^

PSN Showbiz

Mas gusto sa ama-amahan kaysa sa tunay na na ina

- Veronica R. Samio -
Finally, nakausap ko si RU Miranda sa presscon ng Minsan Pa na ginanap sa the Dish sa ABS CBN.

Medyo tumaba si RU, nakapagtataka dahil sobrang problema ang dinadala niya na may kinalaman sa kanyang tunay na ina na hindi lamang siya inaangkin kundi kinukuha pa sa pangangalaga nang nakagisnan na niyang ama na si Mike Miranda, isang producer/director sa local movies at siyang nagbigay sa kanya ng kanyang pangalan.

"Umalis ako sa poder ng mom ko when I was 12 dahil wala siya kapag kailangan ko siya," panimula ni RU na Maria Cristina May ang tunay na pangalan. "Isang talent scout ang nagdala sa akin sa bahay ni Daddy Mike.

"Kung sa Mom ko ay may nagbabantay sa amin, isang parang yaya, si Daddy Mike, siya mismo ang nag-aalaga sa amin ng mga kapatid ko (pito silang pawang inampon ni Mike).

"Pinapag-aral ako ni Daddy Mike, siya mismo ang nag-enrol sa akin, pinag-training ako sa kanta at ipinasok sa acting workshop. Feeling ko at naming magkakapatid, andun siya palagi kapag kailangan namin siya.

"Mahilig mag-ampon si Daddy Mike. Tawag niya sa aming magkakapatid ay his "Little Angels." Ako ang pinaka-eldest sa lahat pero, pinaka-last niya na inampon.

"Pito kaming magkakapatid. May dalawa akong kapatid na kambal, ang fraternal twins na sina John Mark at John Paul, parehong seven year olds at ang identical twins na sina RU at RM, three year olds. Si Michael Angelo ay 12 years old at 11 years old naman si Ric Angelo.

"
Nagtataka nga ako nang biglang lumabas ang Mom ko. Inisip ko ang motibo niya dahil alam ko na hindi ang paghango sa akin ang gusto niya. Alam niya ang ginagawa ko. Hindi na rin ako sasama sa kanya, what’s the use? Alam naman niya kung ano ang nangyari sa amin.

"Wala naman akong sama ng loob sa tunay kong Dad. Okay lang kung magkita kami. Pero, di na rin ako sasama sa kanya. May pamilya na siya at ayaw ko na siyang agawin sa kanila," paliwanag ng napaka-kontrobersyal na batang artista.

Nakatapos na ng recording si RU ng kanyang album sa Synergy Records titled "RU Kinakabahayan".

"Parang three years in the making ‘to dahil maraming taong nanloko kay Daddy Mike," dagdag pa niya. "Pero, hindi pa rin ako titigil sa pagkanta, ipagpapatuloy ko ang singing ko."

Sa Minsan Pa, ang initial venture ng MLR Films, at nagtatampok sa tambalan nina Jomari Yllana at Ara Mina sa direksyon ni Jeffrey Jeturian, wala ni isa mang sexy scene si RU. Wholesome ang role niya sa pelikula.
*****
Nagsimula na kahapon ang Krystala na nagtatampok kay Judy Ann Santos sa title role. Siya si Krystala na lingid sa mga umampon sa kanya ay isang superhero na nagtatanggol sa mga mahihina laban kay Harimon, isang engkanto, hinahanap din niya ang kanyang tunay na ina.

Si Harimon si
Emilio Garcia ay may grupo ng mga dating tao na ginawa niyang masama, gaya ni Luminax (Desiree del Valle), Kabagona (Alma Concepcion), Terracotta (Michael Flores), at si Super Z (ChinChin Gutierrez).

Excited si Juday bilang
Krystala dahil ngayon lang ito nakaganap ng ganitong role. Bilang paghahanda, humingi siya ng trainer at fight director. Nag-aral din siya ng wushu at arnis.

Inaasahan ni
Direktor Rory Quintos na makalikha siya ng isang bayani ng bagong henerasyon na katulong sina Mae Czarina Cruz, Trina Dayrit at Nuel Naval sa pagdidirek ng serye.

Ang
Krystala ay ginamitan ng 3D effects sa pamamagitan ng Digital Dodge na pinatatakbo ni Dodge Ledesma. Sa pamamagitan nito ay nakalikha sila ng isang tikbalang, hordes of bats and mosquitoes at ang superpower ni Krystala at ang mga kalaban niya.
*****
Nagdaraos ng Octoberfest sa Jograd’s Laffs and Music na matatagpuan sa Shaw Blvd. cr. Princeton St., Mandaluyong City sa buong buwan ng Oktubre.

May 50% discount sa lahat ng local beers, 6-9 NG. "Pero, ang kasayahan at serbisyo ay palaging 100% the best," ayon pa rin sa may-ari na si Jograd dela Torre, isa sa ipinagkakapuri nating komedyante.

Paboritong hang-out na ngayon ang lugar ni Jograd dahil bukod sa masasarap na pagkain, naririto rin ang pinaka-magagaling na sing-along masters, pinaka-magagandang singers (Olivia at Kris Garcia at food servers.

Para sa reservation, tumawag lamang sa 09205706034.
*****
* Ilulunsad ngayong gabi sa Dish ABS CBN ang 15 years old na si Nicole Joy, nag-aral sa Center for Pop Music Philippines, Yamaha at naging bahagi rin ng ABS CBN at Trumpets.

Di na maituturing na baguhan si Nicole Joy dahil mayro’n na itong
album na naglalaman ng 10 awitin sa pangunguna ng carrier single na "Kung Ika’y Mawawala".

Isang birthday concert ito ni Nicole Joy na magtatampok din kina
Nyoy Volante at Christian Bautista.

AKO

DADDY MIKE

ISANG

JOGRAD

KRYSTALA

MINSAN PA

NICOLE JOY

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with