Fiesta Pasiklab ng Kyusi
February 6, 2005 | 12:00am
Aba, mukhang magiging mas masaya ang pagdating ng summer o tag-araw sa mga taga-Lungsod Quezon. Magsisilbing host ang Quezon City sa Fiesta Pasiklab, isang cultural at trade exposition at theme park na magbibigay ng kasiyahan sa buong pamilya.
Ang pinaka-sentro ng pagdiriwang na magsisimula sa unang araw ng Abril ay matatagpuan sa Commonwealth, QC ay ang pagpapalabas ng 12 popular na festival sa bansa sa iisang lugar lamang: Ati-Åtihan ng Kalibo Aklan, Higantes ng Angono, Rizal, Dinagyang ng Iloilo, Kadayawan ng Davao, Hermosa ng Zamboanga, Maskara ng Bacolod, Pahiyas ng Lucban, Pintados ng Tacloban, Parada ng Lechon ng Balayan, Sinulog ng Cebu, Peñafrancia ng Naga at Viva Vigan ng Ilocos Sur.
Bilang pagsisimula ng kapistahan, tatangkain ng Fiesta Pasiklab sa pakikipagtulungan ng QC local government sa pamumuno ni Mayor Feliciano Belmonte na makagawa ng isang bagong record sa Guinness Book of World Record ng pinaka-mahabang banderitas sa Marso 27. Magsisimula ito sa Fiesta Pasiklab at tatangkaing paikutan ang maraming lugar sa Kyusi.
Magkakaroon din ng maraming aktibidades sa QC sa panahong ito, tulad ng trade fair, search for the most radiant festival queen, scenic rides around QC sa pamamagitan ng kalesa, amateur dance, band, and singing contests, recitals at marami pang iba. Magkakaron din ng live orchestra performance, fireworks display, float parade at lights and sound parade.
Binuksan na ng GMA Artist Center ang kanilang pintuan sa publiko. Tumatanggap na sila ngayon ng mga enrollees sa mga workshops tulad ng katatapos pa lamang na Acting Workshop for Film and TV. Ang mga ibibigay na workshop ay magkakaron ng culminating activity na kung saan agad nilang maipapakita ang mga natutunan nila sa pag-arte.
Ang mga graduates ng unang Film and TV acting workshop ay isinama sa isang digital film trilogy Kilig... Pintig...Yanig...sa direksyon ng mga kilalang direktor na tulad nina Carlitos Siguion Reyna, Mark Reyes at Rahyan Carlos. Nagkaron ito ng red carpet premiere nung Enero 31, Cinema 2, Glorietta 1, Ayala Center na kung saan tinanggap din ng mga graduates ang kanilang certificates at gift packs.
Sa nasabi ring pelikula, nakita kung gaano kakumpleto ang training na makukuha sa GMAAC Acting Workshops.
Ang pinaka-sentro ng pagdiriwang na magsisimula sa unang araw ng Abril ay matatagpuan sa Commonwealth, QC ay ang pagpapalabas ng 12 popular na festival sa bansa sa iisang lugar lamang: Ati-Åtihan ng Kalibo Aklan, Higantes ng Angono, Rizal, Dinagyang ng Iloilo, Kadayawan ng Davao, Hermosa ng Zamboanga, Maskara ng Bacolod, Pahiyas ng Lucban, Pintados ng Tacloban, Parada ng Lechon ng Balayan, Sinulog ng Cebu, Peñafrancia ng Naga at Viva Vigan ng Ilocos Sur.
Bilang pagsisimula ng kapistahan, tatangkain ng Fiesta Pasiklab sa pakikipagtulungan ng QC local government sa pamumuno ni Mayor Feliciano Belmonte na makagawa ng isang bagong record sa Guinness Book of World Record ng pinaka-mahabang banderitas sa Marso 27. Magsisimula ito sa Fiesta Pasiklab at tatangkaing paikutan ang maraming lugar sa Kyusi.
Magkakaroon din ng maraming aktibidades sa QC sa panahong ito, tulad ng trade fair, search for the most radiant festival queen, scenic rides around QC sa pamamagitan ng kalesa, amateur dance, band, and singing contests, recitals at marami pang iba. Magkakaron din ng live orchestra performance, fireworks display, float parade at lights and sound parade.
Ang mga graduates ng unang Film and TV acting workshop ay isinama sa isang digital film trilogy Kilig... Pintig...Yanig...sa direksyon ng mga kilalang direktor na tulad nina Carlitos Siguion Reyna, Mark Reyes at Rahyan Carlos. Nagkaron ito ng red carpet premiere nung Enero 31, Cinema 2, Glorietta 1, Ayala Center na kung saan tinanggap din ng mga graduates ang kanilang certificates at gift packs.
Sa nasabi ring pelikula, nakita kung gaano kakumpleto ang training na makukuha sa GMAAC Acting Workshops.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended