^

PSN Showbiz

Comedy Kapamilya sa Pasko

-
Para sa ating mga Pinoy, wala na talagang mas sasaya pa sa Paskong kasama natin ang ating mga minamahal na mga Kapamilya.

Kaya naman sa pinakabagong Kapamilya Comedy Station ID, na idinirek ni John D. Lazatin, pinapaalala at ipinapakita na kahit gaano kalaki ang problemang kinakailangan nating harapin, basta nandiyan ang ating mga kapamilya, walang rason para ‘di matuloy ang Pasko.

Kumpleto ang buong pamilya ng ABS-CBN comedy shows na nakiisa sa selebrasyong ito na pinangunahan ng pinakamalaking mga pangalan sa Philippine showbiz tulad nina Maricel Soriano, Aiai delas Alas, Cesar Montano, Aga Muhlach, Edu Manzano, Bayani Agbayani, Vhong Navarro, Roderick Paulate, Gloria Romero, Nova Villa at ang nag-iisang Hari ng Komedya, si Dolphy.

Sa tulong ng ID theme song na "Ituloy ang Pasko" ng Akafellas, ipinakita sa plug na ito ang iba’t ibang preparasyon na sama-samang ginagawa ng pamilyang Pilipino para gawing tunay na masaya ang panahong ito.

Kaya Kapamilya, wag kang malumbay ngayong Pasko dahil kahit na ano ang mangyari, hindi ka iiwan ng inyong Kapamilya Comedy. Sige na, ngiti na. "Ituloy na natin ang masayang Pasko, Kapamilya."

vuukle comment

AGA MUHLACH

BAYANI AGBAYANI

CESAR MONTANO

EDU MANZANO

GLORIA ROMERO

ITULOY

JOHN D

KAPAMILYA

KAPAMILYA COMEDY

PASKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with