^

PSN Showbiz

Regine, gustong mag-Piolo muna kung may gagawing iba sina Aga at Juday

- Veronica R. Samio -
Si Piolo Pascual ang susunod na gustong makapareha ni Regine Velasquez sa pelikula. Bagaman at may kahirapan itong magkaro’n ng katuparan sapagkat exclusive si Regine sa Viva Films at si Piolo naman ay contract star ng Star Cinema, sinabi ng Asia’s Songbird na gagawin niya ang lahat ng paraan para matuloy ito. "Malapit nang matapos ang contract ko sa Viva kaya may possibility ito na matuloy," sabi niya sabay aming may offer sa kanya ang Star Cinema.

Idinagdag pa ni Regine na masyadong abala sa preparasyon ng kanyang major concert sa December 3 & 4 sa Araneta Coliseum, ang Reigning...Still with guests Ogie, Sarah, Sheryn, Kyla, Francis at Andrew E. na kung hindi pa masisimulan ang pelikula na pagsasamahan nila nina Aga Muhlach at Judy Ann Santos ay gagawa muna siya ng ibang movie. Nabalitaan din niya na tila uunahin pa ang pelikula na kung saan magsasama sina Aga at Juday kaysa dun sa pagsasamahan nilang tatlo.

"I like Piolo because he’s so nice," sabi pa niya na dinugtungan na kung hindi lamang malayo ang gulang niya kay Richard Gutierrez ay gusto rin niya itong makapareha. "Kapag napapanood ko siya sa Mulawin, talagang napapahanga ako sa kanya. Umitim siya ng kaunti at pumayat siya pero, nagkaroon naman siya ng muscles. Ang gwapo gwapo niya. Sabi ko, ang sarap sigurong makapareha siya pero sa edad ko ngayon magmumukha naman akong tiyahin niya kapag pinagsama kami sa isang movie. Bakit ba siya ipinanganak agad?" tanong niyang nakatawa.
* * *
Kung dati ay hiyang-hiya si Angelica Panganiban dahil malaki ang kanyang mga boobs, hindi na ngayon. In fact, malaki ang pasasalamat niya sa itinuturing niyang blessing and gift from God.

"Bata pa ako nun, ngayon proud ako na nakakapag-suot na ako ng mga sexy dresses at sanay na rin ako na bago ang aking face ay sa boobs ko unang nakatingin ang kausap ko, mapa-babae man o lalaki," ani Angelica na manggugulat ng mga manonood sa kanyang pelikulang Santa Santita ng Unitel Pictures sapagkat pumayag siyang gumawa ng mga maseselang eksena, like love and bed scenes katambal si Jericho Rosales.

"Ninerbyos ako pero, nawala ito because nag-focused ako sa mga eksenang gagawin ko. Besides, I trusted my director Laurice Guillen and my partner, Echo," sabi niya.
* * *
Muling mapapakinggan ang mga sumisikat na young stars at mahusay na singers nung dekada ’70 sa programa sa radyo na Opereta Extravaganza sa DWBL 1242khz, 11:00 NU-12:00 NT, Nobyembre 7.

Magbabalik sa radyo ang singer/actress/tv host/radio announcer na si Tessie Lagman-Balboa kasama ang mga dating myembro ng Operetang Putul-Putol na sila Dolly Favorito, Elizabeth Ledesma (Tawag ng Tanghalan), Danny Taguiam (Sampaguita Pictures), Danilo Jurado (former child star) at Andrew Gutierrez sa showbiz trivia portion.
* * *
Sayang at namatay ang batang may sakit na leukemia bago pa man nakapagsagawa ng bloodletting ang mga kabataan ng GMA Artists Center at ang Makati Youth Development Foundation, Inc.

Gayunpaman, matutuloy ang nasabing bloodletting ngayon, 8:00 NU hanggang 3:00 NH para makatulong sa mas nakakaraming terminally-ill. Magaganap ito sa Cembo Sports Complex, Kalayaan St., Brgy Cembo, Makati. Kaugnay din dito ang Red Cross.

Dadalo sa nasabing event sina Alvin Aragon, Christine Reyes, StarStruck Avengers, at sina Dino Guevarra, Liza Dino, Mutya 2001, Iza Calzado. Nandun din si Councilor Yabut upang magbigay ng opening remarks.

AGA MUHLACH

AKO

ALVIN ARAGON

ANDREW E

ANDREW GUTIERREZ

ANGELICA PANGANIBAN

NIYA

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with