Sheryl, payag pag-artistahin ang solong anak
October 11, 2004 | 12:00am
Sinabi ni Sheryl Cruz na muli silang magsasama ni Romnick Sarmenta sa isang episode ng Mulawin kung saan gaganap siyang engkantada. Wala namang problema kung muli silang magsama. Sabi nga nito "May kanya-kanya na kaming pamilya at pareho kaming masaya sa buhay-may-asawa. Kaya okey lang kahit gumawa pa kami ng pelikula," aniya.
Sa Disyembre ay magbabalikbayan ang kanyang asawa para dito nila ipagdiwang ang Kapaskuhan. Sakaling mag-artista ang kanyang anak na si Ashley Nicole ay papayag silang mag-asawa na bata pa lang ay maruno na ring sumayaw at kumanta.
May kwento nga si She (palayaw ng aktres) tungkol sa anak. "Nang minsang manood kami ng TV ay palabas ang pelikula ko noon kung saan may eksenang inaapi ako ni Ate Vi at sinasampal ako ni Boyet de Leon na nan-rape sa akin. Umiyak nang umiyak ang aking anak sa pag-aakalang sinasaktan ako. Kaya sabi ko sa kanya pelikula lang yun," aniya.
Very supportive ang husband ng aktres sa pagbabalik-showbiz niya.
Sa kabila ng pagiging supladito ng dating ni Ariel Rivera sa mga press people ay pinatotohanan ng executive producer at mga kasamahan sa Forever In My Heart ang kabaitan ng aktor. Katunayan palabiro raw ito at mahusay makisama sa lahat lalo na sa crew.
Akala ng iba ay tahimik si Ariel pero palabiro ito sey pa ng production staff. Nagkwento nga ito nang minsang magising humarap sa salamin at sinabing "ang guwapo-guwapo ko ngayong umaga" pero nang magkita sila ni Richard Gomez sa dressing room at sabay na nanalamin ay nasabi nito ang "pangit ko pala" dahil super guwapo ni Goma.
Nagtaasan ang kilay ng ibang press people nang tanungin si Keempee de Leon kung nanghihingi pa ba siya ng pera o allowance sa amang si Joey de Leon. "Naku! hindi ako nanghihingi sa kanya ng pera dahil mas gusto kong sa sarili kong pawis manggaling ang gagastusin ko. Yoong bago kong sportscar ay galing sa mga kinita ko sa showbiz. Bukod sa Bahay Mo Ba To? ay mayroon akong ibang raket inire-represent ko si Aga Muhlach sa ibat ibang bahagi ng Pilipinas para sa Touch Mobile," sey nito.
Inamin ni Keempee na kapag may problema siya ay nilulutas niya itong mag-isa dahil takot sa problema ang kanyang daddy. Ayaw na ayaw daw nito na makakarinig ng problema ayon pa sa aktor.
Fifteen years na sa showbiz si Keempee at kung nata-type cast siya sa pagiging bading ay worth naman ito dahil kumikita siya. "Idol ko si Dad sa gay role at nagampanan ko na ang maging screaming faggot at closet queen. Wala naman akong dapat ikatakot dahil yung tunay na mga lalaki ay magagaling maging bading sa pelikula gaya ni Dick Israel, Ronaldo Valdez, Rez Cortez at ang daddy ko," dagdag pa ng aktor.
Gaano katotoo ang syete ng isang kapatid sa hanapbuhay tungkol sa isang sikat na aktres na nasa dressing room na todong nakikipaghalikan sa kanyang bf. Hindi nga sukat akalain na ganito pala ang ugali ng magandang aktres na ang pinu-project na image ay wholesome.
Balitang ang bf ng aktres ay kasama rin niya sa isang programa sa telebisyon.
Sa Disyembre ay magbabalikbayan ang kanyang asawa para dito nila ipagdiwang ang Kapaskuhan. Sakaling mag-artista ang kanyang anak na si Ashley Nicole ay papayag silang mag-asawa na bata pa lang ay maruno na ring sumayaw at kumanta.
May kwento nga si She (palayaw ng aktres) tungkol sa anak. "Nang minsang manood kami ng TV ay palabas ang pelikula ko noon kung saan may eksenang inaapi ako ni Ate Vi at sinasampal ako ni Boyet de Leon na nan-rape sa akin. Umiyak nang umiyak ang aking anak sa pag-aakalang sinasaktan ako. Kaya sabi ko sa kanya pelikula lang yun," aniya.
Very supportive ang husband ng aktres sa pagbabalik-showbiz niya.
Akala ng iba ay tahimik si Ariel pero palabiro ito sey pa ng production staff. Nagkwento nga ito nang minsang magising humarap sa salamin at sinabing "ang guwapo-guwapo ko ngayong umaga" pero nang magkita sila ni Richard Gomez sa dressing room at sabay na nanalamin ay nasabi nito ang "pangit ko pala" dahil super guwapo ni Goma.
Inamin ni Keempee na kapag may problema siya ay nilulutas niya itong mag-isa dahil takot sa problema ang kanyang daddy. Ayaw na ayaw daw nito na makakarinig ng problema ayon pa sa aktor.
Fifteen years na sa showbiz si Keempee at kung nata-type cast siya sa pagiging bading ay worth naman ito dahil kumikita siya. "Idol ko si Dad sa gay role at nagampanan ko na ang maging screaming faggot at closet queen. Wala naman akong dapat ikatakot dahil yung tunay na mga lalaki ay magagaling maging bading sa pelikula gaya ni Dick Israel, Ronaldo Valdez, Rez Cortez at ang daddy ko," dagdag pa ng aktor.
Balitang ang bf ng aktres ay kasama rin niya sa isang programa sa telebisyon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended