Ang lalaking walang pahinga
October 24, 2004 | 12:00am
Nakausap namin sandali si Annabelle Rama at ang sentro ng aming usapan ay tungkol sa anak na si Richard Gutierrez. Ayon dito ay never na lumaki ang ulo ng anak sa gitna ng popularidad na tinatamasa nito ngayon. Malaki ang naitulong ng Mulawin. Naawa nga siya dahil wala na halos itong itinutulog dahil sa rami ng commitment pero hindi marunong magreklamo.
Malambing din si Richard sa kanyang mommy kaya nga from his condo ay bumalik muna ito sa tahanan ng magulang dahil nami-miss sila.
Nadisiplina ni Annabelle ang anak kaya lumaki itong mabuting tao. Kita naman ito sa Extra Challenge noong sumali ito kung saan hindi napikon at nagmura kapag nahihirapan sa challenge.
Hindi mapapasubalian na si Richard ang pinaka-abala sa lahat ng kabataang aktor sa kasalukuyan.
Payag na rin si Janice de Belen na pag-artistahin si Luigi kung saan ang manager ay si Douglas Quijano. Ayaw nitong makialam sa career ng anak.
Natutuwa si Janice dahil kailanman ay hindi naglihim sa kanya si Luigi pagdating sa kanyang mga nililigawan kaya nabibigyan niya ng payo ang anak.
May gagawing MTV sina Ogie Alcasid at Janice de Belen titled Tanging Pag-ibig sa direksyon ni Louie Ignacio. Bakit kaya ang aktres ang napiling maging love interest ng singer-composer?
"Magaling siyang mag-emote at maamo ang kanyang mukha na akma sa MTV nila ni Ogie," sey ni Direk.
Magkakaroon ng concert si Lance Raymundo sa October 29 sa Dish kung saan wala siyang tatanggaping talent fee. Itoy ido-donate niya sa Bantay Bata 163. Isa itong paraan para pasalamatan ang lahat ng biyayang natatanggap nila sa buhay.
First time ni Angel Locsin lumabas sa horror movie at nahirapan siyang mag-emote.
Saludo si Angel kay Direk Yam Laranas at sinabing ang galing-galing nito. "Sobrang maayos ang lahat very systematic at bago ka dumating sa set ay may story board na. Fresh ang kanyang ideas. Bata pa kasi siya," aniya.
Ang Sigaw ay entry sa darating na Metro Manila Film Festival.
Talagang ayaw paawat ang lady producer na ito na balitang may bagong gwapong aktor na kanyang Papa ngayon.
Balitang madalas makita ang dalawa sa isang bar. Nagkakilala ang dalawa nang ipakilala ang produ ng kanyang kaibigan na involved din sa movie production.
Maraming pelikula ngayon ang sexy actor dahil ang kanyang backer ay ang lady produ na in-love sa kanya.
PASASALAMAT MULI: Sa mga kaibigang nakaalala sa nakaraan kong kaarawan gaya nina Tess at Lindsay Custodio, Cecile and Bryan Homecillo, Jayce Perlas at Odette Khan.
Malambing din si Richard sa kanyang mommy kaya nga from his condo ay bumalik muna ito sa tahanan ng magulang dahil nami-miss sila.
Nadisiplina ni Annabelle ang anak kaya lumaki itong mabuting tao. Kita naman ito sa Extra Challenge noong sumali ito kung saan hindi napikon at nagmura kapag nahihirapan sa challenge.
Hindi mapapasubalian na si Richard ang pinaka-abala sa lahat ng kabataang aktor sa kasalukuyan.
Natutuwa si Janice dahil kailanman ay hindi naglihim sa kanya si Luigi pagdating sa kanyang mga nililigawan kaya nabibigyan niya ng payo ang anak.
May gagawing MTV sina Ogie Alcasid at Janice de Belen titled Tanging Pag-ibig sa direksyon ni Louie Ignacio. Bakit kaya ang aktres ang napiling maging love interest ng singer-composer?
"Magaling siyang mag-emote at maamo ang kanyang mukha na akma sa MTV nila ni Ogie," sey ni Direk.
Saludo si Angel kay Direk Yam Laranas at sinabing ang galing-galing nito. "Sobrang maayos ang lahat very systematic at bago ka dumating sa set ay may story board na. Fresh ang kanyang ideas. Bata pa kasi siya," aniya.
Ang Sigaw ay entry sa darating na Metro Manila Film Festival.
Balitang madalas makita ang dalawa sa isang bar. Nagkakilala ang dalawa nang ipakilala ang produ ng kanyang kaibigan na involved din sa movie production.
Maraming pelikula ngayon ang sexy actor dahil ang kanyang backer ay ang lady produ na in-love sa kanya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended