Sa pamumuno ni Leo, kumikilos ang FAP
October 24, 2004 | 12:00am
Isang taon pa lamang sa pwesto niya bilang director-general ng Film Academy of the Philippines si Leo Martinez, pero marami na siyang mga achievements para sa Akademya.
Syempre hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa ang mala-Oscar na Film Academy Awards. Naging marangya ang nasabing okasyon at talaga namang kitang-kita ang ginastang milyones para maging memorable ito.
"Kung ilalagay sa pera ang lahat, mga P30M ang gastos," kwento ni Leo. "Pero may mga sponsors naman na sumagot halos lahat ng mga dapat gastusan."
Isang private group ang namahala ng lahat tungkol dito, kasama si Albert Martinez, kayat walang sakit ng ulo para sa FAP at mga guilds under the Academys umbrella.
"The Academy just received a flat fee of P500,000 for the rights," pagtatapat ni director-general. "Subalit ang grupo naman nila Albert, talagang nagpaluwal pa."
Isa pang malaking accomplishment ng FAP sa administrasyon ni Leo ang pagiging computerized ng mga members ng guilds. Bumili ng mga computers ang Academy para sa nasabing computerization program.
Ngayon naman ay merong Memorandum of Agreement ang FAP with the Bureau of Immigration tungkol sa mga foreign filmmakers na gagawa ng mga pelikula sa ating bansa.
Kailangang magparehistro muna sila sa Academy para mabigyan ng shooting permit. Sa ganitong paraan, mapapangalagaan ang kapakanan ng mga Pinoy movie workers.
Magkakaroon din ng authority ang FAP na rebisahing mabuti ang kanilang mga scripts upang maprotektahan ang image ng ating bansa. Baka nga naman kasi ang kanilang pelikulang gagawin ay makakasira pa sa ating bansa.
Tipong tumaas ang presyon ng actor/comedian/director nang madako ang usapan tungkol sa darating na Metro Manila Film Festival. Sa biglang pagtaas ng boses ni Leo, tiniyak na hindi siya sang-ayon na magkaroon ng apat na entries sa festival ang Regal Films at ang mga sister companies nito.
"Bakit ba inilipat sa Department of Justice ang pagdesisyon tungkol sa issue?" galit na tanong ni Leo. "Ano naman ang kinalaman ng mga taga-DOJ tungkol sa pelikula at sila ang dapat magdesisyon?"
Dagdag pa ni Leo, sa screening committee pa lamang ay tipong hindi na maayos dahil kasama sa komite ang isang theater owner na kasosyo sa Regal. Sa DOJ naman, nandoon ang dating abogado ni Mother Lily.
Hinamon pa ni Leo Martinez ang mga entertainment writers na mag-imbestiga ng husto tungkol sa mga beneficiaries ng MMFF.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended