Daboy, papalitan si Edu sa Optical Media Board?
February 6, 2005 | 12:00am
Matagal naming nakausap si Sen. Bong Revilla Jr. sa set ng Idol Ko Si Kap tungkol sa taxation na pumapatay sa movie industry. Bilang chairman ng public information and mass media, gusto nitong matulungan ang mga prodyuser sa problemang ito. Para maengganyo silang gumawa pa ng pelikula.
Iminungkahi ni Sen. Bong ang pagpapasa ng batas tungkol sa tax holiday. "Mahabang proseso pa ito and it will take a long time bago maaprubahan ito sa Senado pero kailangang makipagtulungan ang mga mayor at governor para malutas ang problema," aniya.
Ano ang reaksyon nito sa sinabi ni Atty. Espiridion Laxa at ng ilang taga-industriya na mas epektibo siyang chairman ng Optical Media Board?
"May kanya-kanya kami ng style sa paghuli sa mga pirata. Continuous ang ginagawa kong pag-raid noon. Blow by blow ika nga. Kapag nakatanggap kami ng tip ay walang nakakalusot dahil sa isang area lang sa isang araw ay binabalik-balikan namin ang pagri-raid. Marami kasi silang stock na nakatago. Maglalabas muna sila ng ilan at kapag na-raid ay maglalabas uli sila at uulitin na naman ito. Kaya kami strike one, two and three ang ginagawa namin. Okey naman si Edu kaya lang, gusto kong gumalaw pa siya para tuluyang masugpo ang piracy na siyang pumapatay sa movie industry."
Malakas ang bulung-bulungan na si Rudy Fernandez ang papalit sa pwesto ni Chairman Edu sa Optical Media Board.
"Kahit sino naman ay pwede bastat malaki ang ang malasakit sa industriya," pagtatapos pa nito.
Hindi nababahala si Maureen Larrazabal sa kumakalat na nude photos nito sa cellphone at internet.
Nag-topless ito sa pelikulang Crocodile at marahil ito ang ginagamit sa internet at cellphone.
Sa kabilang banda, may sexy pictorial ito na gagawin sa Indonesia.
Bihira ang nakakaalam na may magandang boses si Mau kaya makakasama rin sa isang show sa US.
Natawa kami sa kwento ni Teri Onor tungkol sa sobrang pagi-idolo ng kanyang ina kay Nora Aunor.
"Nanood po siya ng movie ni Ate Guy noong 1973 kahit humihilab na ang kanyang tiyan. Lumabas po ito ng sinehan nang hindi na niya matiis ang sakit at nanganak sa ospital na kalapit ng sinehan.
"Noong bata pa ako ay kamukhang-kamukha ko raw ang superstar dahil sa kanya ako ipinaglihi ni Inay," ani Teri.
Bunso sa pitong magkakapatid si Teri (Lexter Dominguez). Nasa 5th year na siya ng Computer Engineering nang magsimulang mag-showbiz. Excited nga si Teri dahil tatanggap ito ng Best Alumni Award sa larangan ng Entertainment ngayong Pebrero 12 sa Adamson.
Noong una ay imbyerna ang mga kapatid nitong lalaki sa pagiging bading niya pero nang sumikat ay sinuportahan na siya ng mga ito. Magaling itong umarte dahil produkto siya ng teatro-Bulwagang Gantimpala. Sa dami ng shows nito gaya ng Lagot Ka, Isusumbong Kita, Eat Bulaga, S-Files at Love To Love 6 ay nakapagpundar na ito ng kabuhayan gaya ng rent-to-own townhouse at nakakatulong pa sa pamilya. Isa pa, kapag umuuwi ito sa kanilang lalawigan sa Balanga, Bataan ay very proud ang kanyang mga kababayan dun sa kanya.
"Makati pa sa gabi" ang isang isang aktor na lumabas din sa sexy movie noon. Kahit nasa katanghalian na ang edad nito ay inamin niyang mainit pa rin siya pagdating sa sex. "Kailangang araw-araw ay nakikipag-sex ako dahil parang bitamina ito sa akin," sey niya.
Iminungkahi ni Sen. Bong ang pagpapasa ng batas tungkol sa tax holiday. "Mahabang proseso pa ito and it will take a long time bago maaprubahan ito sa Senado pero kailangang makipagtulungan ang mga mayor at governor para malutas ang problema," aniya.
Ano ang reaksyon nito sa sinabi ni Atty. Espiridion Laxa at ng ilang taga-industriya na mas epektibo siyang chairman ng Optical Media Board?
"May kanya-kanya kami ng style sa paghuli sa mga pirata. Continuous ang ginagawa kong pag-raid noon. Blow by blow ika nga. Kapag nakatanggap kami ng tip ay walang nakakalusot dahil sa isang area lang sa isang araw ay binabalik-balikan namin ang pagri-raid. Marami kasi silang stock na nakatago. Maglalabas muna sila ng ilan at kapag na-raid ay maglalabas uli sila at uulitin na naman ito. Kaya kami strike one, two and three ang ginagawa namin. Okey naman si Edu kaya lang, gusto kong gumalaw pa siya para tuluyang masugpo ang piracy na siyang pumapatay sa movie industry."
Malakas ang bulung-bulungan na si Rudy Fernandez ang papalit sa pwesto ni Chairman Edu sa Optical Media Board.
"Kahit sino naman ay pwede bastat malaki ang ang malasakit sa industriya," pagtatapos pa nito.
Nag-topless ito sa pelikulang Crocodile at marahil ito ang ginagamit sa internet at cellphone.
Sa kabilang banda, may sexy pictorial ito na gagawin sa Indonesia.
Bihira ang nakakaalam na may magandang boses si Mau kaya makakasama rin sa isang show sa US.
"Nanood po siya ng movie ni Ate Guy noong 1973 kahit humihilab na ang kanyang tiyan. Lumabas po ito ng sinehan nang hindi na niya matiis ang sakit at nanganak sa ospital na kalapit ng sinehan.
"Noong bata pa ako ay kamukhang-kamukha ko raw ang superstar dahil sa kanya ako ipinaglihi ni Inay," ani Teri.
Bunso sa pitong magkakapatid si Teri (Lexter Dominguez). Nasa 5th year na siya ng Computer Engineering nang magsimulang mag-showbiz. Excited nga si Teri dahil tatanggap ito ng Best Alumni Award sa larangan ng Entertainment ngayong Pebrero 12 sa Adamson.
Noong una ay imbyerna ang mga kapatid nitong lalaki sa pagiging bading niya pero nang sumikat ay sinuportahan na siya ng mga ito. Magaling itong umarte dahil produkto siya ng teatro-Bulwagang Gantimpala. Sa dami ng shows nito gaya ng Lagot Ka, Isusumbong Kita, Eat Bulaga, S-Files at Love To Love 6 ay nakapagpundar na ito ng kabuhayan gaya ng rent-to-own townhouse at nakakatulong pa sa pamilya. Isa pa, kapag umuuwi ito sa kanilang lalawigan sa Balanga, Bataan ay very proud ang kanyang mga kababayan dun sa kanya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended