2004, masuswerteng taon kay Sarah
December 20, 2004 | 12:00am
Kung swerte, blessing at achievement ang pag-uusapan, no doubt na isa si Sarah Geronimo ang maraming natanggap sa pagtatapos ng 2004.
As in sa kanyang edad na 16, certified complete entertainer na siya - in terms of singing and acting. Napatunayan niya na magaling siyang artista sa Sarah: The Teen Princess na napanood ng two seasons sa ABS-CBN. Hindi lang ordinaryong character ang ginampanan niya sa nasabing teleserye. Umiiyak, kumakanta, sumasayaw at nagdadrama. Pero with flying colors, nagawa niyang lahat yun.
Maging sa pagpapatawa ay nag-shine din siya nang mag-guest sa OK Fine Whatever, nakipagsabayan siya sa pagpapatawa kina Aga Muhlach, Bayani Agbayani and Edu Manzano. At sa pagho-host, walang dudang nalampasan din niya. Nang mag-host sa Morning Star ang Night of the Champions, naging impressive ang performance ng grupo nila Sarah, Mark Bautista, Rachelle Ann Go, Christian Bautista and Erik Santos.
Maging sa ASAPMania ay pansin na pansin ang pagho-host niya. Part din ang grupo nila ng Champion Showdown sa ASAP every Sunday.At kung sobra-sobra ang mga natanggap niya sa pagiging actress and host, umaapaw din ang natanggap niya bilang singer. Tumanggap ng quadruple platinum ang kanyang first album ang "Popstar" under Viva Records. Ilang kanta ang nag-hit sa nasabing album. Una na rito ang "Forevers Not Enough," "To Love You More," "Sa Iyo" at iba pa.
Samantala, nakakailang linggo pa lang ang kanyang second album, ang "Sweet Sixteen" na hindi pa man lumalabas sa market ay no. 1 na sa mga FM stations at music video channel, ang carrier single niyang "How Could You Say You Love Me." After a month, gold na ito, meaning bumenta na ito ng 15,000 pieces.
Pagdating naman sa concert scene, tatlong beses napuno ng grupo ni Sarah ang Araneta Coliseum. Una sa Night of the Champions. Pero hindi nasiyahan sa isa kaya nagkaroon ng repeat.
Pinuri at nakita kung gaano kataas ang boses ni Sarah sa nasabing concert. Dahil pinalabas sa The Filipino Channel sa ABS-CBN, agad silang kinontrata para sa series of concerts sa Amerika. Walong State sa Amerika ang pinuntahan nila. Si Boss Vic del Rosario ang mismong naka-witness kung paano si Sarah pinagkaguluhan at isigaw ang pangalan sa lahat ng puntahan nilang lugar sa Amerika. Malaki ang naitulong ng TFC para makilala siya nang husto - sa Sarah The Teen Princess.
Ngayong 2004 din siya nakatanggap ng pagkilala sa Awit Awards and Aliw Awards para sa kanyang first album. Sarah was chosen as the Most Promising Female Artist in the Aliw Awards. "It was my first Aliw Award and I wasnt there to receive it. But thats all right. The important thing is the recognition they gave me."Sarah also won in the 17th Awit Awards for Song of the Year and Best Performance by a Female Recording Artist for "Forevers Not Enough."
Pagdating naman sa endorsement, hindi nagpahuli ang Teen Princess. Katatapos lang niyang i-renew ang contract niya sa Jollibee. Ganoon din sa Charmee at ngayon ay ang Pacific Internet Surf Maxx na provider ng kanyang official website - sarahgeronimo.com.ph.
At bago matapos ang taon, sa pelikula naka-concentrate si Sarah, ang Lastikman kasama si Mark Bautista, ang official entry ng Viva Films sa darating na Metro Manila Film Festival.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended