Dos, walang choice kundi si Dina?
October 13, 2004 | 12:00am
Hindi umubra ang Star Circle Quest sa StarStruck na umere na last Monday night dahil nakakuha lang ng 28% ang SCQ at 33% naman ang StarStruck.
Bagamat hindi magkatapat ang dalawang reality based artista search ay hindi rin nakaungos ang mga bagong programa ng ABS-CBN dahil ang first half ng Extra Challenge ay 36% over SCQ at second half ng Extra Challenge ay 36% over Krystala na 36% at first half ng Mulawin ay 37% naman ang nakamit.
Ano na nga ba ang nangyari sa mga loyal viewers ng Dos, bakit tila kinasawaan na sila?
Hindi rin nagtagumpay ang Morning Star nina Dina Bonnevie at Danica Sotto dahil nakakuha lang sila ng 12% kumpara sa Sis na 15%.
Natawa nga kami sa kwento mismo ng taga-Dos tungkol kay Dina, "Nung nagla-line up palang ng hosts para sa Good Morning Girls, isa si Dina sa nabanggit, pero kaagad itong tinanggihan ng program manager dahil nega raw at walang advertisers ang may gusto kay Dina, tapos ngayon, heto kinuha na nila sa Morning Star, kasi wala silang makuhang host, kaya minadali ang programa ayan, hindi maganda ang resulta."
At kung hindi rin babaguhin ay ang mag-amang Edu at Lucky Manzano naman ang hosts next week.
Sa CC Vienna Café and Restaurant sa Podium nag-dinner ang mga dumalo sa padasal kay Ms. Rio Diaz-Cojuangco na dinaluhan ng mga kapwa niya Christian headed by Senator Mar Roxas and girlfriend Korina Sanchez at Cito Beltran.
Magka-holding hands sina Sen. Mar at Korina nung dumating sa venue at sa tingin namin ay perfect pair ang dalawa.
Samantala, tila hindi nagustuhan ni Ms. Korina ang isang entertainment editor na nasa parehong venue rin, pero hindi niya nakita dahil kasalukuyan itong nasa rest room, dahil may sinabi siyang hindi maganda sa isa ring editor na binati niya.
Gaano kaya katotoo na pinagkakaisahan ng mga staff and hosts ng Magandang Umaga Bayan ang kanilang executive producer dahil hindi raw maganda ang palakad nito sa programa?
Sinabi na raw ang problema kay Mr. Jake Maderazo at hinihintay na lang ang resulta nito. Reggee Bonoan
Bagamat hindi magkatapat ang dalawang reality based artista search ay hindi rin nakaungos ang mga bagong programa ng ABS-CBN dahil ang first half ng Extra Challenge ay 36% over SCQ at second half ng Extra Challenge ay 36% over Krystala na 36% at first half ng Mulawin ay 37% naman ang nakamit.
Ano na nga ba ang nangyari sa mga loyal viewers ng Dos, bakit tila kinasawaan na sila?
Hindi rin nagtagumpay ang Morning Star nina Dina Bonnevie at Danica Sotto dahil nakakuha lang sila ng 12% kumpara sa Sis na 15%.
Natawa nga kami sa kwento mismo ng taga-Dos tungkol kay Dina, "Nung nagla-line up palang ng hosts para sa Good Morning Girls, isa si Dina sa nabanggit, pero kaagad itong tinanggihan ng program manager dahil nega raw at walang advertisers ang may gusto kay Dina, tapos ngayon, heto kinuha na nila sa Morning Star, kasi wala silang makuhang host, kaya minadali ang programa ayan, hindi maganda ang resulta."
At kung hindi rin babaguhin ay ang mag-amang Edu at Lucky Manzano naman ang hosts next week.
Magka-holding hands sina Sen. Mar at Korina nung dumating sa venue at sa tingin namin ay perfect pair ang dalawa.
Samantala, tila hindi nagustuhan ni Ms. Korina ang isang entertainment editor na nasa parehong venue rin, pero hindi niya nakita dahil kasalukuyan itong nasa rest room, dahil may sinabi siyang hindi maganda sa isa ring editor na binati niya.
Sinabi na raw ang problema kay Mr. Jake Maderazo at hinihintay na lang ang resulta nito. Reggee Bonoan
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended