^

PSN Showbiz

'Wife material si Kristine' – Diether

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Ayaw ikumpara ni Kristine Hermosa ang seventh-month-old relationship nila ni Diether Ocampo sa one year and three months relationship nila ni Jericho Rosales. Minahal din daw niya si Jericho pero, iba ang level ng pagmamahal na inuukol niya kay Diether. Inamin din nitong napapag-usapan na nila ni Diether ang pagpapakasal.

Tumugma ito sa sinabi naman ni Diether na wife material si Kristine at ang description nito sa relationship nila’y "More than friends, less husband and wife. With her, I’ve realized life is beautiful."

Fourth boyfriend na ni Kristine si Diether at dahil non-showbiz ang past two boyfriends niya, hindi na niya pinangalanan. Ang importante raw ay masaya sila ni Diether ngayon.

"Hindi totoong binantayan ko siya sa shooting ng Lihim, nagpunta lang ako para bisitahin siya," sey ni Kristine.

Naikwento ni Director John-D Lazatin na nagsusuportahan sina Kristine at Diether sa shooting ng Bcuz of U. Dumadating daw si Kristine sa shooting kahit wala siyang eksena para dalhan ng pagkain si Diether or just to give her boyfriend company.

Sabi pala ni Direk John-D, hindi siya nakakasiguro kung maipapalabas sa November 17 ang pelikula dahil hindi pa sila tapos mag-shooting.
* * *
Mahaba na ang buhok ni Rachelle Ann Go ay lalo pang humaba dahil sa tsikang pinag-aagawan siya nina Erik Santos at Christian Bautista. But as expected, itinanggi ni Rachelle na nanliligaw sa kanya ang dalawa.

Pati nga si Christian, nag-deny na may namumuong relasyon sa kanila ni Rachelle pero, hindi naman nila maipaliwanag kung bakit lagi silang magkatabi sa presscon ng Pinoy Idols. Ang feeling tuloy namin, gusto nilang sila’y tinutukso.

Lalo pang nagkatuksuhan dahil habang ini-interview ang dalawa’y pinapalabas ang music video ng duet nilang "You and Me" na kinunan sa New York. Panay ang holding hands nila na ipinag-react ni Erik.

Incidentally, sa manager niyang si Carlo Orosa kami itinuro ni Christian nang aming usisain sa isyung muntik na siyang hindi makasali sa December 8 concert ni Lea Salonga dahil sa pagdi-demand ng mataas na talent fee.

Ang paliwanag ni Carlo, hindi lang agad naayos ang usapan ng producer dahil sa US tour ni Christian. Nitong nakabalik na sila lang na-close ang deal pero, committed na ang kanyang talent for the said concert.

Ang concert ni Lea ang sunod na gagawin ni Christian after Pinoy Idols na sa Araneta rin gagawin sa November 19. Makakabili na ng tiket sa SM Ticketnet at Araneta Coliseum ticket office. Ticket prices are at P1,200, P900, P450, P250 at P150.
* * *
Kumalat ang tsismis na hindi na matutuloy sa Forever In My Heart si Dawn Zulueta dahil sumama ang loob ni Regine Velasquez. Pinapalabas na hindi nito alam na kasama na sa cast ng teleserye si Dawn kaya, hindi pa man lumalabas ay ipinaalis na. Pero, nakapag-taping na si Dawn kaya, mali ang tsismis.

Nagtanung-tanong pa rin kami at nalaman naming mid-November pa ipapalabas ang mga eksena ni Dawn kaya, hindi pa siya napapanood.

Sa fans ni Regine, may showcase siya this Sunday sa Podium to promote her "Covers" album from Viva Records. Ang "Forevermore" ang first single release nito na theme song ng FIMH.
* * *
Sunud-sunod ang mall tour ng StarStruck Survivors para mas makilala sila ng tao at mai-boto.

This Sunday, nasa SM Fairview sila 1-3PM On October 31, sa Robinson’s Dasmariñas, Cavite sila dadalaw at sa November 7, nasa SM Marilao naman sila.
* * *
Kwento ng isang kaibigang sumama sa grupo ng MAQ Films na nag-pictorial sa Bejing, China para sa Mano Po 3: My Love, hindi na niya kinakitaan ng closeness sina Angel Locsin at Dennis Trillo. Hindi raw nagdi-dedmahan ang dalawa pero, wala na ang sweetness na nakita sa kanila noong mga unang linggo ng taping ng Mulawin.

May nadinig pa kaming may ilang tao raw sa kampo ni Angel ang hindi pabor kay Dennis dahil babaero raw ito.

ANGEL LOCSIN

CENTER

DAHIL

DIETHER

KRISTINE

PINOY IDOLS

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with