Caseylin Francisco, malaking artista na sa Amsterdam!
October 13, 2004 | 12:00am
Marami na siguro ang hindi nakakakilala kay Caseylin Francisco, isa sa mga napiling gumanap ng Miss Saigon sa Holland. Isa rin si Caseylin sa ipinagkakapuring alumnus ng Thats Entertainment ni Kuya Germs.
Mula nang mapunta ng Holland si Caseylin ay hindi na rin ito nakauwi ng Pilipinas. Tila dun na rin ito nakakita ng kanyang mamahalin.
Isang kasamahan na galing Amsterdam ang nagsabing isa na raw malaking artista dun si Caseylin. May programa ito sa TV na sikat na sikat, talagang pinanonood ng marami.
Ganito rin humigit-kumulang ang kwento ng London based na si Monique Wilson na dumating para sa musical production ng New York Voice Company na Cabaret.
Ang Cabaret ay isang artistikong pagpapahayag ng buhay sa dulo ng milenyo mula sa pananaw sa prismo ng kasaysayan isang palabas na nagbibigay tinig sa pagdiriwang ng promiskuwidad, prostitusyon, sekswalidad, opresyon at ang paglaganap ng Nasismo sa pamamagitan ng awit at sayaw.
Tampok sa Cabaret ang walang kupas na mga awitin nina John Kander at Fred Ebb at ang libro ni John Masteroff. Tulad ng "Maybe This Time", "Cabaret", "Money", "If You Could See Her" at marami pang iba.
Pinangungunahan ni Monique Wilson bilang Sally Bowles, ang Ingles na bituin ng Kitkat Club, Michael Williams, Clifford Bradshaw; Jamie Wilson, Emcee; Joy Virata, Fraulein Schneider; Leo Rialph at Bonggoy Manahan, Herr Schultz; Lynn Sherman, Fraulein Kost; at marami pang iba. Kasama rin ang Ugoy Ugoy Band, April Celmar, Nikki Ventosa at Ronalou San Pedro.
Ang produksyong pang-entabladong ito ng NVC ay hawig sa pinaka-bagong Broadway version ni Sam Mendes (American Beauty) at Rob Marshall (Chicago). Direktor ng palabas sina Rito Asilo at Monique Wilson. Magbubukas sa Music Museum ngayong Nob. 5 at ipalalabas tuwing Biyernes at Sabado, 8:00 NG hanggang Disyembre 4. May dadag na palabas pa sa Nobyembre 25 at Disyembre 2.
Kung nagi-enjoy kayo sa panonood kay Bearwin Meily sa Tom On The Road segment ng Lagot Ka Isusumbong Kita na kung saan ay nagpapamalas siya ng magic sa kalye ala- David Blaine, ginawa na ito ng isang buong programa ng GMA7 at magsisimula nang mapanood sa Oktubre 17.
Pinamagatang NAKS (Ang Nakakabilib At Kakaibang Show!), host nito sina Bearwin Meily at Benjie Paras.
Iga-guide tayo ni Benjie sa maraming street magic at mga unique inventions. Bitin tayo sa mga magic ni Bearwin sa Lagot Ka, mas marami siyang magic na ipakikita sa NAKS!.
Kinuha rin ng NAKS ang isang grupo ng mga kabataang ilusionista sa pangunguna ni Erik Mana na talagang pabibilibin kayo sa kanyang talino sa street magic kasama sina Ron, Ethel, Con, JB at Slydon na magpapamalas ng kanilang magic sa kakaibang paraan pero hindi gagamitan ng camera tricks. At sa malapitan.
Mahirap akong bumilib sa ganitong ilusyon pero, nang makita ko ang grupo na nagtatrabaho ng malapitan, di lang ako bumilib, na-entertain talaga ako. Im sure ganun din kayo!
Mula nang mapunta ng Holland si Caseylin ay hindi na rin ito nakauwi ng Pilipinas. Tila dun na rin ito nakakita ng kanyang mamahalin.
Isang kasamahan na galing Amsterdam ang nagsabing isa na raw malaking artista dun si Caseylin. May programa ito sa TV na sikat na sikat, talagang pinanonood ng marami.
Ang Cabaret ay isang artistikong pagpapahayag ng buhay sa dulo ng milenyo mula sa pananaw sa prismo ng kasaysayan isang palabas na nagbibigay tinig sa pagdiriwang ng promiskuwidad, prostitusyon, sekswalidad, opresyon at ang paglaganap ng Nasismo sa pamamagitan ng awit at sayaw.
Tampok sa Cabaret ang walang kupas na mga awitin nina John Kander at Fred Ebb at ang libro ni John Masteroff. Tulad ng "Maybe This Time", "Cabaret", "Money", "If You Could See Her" at marami pang iba.
Pinangungunahan ni Monique Wilson bilang Sally Bowles, ang Ingles na bituin ng Kitkat Club, Michael Williams, Clifford Bradshaw; Jamie Wilson, Emcee; Joy Virata, Fraulein Schneider; Leo Rialph at Bonggoy Manahan, Herr Schultz; Lynn Sherman, Fraulein Kost; at marami pang iba. Kasama rin ang Ugoy Ugoy Band, April Celmar, Nikki Ventosa at Ronalou San Pedro.
Ang produksyong pang-entabladong ito ng NVC ay hawig sa pinaka-bagong Broadway version ni Sam Mendes (American Beauty) at Rob Marshall (Chicago). Direktor ng palabas sina Rito Asilo at Monique Wilson. Magbubukas sa Music Museum ngayong Nob. 5 at ipalalabas tuwing Biyernes at Sabado, 8:00 NG hanggang Disyembre 4. May dadag na palabas pa sa Nobyembre 25 at Disyembre 2.
Pinamagatang NAKS (Ang Nakakabilib At Kakaibang Show!), host nito sina Bearwin Meily at Benjie Paras.
Iga-guide tayo ni Benjie sa maraming street magic at mga unique inventions. Bitin tayo sa mga magic ni Bearwin sa Lagot Ka, mas marami siyang magic na ipakikita sa NAKS!.
Kinuha rin ng NAKS ang isang grupo ng mga kabataang ilusionista sa pangunguna ni Erik Mana na talagang pabibilibin kayo sa kanyang talino sa street magic kasama sina Ron, Ethel, Con, JB at Slydon na magpapamalas ng kanilang magic sa kakaibang paraan pero hindi gagamitan ng camera tricks. At sa malapitan.
Mahirap akong bumilib sa ganitong ilusyon pero, nang makita ko ang grupo na nagtatrabaho ng malapitan, di lang ako bumilib, na-entertain talaga ako. Im sure ganun din kayo!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended