Mga artista rin ang kasosyo ni Ara Mina sa kanyang resto business
March 5, 2005 | 12:00am
May bago nang mga kasosyo si Ara Mina sa kanyang resto-bar business sa may Tomas Morato, ang Osteria Italia. Ang dalawa niyang business partners ay ang aktres na si Nadia Montenegro at isang non-showbiz family friend.
Pansamantalang isinara ni Ara ang kanyang restoran nung nakaraang Disyembre para ipa-renovate na inabot ng mahigit dalawang buwan. Nung Marso 3 ay muli itong binuksan sa publiko.
Kung dati-ratiy pawang mga Italian food lamang ang makakain sa Osteria, ngayon ay marami nang choices na mapagpipilian sa naturang resto/bar.
Bukod sa Osteria resto-bar ni Ara, may bubuksan din siyang bagong food toppings sa may Katipunan sa Quezon City, ang Bubble Gang Toppings kung saan niya mga kasosyo sina Michael V., Ogie Alcasid, Wendell Ramos, Antonio Aquitania at Boy2 Quizon. Itoy nakatakdang magbukas ngayong Abril. Nagtayo rin si Ara ng sarili niyang talent agency business, ang Posh Models na siyang nagpu-provide ng mga model talents for print at TV commercials. Mago-organize din ang kanyang kumpanya ng events. Aminado si Ara na talagang nakatutok siya ngayon sa kanyang mga negosyo dahil ito ang kanyang sasandalan pagdating ng araw na hindi na siya gaanong abala sa showbiz.
Samantala, inamin sa amin ni Ara na naka-recover na siya sa break-up nila ng kanyang ex-boyfriend na si Jomari Yllana na anim na buwan na ang nakakaraan. Although nagi-entertain siya ngayon ng mga bagong manliligaw, hindi pa raw siya handang umibig muli.
Magtatapos na sa buwang ito ang Mulawin pero nariyan pa rin ang Bubble Gang. In-demand din si Ara sa mga singing at personal appearances.
Ibinalita ng aming kaibigang concert producer sa London na si Annabelle Cueva (na siya ring franchise holder ng S Magazine sa Europe) na sold-out ang tatlong magkakahiwalay na concert ni Martin Nievera sa Europe na pinamagatang Amazing Nights in Europe na gaganapin ngayong Marso 19 sa Wembley Grand Hall sa London, Marso 20 sa Bridgewater Concert Hall sa Manchester at sa March 27 sa Palalottomatica 00100 Roma sa Rome.
Nung nakaraang August ay ang Show Philippines din ni Annabelle ang nagbigay ng dalawang sold-out concert ni Gary Valenciano sa London at sa Italy.
Balak din ng Show Philippines dalhin doon sa magkakahiwalay na concerts sina Sharon Cuneta, Pops Fernandez at Regine Velasquez.
Aktibo na naman ngayon ang ating kasamahan dito sa Pilipino Star Ngayon na si Nap Gutierrez sa pagma-manage ng talent. May bago siyang discovery ngayon, ang 20-year-old good looking guy na si Jorell Tan na graduating student ng Mechanical engineering sa Mapua.
Sa edad na 20, pwedeng mapagkamalang 16 o 17 lamang si Jorell na bagets pa rin ang hitsura hanggang ngayon. Ayon sa binata, 17 pa lamang siya ay gusto na niyang mag-showbiz pero gusto ng kanyang mga magulang na tapusin muna nito ang kanyang pag-aaral. Mahilig si Jorell kumanta, sumayaw at sa acting at nakatakda na siyang sumailalim ng voice lessons at acting workshop ngayong summer.
Malapit nang ipalabas ang unang TV commercial ni Jorell kung saan siya ang kapareha ng singer-actress-TV host na si Toni Gonzaga para sa Careline Cosmetics.
Pansamantalang isinara ni Ara ang kanyang restoran nung nakaraang Disyembre para ipa-renovate na inabot ng mahigit dalawang buwan. Nung Marso 3 ay muli itong binuksan sa publiko.
Kung dati-ratiy pawang mga Italian food lamang ang makakain sa Osteria, ngayon ay marami nang choices na mapagpipilian sa naturang resto/bar.
Bukod sa Osteria resto-bar ni Ara, may bubuksan din siyang bagong food toppings sa may Katipunan sa Quezon City, ang Bubble Gang Toppings kung saan niya mga kasosyo sina Michael V., Ogie Alcasid, Wendell Ramos, Antonio Aquitania at Boy2 Quizon. Itoy nakatakdang magbukas ngayong Abril. Nagtayo rin si Ara ng sarili niyang talent agency business, ang Posh Models na siyang nagpu-provide ng mga model talents for print at TV commercials. Mago-organize din ang kanyang kumpanya ng events. Aminado si Ara na talagang nakatutok siya ngayon sa kanyang mga negosyo dahil ito ang kanyang sasandalan pagdating ng araw na hindi na siya gaanong abala sa showbiz.
Samantala, inamin sa amin ni Ara na naka-recover na siya sa break-up nila ng kanyang ex-boyfriend na si Jomari Yllana na anim na buwan na ang nakakaraan. Although nagi-entertain siya ngayon ng mga bagong manliligaw, hindi pa raw siya handang umibig muli.
Magtatapos na sa buwang ito ang Mulawin pero nariyan pa rin ang Bubble Gang. In-demand din si Ara sa mga singing at personal appearances.
Nung nakaraang August ay ang Show Philippines din ni Annabelle ang nagbigay ng dalawang sold-out concert ni Gary Valenciano sa London at sa Italy.
Balak din ng Show Philippines dalhin doon sa magkakahiwalay na concerts sina Sharon Cuneta, Pops Fernandez at Regine Velasquez.
Sa edad na 20, pwedeng mapagkamalang 16 o 17 lamang si Jorell na bagets pa rin ang hitsura hanggang ngayon. Ayon sa binata, 17 pa lamang siya ay gusto na niyang mag-showbiz pero gusto ng kanyang mga magulang na tapusin muna nito ang kanyang pag-aaral. Mahilig si Jorell kumanta, sumayaw at sa acting at nakatakda na siyang sumailalim ng voice lessons at acting workshop ngayong summer.
Malapit nang ipalabas ang unang TV commercial ni Jorell kung saan siya ang kapareha ng singer-actress-TV host na si Toni Gonzaga para sa Careline Cosmetics.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended