainment?
Walang dudang ang Stairway to Heaven ang pinakasikat na Koreanovela at TV drama sa local TV ngayon. Noong March 3, umabot sa 43.8% ang rating nito at tinalo nito ang rating ng Winter Sonata at Autumn in My Heart.
Dalawang rason kung bakit kinagigiliwan ang STH ay ang mga bida nitong sina Choi J-woo (Jodi) at Kwon Sang-woo (Cholo). Napanood na si Choi Ji-woo sa WS kapareha si Bae Yong Jun pero, si Kwon Sang-woo, ngayon lang nadiskubre ng Pinoy audience.
Nag-research kami sa Internet at ito ang nakuha naming informations. Hes 28 years old, born on August 5, 1976 and stands 6 ft. tall. Catholic ang papa ng bayan at ang Catholic name niyay Francisco Kwon. Noong 2001 siya nagsimulang mag-artista at seven TV dramas na ang nagawa and seven movies. Ang latest TV drama niyay Sad Sonata at sa mga publicity photos na nakita namin, may bigote siya.
Hindi sana magalit si dd_twdkob ng www. peyups.com dahil isinulat namin ang experience niya nang makita si Kwon Sang-woo nang mag-pictorial sa Boracay. Sobrang ingat daw ang staff na kasama ng Korean actor para hindi ito mabasa. Kaso, tumalon ito sa tubig mula sa bangka at naligo ng naka-damit.
Sikat talaga sina Kwon Sang-woo at Choi Ji-woo dahil nakasama sila sa list ng 100 Most Influential Korean entertainer ng March issue ng Screen Magazine. Number nine si KSW at number 22 si CJW. More info on them sa next naming column.
Nag-text sa amin si Lorna Tolentino at panoorin daw namin ang episode ng Extra Challenge ngayon. Kasama sa mga challenger sina Ralph at Renz Fernandez, mga anak nila ni Rudy Fernandez at kahapon yun nagsimula.
Sa Guimaras, Iloilo kinunan ang challenges na magkakapatid ang mga kasali. Natatawang ikinwento ni Paolo Bediones na na-late sa kanyang flight si Patrick Garcia kaya, habang wala pa itoy, si Mariel Rodriguez muna ang ipinareha kay Cheska Garcia.
Aliw din si Paolo sa Jaboom Twins na away daw nang away pero, agad ding nagkakabati. Pinaaabangan ni Paolo ang iba pang talents ng ABS-CBN na magi-guest sa Extra Challenge.
Nakausap na rin namin finally, si Kevin Santos, isa sa 10 Avengers ng StarStruck 2. Semi-regular sila sa SOP Gigsters at kung tama ang aming dinig, ipapasok din sila sa Sugo, ang telefantasy nina Richard Gutierrez, Nadine Samonte at Cogie Domingo.
Pinag-comment namin si Kevin sa tsikang binugbog siya ng kanyang ama nang ma-eliminate sa StarStruck. Nang dumating daw siya sa taping ng show, puro pasa ang mukha niya at may bukol pa sa noon.
"Hindi totoo yun. Naaksidente ako sa car ng friend ko kaya, may sugat ako sa ilong, siko at noo. Nalaman ng dad ko ang tsismis at nagulat siya. Hindi niya ako sinasaktan, kahit kurot di niya ginawa kahit noong maliit pa ako. Hindi ko alam kung sino ang pasimuno sa tsismis, dapat di nila ginawa yun. Kawawa naman ang dad ko," sabi ni Kevin.
Pasayaw-sayaw si Kevin sa SOP Gigsters pero, wish niyang mabigyan siya ng break sa drama. Todo na ang pagsu-showbis niya dahil bread winner siya ng kanyang pamilya. Ito ang dahilan kung bakit ayaw muna niyang manligaw.
"Hindi ko nga alam kung paano ako tutulong sa parents ko, manliligaw pa ako? Saka na ang lovelife," dagdag nitong pahayag.
Paano naman maitatago kung totoong dumadalaw si Oyo sa taping ng Darna? Saka, pag naka-shorts siyay nakikita ang tattoo niya sa right leg ng pangalan ni Angel. Kinukumpirma namin kung totoong nagpa-tattoo rin si Angel ng name ni Oyo at kung saang parte ng kanyang katawan.
Bale bay nagkasabay mag-guest sa Nuts Entertainment sina Angel at Nadine Samonte sa Cebu episode ng gag show. Nang tanungin si Angel ng initial ng guy na pipiliin niyang mahalin, letter Y ang ibinigay nitong initial at obvious kung sino ang gusto niyang tukuyin. Letter D naman ang binanggit ni Nadine at iniisip pa namin kung sino itot di naman pwedeng Diboy Ramirez. Nagpapatawa lang kami!
Crucial ang mga darating na araw lalo na sa loveteam nina Angel at Richard Gutierrez. Mabuti na lang at patapos na ang Mulawin pero, paano ang mga gagawin nilang pelikula gaya ng I Will Always Love You ng Regal Entertainment?
Dalawang rason kung bakit kinagigiliwan ang STH ay ang mga bida nitong sina Choi J-woo (Jodi) at Kwon Sang-woo (Cholo). Napanood na si Choi Ji-woo sa WS kapareha si Bae Yong Jun pero, si Kwon Sang-woo, ngayon lang nadiskubre ng Pinoy audience.
Nag-research kami sa Internet at ito ang nakuha naming informations. Hes 28 years old, born on August 5, 1976 and stands 6 ft. tall. Catholic ang papa ng bayan at ang Catholic name niyay Francisco Kwon. Noong 2001 siya nagsimulang mag-artista at seven TV dramas na ang nagawa and seven movies. Ang latest TV drama niyay Sad Sonata at sa mga publicity photos na nakita namin, may bigote siya.
Hindi sana magalit si dd_twdkob ng www. peyups.com dahil isinulat namin ang experience niya nang makita si Kwon Sang-woo nang mag-pictorial sa Boracay. Sobrang ingat daw ang staff na kasama ng Korean actor para hindi ito mabasa. Kaso, tumalon ito sa tubig mula sa bangka at naligo ng naka-damit.
Sikat talaga sina Kwon Sang-woo at Choi Ji-woo dahil nakasama sila sa list ng 100 Most Influential Korean entertainer ng March issue ng Screen Magazine. Number nine si KSW at number 22 si CJW. More info on them sa next naming column.
Sa Guimaras, Iloilo kinunan ang challenges na magkakapatid ang mga kasali. Natatawang ikinwento ni Paolo Bediones na na-late sa kanyang flight si Patrick Garcia kaya, habang wala pa itoy, si Mariel Rodriguez muna ang ipinareha kay Cheska Garcia.
Aliw din si Paolo sa Jaboom Twins na away daw nang away pero, agad ding nagkakabati. Pinaaabangan ni Paolo ang iba pang talents ng ABS-CBN na magi-guest sa Extra Challenge.
Pinag-comment namin si Kevin sa tsikang binugbog siya ng kanyang ama nang ma-eliminate sa StarStruck. Nang dumating daw siya sa taping ng show, puro pasa ang mukha niya at may bukol pa sa noon.
"Hindi totoo yun. Naaksidente ako sa car ng friend ko kaya, may sugat ako sa ilong, siko at noo. Nalaman ng dad ko ang tsismis at nagulat siya. Hindi niya ako sinasaktan, kahit kurot di niya ginawa kahit noong maliit pa ako. Hindi ko alam kung sino ang pasimuno sa tsismis, dapat di nila ginawa yun. Kawawa naman ang dad ko," sabi ni Kevin.
Pasayaw-sayaw si Kevin sa SOP Gigsters pero, wish niyang mabigyan siya ng break sa drama. Todo na ang pagsu-showbis niya dahil bread winner siya ng kanyang pamilya. Ito ang dahilan kung bakit ayaw muna niyang manligaw.
"Hindi ko nga alam kung paano ako tutulong sa parents ko, manliligaw pa ako? Saka na ang lovelife," dagdag nitong pahayag.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am