LT, ayaw marinig ang name ni Osang
December 26, 2004 | 12:00am
Ayaw mag-comment ni Ms. Lorna Tolentino sa pinasabog ng manager niyang si Nay Lolit Solis na naging close sina Rudy Fernandez at Rosanna Roces nung time ng sitcom nilang Daboy and Da Girl.
Sa kabilang istasyon na kung saan nag-guest si Rosanna ay idininay nito ang isyung may relasyon sila, tinutulungan lang daw siyang mag-grocery ni Daboy.
Nangingiting naiiling naman si Ms. Lorna nang aming makausap at say lang niya, "Hindi lang naman kasi sa kanya close si Rudy, kay Tito Molina rin ata" na sinundan namin ng "magkasama kasi sila sa target shooting".
"Hanggat hindi nakikita ng dalawang mata ko, hindi ako naniniwala at maski na anong tsismis, hindi ako naniniwala unless si Rudy mismo ang magsabi," magandang pahayag ni LT.
Tinanong din namin si Lorna tungkol sa biro niyang "Baka may ipinaggo-grocery pa" nung nasa Arlington sila para kay Da King. Hinanap si Rudy dahil siya na lang daw ang hinihintay.
"Biro ko lang yun, huwag nyo nang seryosohin pa," nangingiti uli niyang sambit na halatang gusto pang magkwento, pero nagpigil dahil baka kung ano ang maisulat namin.
Aliw na aliw naman kami dahil habang tinatanong namin siya ay never naming binanggit ang name ni Osang at ang say ni LT "I love you for that, hindi mo talaga binabanggit ang name". Therefore, ayaw marinig ni Lorna ang name ng sexy star. Reggee Bonoan

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended