Cogie, Keempee magkaribal kay Angel !
October 17, 2004 | 12:00am
Inamin ni Keempe de Leon nang minsang makausap namin na matindi ang crush niya ngayon kay Angel Locsin. Kaya naman hindi niya pinalalampas na panoorin ang Mulawin araw-araw. Type niya ang maamong mukha nito at galing sa pag-arte. Nang makita niya ito nang personal kung saan naging guest ito sa Bahay Mo Ba To? ay lalong nagka-crush ang aktor.
"Hindi lang siya maganda kundi mabait pa. Propesyonal si Angel at mahal ang kanyang trabaho. Kaya umangat ng husto ang kanyang career," sey pa nito.
Sa kabilang banda, hindi lang si Keempee ang may gusto kay Angel kundi gayundin si Cogie Domingo. Balitang balak niya itong ligawan. Parang kay haba-haba ng buhok ni Angel dahil sa rami ng manliligaw ngayon idagdag pa ang ilang Coca-Cola players.
Kilala sa pagiging prangka si Anne Curtis at diretso nitong sinabi na hindi sila nagkabalikan ni Oyo Boy Sotto dahil may bago siyang inspirasyon. Sa kasalukuyang ay lumalabas ito kasama si Paolo Araneta na kapatid ni Bianca Araneta.
Taon ni Carmina Villaroel ang 2004, ratsada ang career niya ngayon. Naging magaling siyang host ng Sis kasama sina Gelli de Belen at Janice de Belen gayundin sa All About You.
May bago itong afternoon telefantasya titled Leya, Ang Pinakamagandang Babae sa Ilalim ng Lupa na tinatampukan nina Nadine Samonte at Oyo Boy.
Kasama rin ito sa Nuts Entertainment at may entry din sa darating na Metro Manila Film Festival titled Enteng Kabisote.
Maraming nagtatanong kung hindi raw ba nagseselos si Christopher Roxas sa paglalambingan nina Gladys Reyes at Wendell Ramos sa sitcom na Bahay Mo Ba To?. Napaka-sweet kasi ng dalawa kung saan mag-asawa ang papel na ginagampanan nila. May mga eksenang mahigpit na magkayakap ang dalawa at minsan ay dumadapa si Gladys sa likod ni Wendell.
Hindi naman naapektuhan si Chris dahil alam niyang bahagi ito ng trabaho ng kanyang asawa.
Para maiwasan ang pagseselos ay minabuti na lang ni Chris na huwag na lang niyang panoorin ang sitcom.
Nagsisisi ang sikat na aktres kung bakit pa siya nagparetoke ng boobs. Sa laki nito ay nabanat ang kanyang balat at nagnaknak ito kaya kailangan niyang pumunta ng Amerika para ipaayos at ipagamot ang niretokeng boobs.
Ngayon ay natatakot siya sa magiging epekto nito balang araw. Sana raw ay hindi na niya ipinagalaw ang kanyang boobs na sumobra ang laki pero hindi bumagay sa kanyang height.
Ang sikat na aktres ay isa sa may magandang mukha sa showbiz pero nanamlay ang career nang iwan ang kanyang home studio na naging malaking issue.
"Hindi lang siya maganda kundi mabait pa. Propesyonal si Angel at mahal ang kanyang trabaho. Kaya umangat ng husto ang kanyang career," sey pa nito.
Sa kabilang banda, hindi lang si Keempee ang may gusto kay Angel kundi gayundin si Cogie Domingo. Balitang balak niya itong ligawan. Parang kay haba-haba ng buhok ni Angel dahil sa rami ng manliligaw ngayon idagdag pa ang ilang Coca-Cola players.
May bago itong afternoon telefantasya titled Leya, Ang Pinakamagandang Babae sa Ilalim ng Lupa na tinatampukan nina Nadine Samonte at Oyo Boy.
Kasama rin ito sa Nuts Entertainment at may entry din sa darating na Metro Manila Film Festival titled Enteng Kabisote.
Hindi naman naapektuhan si Chris dahil alam niyang bahagi ito ng trabaho ng kanyang asawa.
Para maiwasan ang pagseselos ay minabuti na lang ni Chris na huwag na lang niyang panoorin ang sitcom.
Ngayon ay natatakot siya sa magiging epekto nito balang araw. Sana raw ay hindi na niya ipinagalaw ang kanyang boobs na sumobra ang laki pero hindi bumagay sa kanyang height.
Ang sikat na aktres ay isa sa may magandang mukha sa showbiz pero nanamlay ang career nang iwan ang kanyang home studio na naging malaking issue.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended