^

PSN Showbiz

Matinding hiwalayan sa showbiz

- Veronica R. Samio -
Isang mapagkakatiwalaang source ang naringgan ko ng pag-amin na hiwalay na ang magkarelasyong sina Paolo Contis at Nancy Castiglione. Cool off nga ang salitang ginamit niya at sinabi pang walang third party na involved gayong marami na ang nakakarinig na may selosang nagaganap sa mag-dyowa dahil panay daw ang pagti-text sa pagitan nina Nancy at Luis Manzano.

Hindi naman ako makapaniwala sa balita dahil may una akong nasagap na balita na panay naman daw ang pagtambay ni Luis sa set ng Wazzup Wazzup. Maraming magagandang babes dito parang si Toni Gonzaga raw ang kanyang tinititigan?

Ang gulo di ba? At nakapanghihinayang since may P1.5M na singsing daw na ibinigay si Paolo kay Nancy. May solian kayang maganap?
* * *
Break na rin daw sina Sunshine Dizon at Frank Garcia. Si Sunshine mismo ang nag-kumpirma nito at nagsabing wala namang bad blood sa kanilang dalawa ni Frank dahil sinabi niya ritong kailangang asikasuhin muna niya ang kanyang career. Lumaylay na ito simula nang magkaro’n sila ng relasyon ni Frank, napabayaan niya dahil mas binigyan niya ng prioridad ang may kinalaman sa kanyang puso.
* * *
Samantala, si Jennylyn Mercado naman pala ang maitituturing na tunay na Ultimate Survivor. Hindi lamang ito sa StarStruck na kung saan ay tinalo nila ni Mark Herras ang 12 nilang nakalaban para makuha ang titulo. Kundi maging sa tunay na buhay dahil nalampasan niya ang pananakit na tinanggap niya sa naging karelasyon ng kanyang tunay na ina nung siya ay mag-aapat na taong gulang lamang.

Kamakailan ay nahukay ang mapait na karanasan ni Jennylyn sa kamay ng kanyang amain na kung saan ay inihabilin siya ng kanyang ina nang pumunta ito ng abroad para mag-trabaho.

Nang wala na ito ay katakut-takot na pahirap ang tinanggap niya mula sa amain. Narung pasuin siya nito ng plantsa, ihulog sa hagdan, bugbugin hanggang sa di nakayanan ng kanyang katawan ang pahirap at sa ospital siya pinulot. Ang amain din niya ang nagdala sa kanya rito sa takot na baka mamatay siya minsan matapos na siya’y pahirapan nito.

Marami ang nagtataka kung bakit ngayon lang nagsalita si Jennylyn gayong naging laman ng aming dyaryo (PSN) ang sinapit niya nung taong 1991.

"Baka kasi, maiba pa ang bersyon kung di ako magsasalita. Mabuti nang sa akin manggaling," paliwanag ng dalaga na ang istorya ay mapapanood mamayang gabi sa Magpakailanman ng GMA-7. Siya mismo ang gaganap sa kanyang istorya, kasama sina Lorna Tolentino, Gina Alajar at marami pang iba.

Dumating naman ang kanyang ina nang mabalitaan nito ang nangyari at hinanap siya nito sa mga ospital. Ang labis na ikinalungkot ni Jennylyn ay ang pangyayaring ang sarili niyang ina ang naglabas sa kulungan sa amaing nanakit sa kanya. Tatlong araw lamang ito nakulong sa pananakit sa kanya at dahil menor de edad siya at ang ina niya ang may karapatang mag-demanda kung kaya walang nangyari sa kaso ng kanyang amain.

Wala nang komunikasyon si Jennylyn sa kanyang ina na may iba nang pamilya. Ang kanyang walang pusong amain ay balita niyang nagta-trabaho na sa ibang bansa.

Nasa kandili siya ng kanyang tiyahin (kapatid ng kanyang ina) at tiyuhin na siyang kumupkop sa kanya matapos siyang mailabas ng ospital. Maligaya na siya sa piling nila. Itinuring nila siyang parang tunay na anak. May sariling anak ang mga ito pero, nag-iisa lamang at may sarili nang pamilya.

Dahilan dito, lumaking mahiyain si Jennylyn at takot sa tao na inakala ng marami na pagsusuplada. "Pero, sa unti-unti nakaka-recover na ako. Nang tuluyang mawala ang mga pilat na nilikha ng karahasan sa pisikal kong katawan, natututo na akong makalimot. Tumatawa na ako ngayon at nagbibilang na ng mga kaibigan pero, andun pa rin ang sugat sa aking isip pero, alam ko mawawala rin ito," pagtatapos ni Jennylyn.
* * *
I’m sure mas madali n’yong makikilala ang isang myembro ng D’ Bodies na nagngangalang Palmolive Palma sa kanyang orihinal na screen name na Kristina Kasten. Napanood siya sa mga pelikulang Bakit Kailangan Ng Ibon Ng Pakpak at Pilya kasama si Trina Shields.

Itinuturing na pinaka-sexy sa grupo, dumating kamakailan ang visa ni Palmolive for Japan pero, hindi na siya umalis dahil nanghihinayang siya sa grupo na bago pa lamang naitatatag.

vuukle comment

BAKIT KAILANGAN NG IBON NG PAKPAK

DAHIL

FRANK GARCIA

GINA ALAJAR

JENNYLYN

KANYANG

NANG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with