^

PSN Showbiz

Antoinette, dumating pero di nagpapakita?

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Parang UFO o Unidentified Flying Object si Antoinette Taus na maraming sighting pero, hindi pa actual na nakikita. Na-sight siya ng friend namin sa Astoria Plaza kamakailan at sumunod noon, nakikita siyang gumigimik kasama ang mga kaibigang artista sa ilang restaurant at bar sa Libis at Makati City.

Pero, dahil hindi pa nababalita sa TV ang diumano’y pagdating ni Antoinette at hindi pa siya nagi-guest sa SOP, nagdududa pa rin kami. On the other hand, baka sinasadya ni Antoinette na hindi magpakita sa tao, hindi kaya?

Hindi pa rin namin naririnig si Dingdong Dantes na binabati si Antoinette. Kaya lang, kung totoong break na sila’y, walang rason para batiin pa siya ni Dingdong. Gusto na talaga naming makita si Antoinette para hindi namin masabing nagha-hallucinate lang ang mga kaibigan naming nakakakita sa kanya.

Samantala, kahit tapos na ang episode nila sa Love to Love, tuloy pa rin ang pagli-link kina Dingdong at Karylle. Nang makita namin ang TV host-actor last week, hiningi namin ang reaction nito sa tsikang crush ni John Prats si Karylle.

"Kahit naman siguro sino ay magkakagusto sa kanya. Tanungin n’yo na lang si Karylle tungkol diyan. Pero, totoo bang sinabi ni John na smitten siya kay Karylle?" tanong ni Dingdong na hindi namin nasagot.

Samantala, sa mataas na boses, isang mahabang "Ha!" naman ang reaction ni Karylle sa tsismis sa kanila ni John. Para na rin siyang nag-deny sa kanyang reaction.
* * *
br>Ilang beses na naming nakikita si Christopher de Leon pero, lagi namin nakakalimutan itanong kung totoo ang tsismis na magkakaroon siya ng TV show sa ABC-5? Ang narinig namin, makakasama niya sina Edgar Mortiz at Johnny Delgado sa comedy-gag show na si Edgar mismo ang may concept at magdidirek.

Mukhang may katotohanan ang balitang ito dahil kinakausap na raw ng grupo nina Boyet ang mga artistang gusto nilang makasama sa show. Ang nagiging problema lang, may mga regular show sa ABS-CBN at GMA-7 ang kanilang kinakausap kaya, hindi makapag-commit sa kanila.

Ang alam namin, may gagawing action-drama show si Boyet sa Ch. 7 next year kasama si Rudy Fernandez. Papayagan naman siguro siya ng Siete na magkaroon ng ibang show sa Ch. 5.
* * *
Ayaw nang pag-usapan ni Rachelle Ann Go ang pambabasted niya kay Mark Bautista dahil nagagalit daw ang fans sa kanya. Hindi tinukoy ni Rachelle kung fans niya o fans ni Mark ang nagri-react. Kaibigan pa rin naman daw ang turing niya kay Mark kahit hindi niya tinanggap ang panliligaw nito.

In fact, magkasama sila sa Pinoy Idols concert na gagawin sa Araneta Coliseum sa November 19. Musical showdown ang mangyayari sa concert dahil pawang winner sa tatlong singing contest ang magsasama-sama para magbigay ng saya at magandang musika.

Ipinangako ni Audie Gemora, director ng Pinoy Idols na hindi lang basta biritan ang mangyayari sa gabi ng concert. Iiwasan daw niyang magmukhang singing competition uli ang concert gaya nang nangyari sa Night of the Champions.

Sa totoo lang, sa halip na mag-enjoy ay napagod kami sa panonood sa unang concert ng grupo nina Rachelle at Sarah Geronimo dahil ang feeling nga namin, Star In A Million at Search for A Star ang aming pinapanood sa effort nilang maipakita kung sino ang mas magaling sa kanilang kumanta.
* * *
Tungkol sa pagpapahalaga sa pangako ang aral na makukuha sa episode na mapapanood sa Wansapanataym ngayong Linggo. Guests sa Road Trip episode sina Dominic Ochoa, Dimples Romana at Owen Bowen.

Si Dominic ay si Aldus na hindi tumutupad sa pangako at girlfriend niya si Dimples na matagal nang naghihintay ng kanyang marriage proposal. May insidenteng magbubukas sa isip ni Aldus at magtuturo sa kanya ng kahalagahan sa hindi pagsira sa mga pangako.

A STAR

ALDUS

ANTOINETTE TAUS

ARANETA COLISEUM

ASTORIA PLAZA

KARYLLE

NAMIN

PINOY IDOLS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with