Katya, naglalasing para di maalala ang namayapang boyfriend!
December 5, 2004 | 12:00am
Malungkot pa si Katya Santos nang makausap ko sa rehearsal ng Hipo, ang kanyang sex comedy stage play na mapapanood sa December 10 & 11 sa Music Museum.
Hindi ko naman siya masisisi, kalilibing lamang ng kanyang boyfriend of two years na namatay dahil nakuryente habang nagbabakasyon sa isang resort kasama ang tatlong kaibigan. Nagpapahinga lamang ito matapos na ma-trauma sa isang car accident na kinasangkutan nito na kung saan ay tinahi ang kanyang braso. Dalawamput apat na taon lamang ito. Dapat ay kasama si Katya sa nasabing bakasyon pero, marami itong trabaho na hindi maiwan.
Hindi pa nakaka-recover si Katya sa pagkamatay nito. Para makalimot ay nilulunod niya ang kanyang sarili sa trabaho at umiinom dahil kapag nalalasing siya ay nakakatulog siyat nakakalimutan ang nangyari.
Sa Hipo, pumayag na si Katya na mag-all the way dahil nakita niya na kailangan ang eksena sa istorya. Pero ang mga lalaking kasama sa play including her leading man, Allen Dizon, ay kinukumbinsi pa to do the same. Tingnan natin kung makukumbinsi sila dahil kapag nagkataon, tipak ang mga manonood ng Hipo na nasa direksyon ng magaling na si Soxie Topacio.
May bagong myembro ang grupong Jeremiah na ngayon ay Jeremiah 11 na o J-11. Napalitan na ang myembro pero na-retain sina Larry Hermoso at Victor Acosta ng CREWorks ASIA.
Si Larry ang kilalang songwriter/composer ng mga hit songs na "Nanghihinayang" at "Bakit Nga Ba Mahal Kita" samantalang si Victor (aka Shaun) na isa sa mga bokalista ng grupo ay isa ring ramp model sa Cebu. Dati rin siyang Mr. University-Phils 2003 title holder.
Pawang mga dating modelo rin ang iba pang myembro gaya nina Ice Ace, Jamil, Denzel, Justin, Zach at Jason.
Naririnig na sa mga radio stations nationwide ang kanilang first single na "Hindi Na Kita Maabot. Walo pa ang kailangang tapusin na kanta in preparation for the formal launching of the CD album.
Di pa sila nailulunsad pero, kabi-kabila na ang kanilang imbitasyon. Sa Dec. 7 ay invited silang mag-perform sa town fiesta ng Urdaneta City; Dec. 8 sa an- niversary ng YES-FM sa Marikina; Dec. 23 Radio City-FM sa LCC Mall Legaspi City; January 6-Rizal Town ng Laguna at Jan. 15 & 26 sa Cebu City.
Pwede silang makontak sa 7152500 at 0920-7227760.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended