Pekeng premyo ng Karat World!
October 31, 2004 | 12:00am
Tuwang-tuwa pa naman ako nang manalo ng gold earrings (daw) mula sa Karat World sa press launch ng Plan Your Dream Wedding ng Viva Video, featuring Tintin Bersola.
Mula sa Novaliches, nag-taxi ako papuntang Robinsons Galleria, kung saan nandoon ang Karat World. Pagdating ko roon, ang sabi sa akin, nasa Iloilo pa ang premyong dapat tanggapin ko. Bumalik na lang daw ako before November 15. Kaso ang petsang ito ang expiry date ng gift certificate nila.
Bakit kaya sumali pa sa promo ng Viva ang nasabing tindahan ng alahas kung peke pala sila at ayaw ibigay ang premyo? Baka kung babalik pa ako roon higit na mahal pa ang magasta ko sa taxi. Tapos ibibigay lang sa akin isang mumurahing hikaw. Abonado pa ako sa pamasahe.
Baka naman pagbalik ko roon sabihin naman nila, naubos na ang premyo at maghintay ulit ng galing sa Iloilo!
Simula noong October 17, meron nang bagong TV idol ang mga Pinoy viewers, lalo na ang mga bata. Siya si Bearwin Meily ng bagong GMA show na Naks.
Street magic ang format ng bagong palabas tuwing Linggo ng hapon. Kaya ang ginagawang salamangka ng mga kasama sa show sa pamumuno nina Bearwin at Eric Mana, nakikita ng maraming tao. Sasabihin talagang walang daya at totoong-totoo.
Kaya naman habang tumatagal ang Naks, lalong dumarami ang tagasubaybay ng show.
Kasama sa Naks si Benjie Paras, na tuwing Linggo naman ay ibat ibang kakaiba at nakakatawang mga imbensyon ang pinakikita.
Anim pang mga kabataang magicians ang kasama sa Naks, led by Pinoy-Canadian Eric. Sa mga magic nina Bearwin at Eric, talagang dapat itutok ang ating mga mata sa TV kapag nagsimula hanggang matapos ang show.
Maraming mga pamangkin ko ang hangang-hanga kay Bearwin. Bilib sila sa mga card trick niya at kung paano niya napapaangat sa ere ang mga bagay-bagay.
Tila may mga sinasambit pang mga orasyong Latin si Bearwin kapag ginagawa ang kanyang magic. Ang tanong ng aking mga pamangkin, kung saan natutunan ng comedian/magician ang mga ganitong orasyon.
Sabi pa nila, si Bearwin ay maikukumpara na sa mga sikat na foreign magicians na dating napapanood sa mga imported na magic shows.
Kalahating oras lang ang Naks kayat tuwing Linggo ay medyo bitin ang mga viewers. Gusto pa nilang manood ng maraming tricks, pero kapos na sa oras.
Sinadya ng GMA na pawang mga kabataang magician ang kasama sa programa. Kasi naman mga bata rin ang mga manonood nito. Sa listahan ng maraming top magicians, talagang sinasanay at tinuruan ng husto ang kanilang mga anak upang siyang makasama sa show.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended