Aiai, kumukuha ng voice lesson at nag-aaral sumayaw
October 24, 2004 | 12:00am
Dapat lamang talagang paghandaan ni Aiai delas Alas ang nalalapit na major concert nila ni Erik Santos sa Araneta Coliseum sa November 29 na pinamagatang The Prince of Pop and The Comedy Concert Queen Two Solos, One Concert. Bukod sa talagang magaling kumanta ang kanyang ka-back to back, isang 80 piece orchestra ang sasaliw sa kanilang pagkanta. Okay na kenkoyin niya ang kanyang performance pero maaari lamang niya itong gawin ng minsan lamang o marahil ay sa isang segment pero, hindi sa buong show.
Dahil dito, kasalukuyan siyang kumukuha ng voice lessons sa UP at nag-aaral sumayaw sa Whiplash Dancers. "Para naman hindi ako maging kahiya-hiya," may pagbibiro niyang nasabi bagaman at sinabi rin ng conductor ng Manila Philharmonic Orchestra na si Rodel Colmenar na nakahanda sila sa magiging performance ni Aiai.
Ang Guess ang presentor ng nasabing konsyerto na guest ang The CompanY, The Three Young Sopranos (Leslie Manlegro, Bianca Lopez at Kim Flores), Whiplash Dancers at si Sandara Park. Sina Bobby Garcia at Bong Quintana ang director at asst. director.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended