^

PSN Showbiz

Akala niya kanta at sayaw lang ang pag-aartista

- Veronica R. Samio -
Simula’t sapul pangarap na ni Nash Aguas ang maging artista. Hindi niya akalain na tatanghalin siyang Star Circle Grand Kid Questor. Sumali lamang siya dahil siya ang tipong mahilig sa challenge.

At kahit marahil hindi siya nanalo, okay lang sa kanya. Ang mahalaga, nagawa niyang ipakita ang kanyang husay sa pagsasayaw at pagkanta. Bale bonus na lamang yung unti-unti niyang pagkakatuto ng pag-arte.

At bagamat nakaapekto ito sa kanyang pag-aaral sapagkat kinailangan niyang iwan ang kanyang regular na pag-aaral at sumailalim sa isang modular at home study program, nagagawa pa rin niyang iangat ang sarili. Accelerated siya, di na kinailangang dumaan pa sa mga preparatory classes, agad ay nasa grade 1 siya sa edad na anim na taon.

Napapanood siya regularly sa Wansapanataym, Spirits at Ok Fine Whatever.
* * *
October 5 naman ang birthday ni Maja Salvador, napapanood araw-araw sa It Might Be You bilang bagong ka-tandem ni John Prats at sa ASAP Mania. Kasama rin siya sa bagong teen oriented horror program ng ABS-CBN sa direksyon ni Chito Roño.

Hindi rin akalain ni Maja na magiging isa siyang artista. At lalong hindi niya akalain na marunong pala siyang umarte na hindi naman kataka-taka dahilan sa mula siya sa angkan ng mga Salvador. Nagsimula lamang ang lahat nang umabot siya sa TV sa paghahanap ng kanyang ama. The rest is history.

Fourth year high school na si Maja sa ABS-CBN Distance Learning Center.
* * *
Unang nakilala si Josh Hartnett bilang isang screen heartthrob pero, ngayon ay unti-unting nakikilala bilang isang mahusay na aktor. Pinatunayan niya ang kanyang kahusayan bilang isang comedian sa Forty Days, Forty Nights at The Virgin Suicides. Sa O, nakita ang kanyang kaseryosohan bilang aktor.

Sa kanyang bagong pelikulang Wicker Park, isa na namang talino ang kanyang ipapakita. Siya si Matthew, isang advertising exec na may magandang kinabukasan pero madalas ay naalala niya ang kanyang girlfriend na si Lisa na nawala dalawang taon na ang nakakalipas. May nakita siyang babae na kamukha nito na nagsimula ng kanyang paghahanap. Dahil dito, napabayaan niya ang kanyang career at nagbago ang kanyang buhay. Isang araw nakita niya si Lisa, o nakita ba niya ito talaga? Bigla kinailangan niyang gumawa ng desisyon.

Ang Wicker Park ay released ng Viva International Pictures at mapapanood na sa Nobyembre 10. Kasama rin sina Rose Byrne, Matthew Lillard at Diane Kruger.
* * *
Abala pa rin sa mga corporate shows si Ryan Sebastian. Nakasama siya sa Food Expo Exhibit ng Korean Red Ginseng Research Company sa World Trade at marami ang nagulat nang makita siyang nakasuot ng Korean costume na bumagay sa kanya.

Dinala rin niya ang nasabing costume sa Cebu City na kung saan ay inilunsad ang Livermin 870 MG soft capsule at JEC’SCO Korean Red Ginseng, mga produktong epektibo sa mga may sakit sa atay. Dun nagawa niyang mag-guest sa GMA7 Singgit Cebu na kung saan ay marami na pala ang nakakakilala sa kanya.

Dito sa Maynila ay nakapagmodelo siya sa Videoke CD collection under Universal Records na may titulong "Pophits".

Inaasahan ni Ryan na magbubunga ng maganda ang dalawang VTRS na kinunan sa kanya ng dalawang modeling agencies sa Makati na naging audition niya sa ABC5 para sa isang bagong sitcom.

vuukle comment

CEBU CITY

CENTER

CHITO RO

DIANE KRUGER

DISTANCE LEARNING CENTER

KANYANG

NIYA

SIYA

WICKER PARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with