Sold out sa LA ang Night of the Champions
October 13, 2004 | 12:00am
Personal naming nasaksihan ang sold-out concert ng Night of the Champions na tinampukan nina Sarah Geronimo, Rachelle Ann Go, Mark Bautista at Christian Bautista na ginanap sa Orpheum Theater sa Los Angeles, California nung nakaraang Oktubre 2 ng gabi at produced ng first time concert producer sa Amerika na si Alfonso Chu.
One week bago ang show date ay sold-out na ang tickets sa nasabing concert kaya maraming mga kababayan natin sa LA at sa mga karatig lugar ang na-disappoint dahil wala na silang mabiling tickets.
Ang LA concert ay siyang last leg ng concert tour sa Amerika ng apat na kanilang sinimulan sa New York (September 18), San Francisco (September 24) at sa Chicago (September 26). Sa apat na lugar na kanilang napuntahan, mas nag-enjoy ng husto ang tropa sa LA dahil mas matagal ang kanilang stay doon. Nakapamasyal sila sa Disneyland na walking distance lamang sa kanilang hotel (Desert Palm Hotels & Suites sa Anaheim), sa Universal Studios at nakapag-shopping din sila roon. First time ng apat na makarating ng Amerika kaya very memorable sa kanila ang kanilang recent trip. Katunayan, malamang na bumalik doon ang tropa sa Abril sa susunod na taon. Interesado rin ang US producers na isama sa line-up sina Erik Santos, Sheryn Regis at ang bagong kampeon ng Star in a Million na si Frenchie Dy.
Nung September 30 ng gabi, isang welcome party ang ibinigay sa tropa ng LA producer na si Alfonso Chu na ginanap sa kanyang bahay sa Anaheim. Bukod kina Sarah, Rachelle Ann, Mark at Christian, dumalo rin sa nasabing okasyon ang Viva Group of Companies big boss na si G. Vic del Rosario kasama ang kanyang ladylove na si Ana Bautista, ang nakababatang kapatid ni Boss Vic na naka-base sa LA na si Ching, June Rufino, ang New York producer ng Night of the Champions na sina Red at Alice Martinez, ang Chicago producers na sina Dr. Tony at Baby Navarette, John Ling, Marissa Luces, Joe Barrameda at iba pa. Sa party, maraming kwento ang apat dahil kagagaling lang nila ng Disneyland na unang beses nilang narating.
Dagsa ang tao sa araw mismo ng concert sa LA. As early as 4PM ay maraming tayong mga kababayan ang nakipagsapalarang magtungo sa venue para makabili ng tickets only to be disappointed dahil malaking karatula ng SOLD OUT ang naka-poste sa labas ng ticket box. Alas-7 ng gabi nagbukas ang gate.
Bago kami pumasok sa main theater, tumambay muna kami sa may lobby habang tinitingnan namin ang dagsa ng taong pumapasok. Maya-maya lamang, may lumapit sa amin na isang mama na hindi namin kaagad nakilala... si Jojit Paredes, ang dating singer-actor at dating ka-partner ni Ronnie Henares sa Two of Us at dating na-link sa Star for All Seasons, Vilma Santos. Si Jojit ay isang paralegal na naka-base sa LA with his family. Ang dating singer (na naka-base din ngayon sa LA) na si Jet Montelibano ang nag-direct ng Night of the Champions sa LA habang si Mark Lopez naman ang tumayong musical director ng US concert tour.
Tuwang-tuwa ang Viva big boss na si G. Vic del Rosario dahil sa mainit na pagtanggap kina Sarah, Mark, Rachelle Ann at Christian ng mga Pinoy sa Amerika. Although may kani-kanyang hukbo ng mga tagahanga ang apat, si Sarah talaga ang pinaka-star sa kanila na binigyan pa ng standing ovation. Habang nagpi-perform si Sarah, may isang bata ang lumapit sa teenstar at sinabitan ito ng lei na may kasamang dolyar.
Hindi naman makakalimutan ni Mark Bautista ang kanyang first US trip lalo na ang pagkawala ng kanyang bagahe on their way to Chicago mula New York. Dahil nandoon lahat sa luggage ang mga gamit niya, napilitan si Mark na mamili sa Chicago at nang malaman ng kanyang mga fans sa Chicago ang pagkawala ng kanyang gamit, marami ang nagregalo sa kanya kaya tuwang-tuwa ang singer-actor.
Naging malaking tulong sa amin si Jun Lalin habang kami ay nasa LA. Sa pamamagitan ni Jun, hindi kami nahirapan na puntahan ang mga lugar na gusto naming puntahan dahil nakakapag-drive na ito roon.
Talagang pinahanga kami ni Jun dahil kabisado na nito ang mga daan sa LA at mga karatig na lugar. At ang nakakagulat, may drivers license na siya roon at California I.D.
Pabalik na sana si Jun ng Maynila nang malaman nitong parating ako ng LA. Nag-extend siya ng ilang araw at sinamahan kami sa aming mga lakad. Ang maganda pa, we have common friends ni Jun sa LA kaya naging madali ang lahat sa amin. Sa pamamagitan ni Jun, nagkita kaming muli ni Dave Rojo (dating publicist ng Vicor Music Corporation) na naka-base na rin sa LA since 1985.
Nakilala rin namin ang negosyanteng si Benny Bautista ng Pacific Trends Car Care Center (close friend nina Imelda Papin at Tita Irene Castillo).
Nagkita-kita rin kami roon nina Lito Divinagracia (dating entertainment editor ng Bongga), Joe Barrameda, Jojit Paredes at iba pang mga kaibigan.
Personal: My special thanks kina Ryan Deles, Jim, Mhel Lago, Benny Bautista, Monet Lu, Jun Lalin, Dave Rojo, Oliver Carnay, Red and Alice Martinez, Dr. Tony and Baby Navarette, Josh Andowitt, Jojie Montemayor, Annabelle & Ruffa Gutierrez.
<[email protected]>
One week bago ang show date ay sold-out na ang tickets sa nasabing concert kaya maraming mga kababayan natin sa LA at sa mga karatig lugar ang na-disappoint dahil wala na silang mabiling tickets.
Ang LA concert ay siyang last leg ng concert tour sa Amerika ng apat na kanilang sinimulan sa New York (September 18), San Francisco (September 24) at sa Chicago (September 26). Sa apat na lugar na kanilang napuntahan, mas nag-enjoy ng husto ang tropa sa LA dahil mas matagal ang kanilang stay doon. Nakapamasyal sila sa Disneyland na walking distance lamang sa kanilang hotel (Desert Palm Hotels & Suites sa Anaheim), sa Universal Studios at nakapag-shopping din sila roon. First time ng apat na makarating ng Amerika kaya very memorable sa kanila ang kanilang recent trip. Katunayan, malamang na bumalik doon ang tropa sa Abril sa susunod na taon. Interesado rin ang US producers na isama sa line-up sina Erik Santos, Sheryn Regis at ang bagong kampeon ng Star in a Million na si Frenchie Dy.
Nung September 30 ng gabi, isang welcome party ang ibinigay sa tropa ng LA producer na si Alfonso Chu na ginanap sa kanyang bahay sa Anaheim. Bukod kina Sarah, Rachelle Ann, Mark at Christian, dumalo rin sa nasabing okasyon ang Viva Group of Companies big boss na si G. Vic del Rosario kasama ang kanyang ladylove na si Ana Bautista, ang nakababatang kapatid ni Boss Vic na naka-base sa LA na si Ching, June Rufino, ang New York producer ng Night of the Champions na sina Red at Alice Martinez, ang Chicago producers na sina Dr. Tony at Baby Navarette, John Ling, Marissa Luces, Joe Barrameda at iba pa. Sa party, maraming kwento ang apat dahil kagagaling lang nila ng Disneyland na unang beses nilang narating.
Dagsa ang tao sa araw mismo ng concert sa LA. As early as 4PM ay maraming tayong mga kababayan ang nakipagsapalarang magtungo sa venue para makabili ng tickets only to be disappointed dahil malaking karatula ng SOLD OUT ang naka-poste sa labas ng ticket box. Alas-7 ng gabi nagbukas ang gate.
Bago kami pumasok sa main theater, tumambay muna kami sa may lobby habang tinitingnan namin ang dagsa ng taong pumapasok. Maya-maya lamang, may lumapit sa amin na isang mama na hindi namin kaagad nakilala... si Jojit Paredes, ang dating singer-actor at dating ka-partner ni Ronnie Henares sa Two of Us at dating na-link sa Star for All Seasons, Vilma Santos. Si Jojit ay isang paralegal na naka-base sa LA with his family. Ang dating singer (na naka-base din ngayon sa LA) na si Jet Montelibano ang nag-direct ng Night of the Champions sa LA habang si Mark Lopez naman ang tumayong musical director ng US concert tour.
Tuwang-tuwa ang Viva big boss na si G. Vic del Rosario dahil sa mainit na pagtanggap kina Sarah, Mark, Rachelle Ann at Christian ng mga Pinoy sa Amerika. Although may kani-kanyang hukbo ng mga tagahanga ang apat, si Sarah talaga ang pinaka-star sa kanila na binigyan pa ng standing ovation. Habang nagpi-perform si Sarah, may isang bata ang lumapit sa teenstar at sinabitan ito ng lei na may kasamang dolyar.
Hindi naman makakalimutan ni Mark Bautista ang kanyang first US trip lalo na ang pagkawala ng kanyang bagahe on their way to Chicago mula New York. Dahil nandoon lahat sa luggage ang mga gamit niya, napilitan si Mark na mamili sa Chicago at nang malaman ng kanyang mga fans sa Chicago ang pagkawala ng kanyang gamit, marami ang nagregalo sa kanya kaya tuwang-tuwa ang singer-actor.
Talagang pinahanga kami ni Jun dahil kabisado na nito ang mga daan sa LA at mga karatig na lugar. At ang nakakagulat, may drivers license na siya roon at California I.D.
Pabalik na sana si Jun ng Maynila nang malaman nitong parating ako ng LA. Nag-extend siya ng ilang araw at sinamahan kami sa aming mga lakad. Ang maganda pa, we have common friends ni Jun sa LA kaya naging madali ang lahat sa amin. Sa pamamagitan ni Jun, nagkita kaming muli ni Dave Rojo (dating publicist ng Vicor Music Corporation) na naka-base na rin sa LA since 1985.
Nakilala rin namin ang negosyanteng si Benny Bautista ng Pacific Trends Car Care Center (close friend nina Imelda Papin at Tita Irene Castillo).
Nagkita-kita rin kami roon nina Lito Divinagracia (dating entertainment editor ng Bongga), Joe Barrameda, Jojit Paredes at iba pang mga kaibigan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended