^

PSN Showbiz

Regine, kakanta ng theme song ng 'Darna'

-
Si Regine Velasquez pala ang kakanta ng theme song ng Darna ni Angel Locsin na nakatakda nang ipalabas sa March 14, kung hindi babaguhin ang plano.

Nu’ng Miyerkules ng gabi ay nag-recording na si Regine ng awiting likha ni Jay Durias ng South Border na ginanap sa Teacher’s Village.

Excited nga ang staff na nakausap namin dahil maganda raw ang theme song.

Naalala namin, si Regine rin ang kumanta ng theme song ng pelikulang Captain Barbell ni Bong Revilla, Jr. sa Viva Films two years ago na may titulong Sa Piling Ko na likha naman ni Ogie Alcasid.

And speaking of Angel Locsin, lagare ito sa taping ng Darna at Mulawin na ilang araw na lang mapapanood kaya patang-pata ang aktres dahil ilang oras na lang pala ang itinutulog nito.

Buti na lang at nagkaroon siya ng libreng araw kahapon Huwebes para muling ipatingin ang mata sa opthalmologist kung ipapa-laser ito dahil mataas daw ang grado nito.

At habang papalapit ang launching ng Darna ay mahigpit daw na bilin ng GMA management na huwag pag-usapan ang tungkol sa sex video ni Angel dahil hindi naman daw ito makakatulong sa promo ng Darna at higit sa lahat, hindi naman true ang naturang sex video.

"Ganun talaga pag sikat, sinisira," saad ng taga-Siyete. — Reggee Bonoan

ANGEL LOCSIN

BONG REVILLA

CAPTAIN BARBELL

DARNA

JAY DURIAS

OGIE ALCASID

REGGEE BONOAN

REGINE VELASQUEZ

SA PILING KO

SOUTH BORDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with