^

PSN Showbiz

MTB: Ang Saya Saya hanggang Enero 2005 na lang,papalitan ng solo nootime show ni Willie Revillame

-
Nagsimula na kahapon, December 25 ang Metro Manila Film Festival 2004 at base sa ginawa naming paglilibot ay nangunguna sa takilya ang Lastikman ng Viva Films at Enteng Kabisote ng M-Zet at OctoArts Films, sinundan ng Aishite Imasu at Mano Po 3 ng Regal Entertainment pangatlo ang Sigaw, Happy Together at Spirit of the Glass at kulelat ang Panaghoy sa Suba.

Maganda ang resulta sa unang araw ng MMFF 2004 dahil pami-pamilya ang mga nanood at puno rin ang mga kainan.

Sad to say, hindi gaanong puno ang Disney On Ice Presents Princess Classics sa Araneta Coliseum. Sayang maganda pa naman ito sa mga bagets.
* * *
Nagulat kami sa kwento mismo ng taga-Dos na nagkaroon pala ng Christmas party ang sitcom na Tanging Ina last December 15, pero wala raw ang bida ng sitcom na si Aiai de las Alas.

Katwiran ng staff ay tila hindi raw nasabihan ng executive producer si Aiai at tila wala raw sa bansa ang comedy concert queen dahil may show ito sa Amerika kasama si Piolo Pascual.

Say namin sa taga-Dos, bakit itinuloy pa rin ang naturang party gayung wala pala ang bida nila, di ba’t malaking insulto naman yon on the part of Aiai dahil siya ang bida sa Tanging Ina tapos siya pa ang wala?

Di kaya pinagkaisahan ng staff ang komedyante at hindi siya isinama dahil ang pagkaalam namin ay nasa Pilipinas na siya that time?

Anyway, sinubukan naming tawagan si Aiai para hingan ng comment pero mukhang busy ito dahil walang sumasagot sa cellphone niya.

Kumpirmadong hanggang katapusan na lang ng Enero 2005 ang MTB: Ang Saya Saya dahil papalit na ang solong noontime show ni Willie Revillame.

Dagdag pa na magiging back-to-back ang show nina Willie at Kris Aquino na Pilipinas, Game Ka Na Ba? Samantala, ang Morning Star ay mawawala na rin at as of presstime ay programa nina Aiai de las Alas at Arnell Ignacio ang ipapalit.

Balita ring magri-reformat ang Magandang Umaga Bayan next month (January) dahil hindi na rin daw ito gaanong nagri-rate at natatalo na ng Unang Hirit.

Marami raw staff at host ng MTB ang papalitan, ayon sa staff mismo ng MTB kapag nag-take over na uli si Jake Maderazo na siyang nag-umpisa ng programa.

As of now kasi ay bisi-bisihan pa si Jake as direktor ng News programs ng Dos. – Reggee Bonoan

AIAI

AISHITE IMASU

ANG SAYA SAYA

ARANETA COLISEUM

ARNELL IGNACIO

DAHIL

DISNEY ON ICE PRESENTS PRINCESS CLASSICS

ENTENG KABISOTE

GAME KA NA BA

TANGING INA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with