^

PSN Showbiz

Sa halip na maging doktor, naging direktor

RATED A - Aster Amoyo -
Ilang araw na lang ang hihintayin at huhusgahan na ng moviegoing public ang dalawang magkasabay na Valentine offering ng Star Cinema at GMA Films, ang Dreamboy at Let the Love Begin na magsisimula nang mapanood ngayong Pebrero 9.

Marami pa rin talaga ang curious kung alin sa dalawang pelikula ang mas papaboran ng mga manonood lalupa’t pareho ang target market ng dalawang pelikula, ang mga kabataan.  Pareho rin ang genre ng dalawang pelikula, feel-good romantic movie.

Sina Piolo Pascual at Bea Alonzo ang mga pangunahing bituin ng Dreamboy na dinirek ni Gilbert Perez habang sina Richard Gutierrez at Angel Locsin naman ang mga bida sa Let The Love Begin na dinirek ni Mac Alejandre.

Ang wish lang namin na sana’y parehong pumatok sa takilya ang dalawang pelikula dahil hindi lamang ito makabubuti sa mga producers at stars ng dalawang magkahiwalay na pelikula kundi para na rin sa  industriya ng pelikulang Pilipino na hanggang ngayon ay hindi pa rin  nakakabawi.
* * *
Hindi ikinakaila ng director na si Mac Alejandre na ang ABS-CBN ang nagbigay sa kanya ng break sa TV directing sa pamamagitan ng Maalaala Mo Kaya nung 1991 at ang Viva Films naman ang nagbigay sa kanyang ng pagkakataon na magdirek sa pelikula sa pamamagitan ng Campus Girls nung 1994.  Pero as early as 1982 ay nagdidirek na rin siya ng mga short films na inabot hanggang 1982.

Gusto siyang maging doctor ng kanyang ina pero naging isang kilalang TV-movie at commercial director na malayo sa kursong kanyang tinapos,  Bachelor of Science in Industrial Pharmacy sa U.P.  Pangarap sana ng ina ni Direk Mac na ituloy niya ang kanyang kurso sa medicine pero pagka-graduate niya ng Pharmacy ay tumigil na siya at ang kanyang sariling interes na ang kanyang sinunod.

Inabot din si Direk Mac ng isang taon at kalahati sa pagdidirek sa TV nang bigyan siya ng Viva Films ng break na idirek ang Campus Girls nina Donna Cruz, Geneva Cruz at Donita Rose. Sa telebisyon, unang break naman niya ang isang episode ng Maalaala Mo Kaya na pinamagatang Block 13 Lot 7 kung saan sina Nora Aunor, Juan Rodrigo at Rina Reyes ang mga tampok na bituin.  Magmula noon ay naging resident director na siya ng ABS-CBN sa iba pa nitong mga drama programs. 

Nang mag-freelance si Direk Mac, kinuha naman siya ng GMA-7 para magdirek ng youth oriented programs ng network at nakagawa rin siya ng pelikula sa Seiko Films, ang Liberated 2.  Nakagawa rin siya ng pelikula sa Regal Films, ang Singles at balik Viva siya sa Lastikman.  Kaya noong isang taon ay nakagawa siya ng tatlong pelikula samantalang marami sa ating mga movie directors ang jobless.  Siya rin ang direktor ngayon ng Joyride ng GMA at first movie project naman niya sa taong ito ang comeback movie ng GMA Films, Let The Love Begin.

Ang wish nga ni Direk Mac ay magkaroon ng sapat na pera ang mga manonood na parehong mapanood ang Let The Love Begin at Dreamboy.
* * *
Personal:  Belated birthday greetings sa aking  matalik na kaibigan at kumareng si Dulce Lukban at ang aking big boss na si Koji Miyashita nung nakaraang Pebrero 3.
* * *
Email: <[email protected]>

CAMPUS GIRLS

DIREK MAC

DREAMBOY

MAALAALA MO KAYA

MAC ALEJANDRE

PELIKULA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with