^

PSN Showbiz

Si Iza ang nagpakilala kina Sunshine at sa non-showbiz bf nito ngayon

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Best friends talaga sina Iza Calzado at Sunshine Dizon dahil pati sa kanilang love life, may connection sila. Si Iza ang nagpakilala kay Sunshine sa non-showbiz boyfriend nito ngayon at kasama naman ni Sunshine sa Love to Love si Brad Turvey, ang bagong nali-link kay Iza.

Siguro naman, napag-uusapan nina Sunshine at Brad si Iza kahit nagdi-deny ang dalaga na siya ang apple of the eye ni Brad ngayon at ipapalit kay Pops Fernandez. Nahahalatang special kay Iza ang ex ni Pops dahil kumikislap ang mga mata nito tuwing nababanggit ang name ni Brad.

Kung manliligaw ba sa kanya si Brad (kung hindi pa niya boyfriend), sasagutin ba niya?

"Ayokong magsalita ng tapos. Ayokong kinakain ang salita ko pero, hindi naman siya nanliligaw. Paano ko siya sasagutin? Friends lang talaga kami at kaya lang kami natsitsismis dahil pareho kaming loveless," paliwanag ni Iza.

Tawa rin ang sagot ni Iza kung magi-guest si Brad sa 3R, ang Sunday show ng GMA-7 na iho-host niya kasama sina Chynna Ortaleza at Bettinna Carlos. This Sunday na ang simula nila at malay natin at lumabas nga si Brad sa mga susunod na episode.
* * *
Hindi magkatugma ang laman ng e-mail na ipinadala ng Star Magic ng ABS-CBN bilang depensa kay Baron Geisler sa kinasangkutang banggaan sa narinig naming rason kung bakit mukha siyang lango nang mahuli, makunan ng camera at imbestigahan ng pulis.

Sabi sa e-mail, inamin ni Baron na nakainom siya that time, February 2 pero ilang bote lang at hindi siya gumamit ng droga. Willing itong magpa-drug test para patunayang hindi siya drug user. Nagso-sorry si Baron sa mga na-turn off sa kanya.

Pero, may nagkuwento sa aming hindi lasing ang actor at mukha lang lasing dahil nagti-take ng anti-depressant pill. May kinalaman yata sa career ang ikinadi-depress nito’t sa interview namin sa kanya’y nakiusap na isulat siya para mapansin ng Ch. 2 at mabigyan ng regular TV show.

Anyway, ang importante ay nakita ni Baron ang kanyang pagkakamali and hopefully, hindi na uulitin. Saka, kung gusto niyang bumaba ng sasakyan para dyumingle, magpaalam siya ng mahusay sa kanyang driver at ‘wag aagawin ang manibela’t mababangga nga sila.
* * *
br>Hindi namin maintindihan kung bakit itinatanggi ng isang sexy star sa actor na nali-link sa kanya na gumawa siya ng bold movies. Ayaw kaya nitong malaman nang pino-project maging boyfriend na naghubad siya sa pelikula? Mabuti na lang at hindi kumita ang dalawang pelikulang ginawa niya kaya, naki-carry niyang mag-deny.

Nagkakilala ang sexy star at gwapong actor sa isang gimikan at agad nitong natipuhan ang binata. May feeling din ang actor na ang sexy star ang nagkukwento sa mga kaibigang reporter na lumalabas sila’t agad nasulat ‘yun. Pinalabas pang silang dalawa lang ang gumimik gayong, group date pala ‘yun.

Iniiwasan na ng actor ang sexy actress dahil ayaw niyang ma-involve sa iba pa nitong kagimikan at hindi dahil gumawa ito ng bold movies.
* * *
Four-part episode ang mapapanood sa Wansapanataym this February. Bida si Japoy Lizardo sa episode na D’ Supers bilang isang superhero na kayang gawing yelo ang tubig at ipa-evaporate para maging hangin. Makakalaban niya si Black Widow (Meryll Soriano) na kumukuha ng power kina Ays (Japoy) para manatiling bata.

Si Wenn Deramas ang director ng kakaibang episode na nagtatampok din kina Rica Peralejo, Carlos Morales, Marco Alcaraz, Andrea Nicole Guck at Jackielou Blanco. Kung mag-klik ang episode, baka raw ma-extend, lalo’t hindi pa plantsado ang Kamao, ang ipapalit na show ng ABS-CBN sa Wansa.

ANDREA NICOLE GUCK

AYOKONG

BARON GEISLER

BETTINNA CARLOS

BLACK WIDOW

BRAD

IZA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with